backup og meta

Sobrang Pag-Upo: Paano Ito Nakakasama sa Ating Kalusugan?

Hindi maikakaila na marami sa atin ang umuupo nang matagal dahil sa trabaho, pag-aaral, o libangan. Pero may mas malalim na epekto ng pag-upo ng matagal sa ating katawan na dapat nating malaman. Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung paano naaapektuhan ng sobrang pag-upo ang kalusugan batay sa mga pinagkakatiwalaang impormasyon mula sa mga respetadong health institutions.

Sobrang Pag-Upo: Paano Ito Nakakasama sa Ating Kalusugan?

Ano ang Epekto ng Pag-Upo ng Patagal sa Katawan?

Ang epekto ng pag-upo ng matagal ay hindi lang basta pananakit ng likod o leeg. Kapag tumatagal ang oras na ginugugol natin sa pagkakaupo, bumabagal ang sirkulasyon ng dugo at metabolismo ng ating katawan. Ayon sa Mayo Clinic, ang mga taong umuupo nang higit sa walong oras araw-araw nang hindi gaanong gumagalaw ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng labis na timbang at mga kondisyon na bahagi ng tinatawag na metabolic syndrome tulad ng mataas na blood pressure at elevated cholesterol levels.

Hindi rin sapat na mag-ehersisyo lamang minsanan at umupo ng matagal pagkatapos. Ang ulat ng Mayo Clinic ay nagsabi na kahit regular kang nag-eehersisyo, ang matagal na oras ng pag-upo ay puwedeng magdulot pa rin ng mas mataas na panganib ng pagkakasakit kung hindi mo ito binabalanseng may galaw sa araw-araw. 

Mga Pangunahing Epekto ng Pag-upo ng Matagal

1. Problema sa Puso at Circulation

Isa sa pinaka-seryosong epekto ng pag-upo ng matagal ay ang mas mataas na panganib ng sakit sa puso. Kapag hindi gumagalaw ang katawan, bumabagal ang daloy ng dugo at puwedeng mag-ipon ng taba at cholesterol sa mga ugat. Ayon sa Cleveland Clinic, ang sobrang pag-upo ay nauugnay sa mas mataas na posibilidad ng cardiovascular disease at hypertension kahit ang isang tao ay may normal na timbang.

2. Pagtaas ng Timbang at Obesity

Ang mga taong umuupo nang matagal ay kadalasang mas kaunti ang calories na nasusunog. Kapag mas maraming calories ang nakukuha kaysa sa nagagamit, nag-iipon ito bilang taba sa katawan. Ito ay isa sa mga pangunahing sanhi ng obesity na dala ng epekto ng pag-upo ng matagal, ayon sa impormasyon mula sa Mayo Clinic.

3. Mas Mataas na Panganib ng Diabetes

Kapag hindi aktibo ang mga kalamnan — lalo na sa mga binti at balakang — nagiging mas mababa ang sensitivity ng katawan sa insulin. Ito ay maaring magdulot ng type 2 diabetes sa paglipas ng panahon, ayon sa Cleveland Clinic.

4. Masakit na Likod at Pangangapos ng Kalakasan

Kapag matagal kang nakaupo, lalo na sa hindi tamang posisyon, napipwersa ang iyong likod at leeg. Ayon sa Yale Medicine, ang pag-upo ng matagal ay puwedeng magdulot ng stress sa spinal discs at mga kalamnan, pati na rin bumaba ang flexibility ng spine at maging sanhi ng chronic back pain. 

5. Mahinang Circulation at Panganib ng Clots

Kapag hindi gumagalaw ang mga paa sa mahabang oras ng pag-upo, puwedeng bumagal ang sirkulasyon ng dugo sa mga binti at magdulot ng kondisyon tulad ng deep vein thrombosis (DVT). Ito ay seryosong sitwasyon kung saan ang dugo sa mga ugat ay nagbuo ng clots na puwedeng pumunta sa puso o baga.

6. Pagka-apekto ng Metabolism

Ang pag-upo ng matagal ay puwedeng magpabagal ng metabolismo ng katawan, ibig sabihin mas hindi epektibo ang katawan sa pag-burn ng taba at asukal. Kapag ganito ang sitwasyon, mas mataas ang tsansa na magkaroon ng diabetes at iba pang kondisyon na kaugnay ng metabolic dysfunction. 

Paano Maiiwasan ang Negatibong Epekto ng Pag-upo ng Matagal?

  • Magpahinga at gumalaw bawat oras. Kahit limang minutong paglakad o pag-stretch kada oras ay makakatulong para mabawasan ang epekto ng pag-upo ng matagal.
  • Gumawa ng simpleng pag-eehersisyo. Ang 30 minutong paglalakad o light exercise araw-araw ay malaki ang maitutulong para sa katawan.
  • Panatilihin ang tamang postura. Ang tamang pagkakaupo ay makakatulong para hindi masyadong ma-stress ang likod at leeg.

Key Takeaways

  • Ang epekto ng pag-upo ng matagal ay hindi lamang kasakit sa likod; ito ay puwedeng magdulot ng seryosong problema tulad ng sakit sa puso, diabetes, at obesity.
  • Ang matagal na oras ng pag-upo ay nauugnay sa mas mabagal na metabolismo at mas mataas na panganib ng metabolic syndrome.
  • Ang simpleng galaw sa araw-araw ay makakatulong para bawasan ang mga panganib na dala ng pag-upo ng matagal.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Health Risks of a Sedentary Lifestyle, https://health.clevelandclinic.org/sedentary-lifestyle, Date Accessed: March 3, 2026
  2. Sitting risks: How harmful is too much sitting?, https://www.mayoclinic.org/health/sitting/AN02082, Date Accessed: March 3, 2026
  3. The dangers of sitting: why sitting is the new smoking, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/the-dangers-of-sitting, Date Accessed: March 3, 2026
  4. Why Is Sitting so Bad for Us?, https://www.yalemedicine.org/news/sitting-health-risks, Date Accessed: March 3, 2026
  5. Prolonged Sitting Health Risks Explained, https://www.apollo247.com/health-topics/general-medical-consultation/prolonged-sitting-health-risks-explained, Date Accessed: March 3, 2026

 

Kasalukuyang Version

04/06/2026

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang HMO

Ano ang benepisyo ng health insurance


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas