backup og meta

Epekto Ng Madalas Na Paglalakad Sa Kalusugan, Ayon Sa Pag-aaral!

Epekto Ng Madalas Na Paglalakad Sa Kalusugan, Ayon Sa Pag-aaral!

Gusto mo bang maging physically fit? Bakit hindi mo subukan ang paglalakad bilang exercise! Dahil ayon sa mga pag-aaral, ang paglalakad ay makakatulong sa’yo para mapangalagaan ang iyong kalusugan. 

Bukod pa rito, batay sa bagong pag-aaral naka-publish sa JAMA Network Open, ang paglalakad ng 8,000 steps na may haba o sukat na halos 4 na milya/miles o 6.4 kilometers sa isa o dalawang araw bawat linggo ay nakakatulong sa pagbawas ng panganib sa maagang pagkamatay.

“Our findings indicate that the recommended number of steps taken on as few as one to two days per week may be a feasible option for individuals who are striving to achieve some health benefits through adhering to a recommended daily step count but are unable to accomplish this on a daily basis,” pagdaragdag nila.

Dagdag pa rito, ayon muli sa kanilang pag-aaral, maging ang mga taong naglalakad ng 6,000 hakbang isang beses o dalawang beses sa isang linggo ay may benepisyo rin sa kalusugan ng tao. Binigyan-diin din nila na ang mga benepisyo ay lalo pang tumataas kapag ginagawa ng bawat indibidwal ang inirerekomendang bilang ng mga hakbang sa loob ng tatlong araw o higit pa.

Paano napatunayan ng pag-aaral ang epekto ng madalas na paglalakad?

Sa pagsasagawa ng pag-aaral, sinuri ng mga researcher mula sa Kyoto University and the University of California, Los Angeles ang data mula sa 3,100 American adults. Kung saan, nalaman nila na ang mga naglalakad ng 8,000 na hakbang o higit pa sa 1 o 2 araw sa isang linggo ay may 14.9 porsiyentong mas mababa ang posibilidad na mamatay sa loob ng 10 taon, kumpara sa mga hindi pa umabot sa markang iyon. Habang ang mga indibidwal na lumalakad ng 8,000 na hakbang o higit pa sa 3 hanggang 7 araw sa isang linggo ay may mas mababa na  panganib sa pagkamatay.

Ginamit rin ng mga researcher ang daily step counts mula sa 3,100 kalahok noong 2005 at 2006 at sinuri ang kanilang data ng dami ng namamatay makalipas ang 10 taon. Kung saan, sa mga kalahok ng pag-aaral, 632 ang kumuha ng 8,000 na hakbang o “more zero days” sa isang linggo, 532 naman ang kumuha ng 8,000 na hakbang o higit pa 1 hanggang 2 araw sa isang linggo at 1,937 ang kumuha ng 8,000 o higit pang hakbang 3 hanggang 7 araw sa isang linggo.

Sino ang nakikinabang sa mabuting epekto ng 8,000 steps?

Ayon sa pag-aaral ang mga benepisyong pangkalusugan ng paglalakad ng 8,000 na hakbang o higit pa 1 o 2 araw sa isang linggo ay lumitaw na mas mataas para sa mga kalahok na may edad na 65 taong gulang at mas matanda.

“The number of days per week taking 8,000 steps or more was associated with a lower risk of all-cause and cardiovascular mortality,” pahayag ng mga researcher.

Iminumungkahi rin ng mga natuklasan sa pag-aaral na ang mga indibidwal ay maaaring makatanggap ng malaking benepisyo sa kalusugan sa pamamagitan ng paglalakad ng ilang araw sa isang linggo.

Para malaman pa ang iba pang epekto ng madalas na paglalakad sa kalusugan ayon sa pag-aaral at expert, patuloy na basahin ang artikulo na ito.

Epekto ng madalas na paglalakad sa kalusugan

Ayon sa Mayo Clinic, ang karaniwang Amerikano ay naglalakad ng 3,000-4,000 hakbang sa isang araw, kung saan ang kanilang paglalakad para sa regular na aktibidad ay maaaring makatulong upang mabawasan ang panganib ng sakit sa puso, labis na katabaan, diabetes, mataas na presyon ng dugo at depresyon.

Bukod pa sa mga nabanggit na mabuting epekto ng paglalakad, narito pa ang iba pang benepisyo na dapat mong malaman, ayon sa Mayo Clinic:

  • Napapanatili ang isang malusog na timbang at nababawasan ang taba sa katawan
  • Napipigilan o napamamahalaan ang iba’t ibang kundisyon, kabilang ang sakit sa puso, stroke, high blood pressure, cancer at type 2 diabetes
  • Napapabuti ang cardiovascular fitness
  • Napapalakas ang iyong mga buto at kalamnan
  • Napapabuti ang tibay ng kalamnan
  • Tumataas ang antas ng enerhiya
  • Napapabuti ang iyong kalooban, memorya at pagtulog
  • Napapabuti ang iyong balanse at koordinasyon
  • Napapalakas ang immune system
  • Nababawasan ang stress at tensyon

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Walking 8,000 Steps 1 Or 2 Days A Week Is Enough To Do Some Good, Study Says, https://weather.com/health/news/2023-03-30-walking-8000-steps-two-days-a-week-reduces-mortality Accessed March 29, 2023

Walking for good health, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/walking-for-good-health Accessed March 29, 2023

Walking: Trim your waistline, improve your health, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/fitness/in-depth/walking/art-20046261 Accessed March 29, 2023

5 surprising benefits of walking, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/5-surprising-benefits-of-walking Accessed March 29, 2023

Walking for health, https://www.nhs.uk/live-well/exercise/running-and-aerobic-exercises/walking-for-health/ Accessed March 29, 2023

 

Kasalukuyang Version

04/23/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Panganib ng Microplastic sa Kalusugan, Alamin!

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement