Ang balat ang pinakamalaking bahagi ng katawan ng tao— kung saan ang epekto ng hangin sa kalusugan ng tao ay dapat bantayan. Dahil ang hangin ay maaaring maging banta sa pangkabuuang kalusugan at buhay ng isang indibidwal.
Sa modernong panahon, peligroso na para sa kalusugan ng isang tao ang mga hanging pumapasok sa tahanan. Tulad ng usok na mula sa sigarilyo, sasakyan at pabrika. Ipinapakita rin ng mga scientific research ang epekto ng hangin sa kalusugan ng tao. Kung saan ang hangin ay maaaring magresulta ng allergy reactions sa balat. Habang ang maruming hangin naman ay maaaring makapinsala. Sa anyo ng pagkakaroon ng failure sa baga ng isang tao— tulad ng hika, emphysema at bronchitis. Mayroon ding mga pag-aaral na lumabas na malaki ang naiaambag ng hangin sa pagkakaroon ng heart attack, stroke, diabetes at dementia.
Basahin ang artikulong ito para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa epekto ng hangin sa kalusugan ng isang tao.
Ano Ang Tawag Sa Hanging Nakapipinsala Sa Tao?
Ang hangin ay nagiging mapanganib kapag ito ay naging bahagi ng polusyon. Tinatawag na polusyon sa hangin o air pollution sa Ingles ang hangin na nakapipinsala sa kalusugan ng tao.
Kapag sinabing “polusyon” ito ang bagay na mapanganib (harmful materials) sa kalikasan at tao. Kilala sa tawag na “pollutants” ang mga bagay na nakapipinsala. Maaaring magmula ang harmful materials sa mga natural na bagay tulad ng volcanic ash. Minsan naman ay mula ito sa human activities. Tulad ng basura o runoff na likha ng mga factory.
Tandaan
Ano Ang Air Pollution?
Ang polusyon sa hangin ay nagre-refer sa pag-release ng pollutants sa hangin— kung saan ang mga pollutant na ito ay nakakasama sa kalusugan ng tao. Ayon pa sa World Health Organization (WHO), bawat taon ang air pollution ang responsable para sa 4.2 milyong pagkamatay. Dahil sa stroke, sakit sa puso, lung cancer, acute at chronic respiratory diseases. Siyam sa bawat sampung tao ang kasalukuyang humihinga ng hangin na lagpas sa limitasyon ng alituntunin ng WHO para sa pollutants.
Idinagdag pa ng WHO na ang mga namumuhay sa low at middle income countries ang mga madalas na maghirap sa air pollution.
Kapansin-pansin na ang polusyon sa hangin ay isang suliraning pangkalusugan at kapaligiran. Dahil sa pagkakaroon ng mga mapinsalang kemikal sa hangin na nalalanghap. Kadalasang ang polusyon sa hangin ay mula sa mga sasakyan, kabahayanan, pabrika, opisina at pagsisiga.
Nakikita Ba Ang Polusyon Sa Hangin?
Mayroong mga pagkakataon na nakikita ang air pollution. Madalas itong nakikita bilang dark smoke mula sa pipes ng mga naglalakihang trucks at factory. Gayunpaman, ang air pollution ay madalas na invisible. Laging tandaan na ang polluted air ay delekado para sa tao. Kahit na invisible ang mga pollutant sa mata ng bawat indibidwal. Maaari nitong masunog ang mata ng tao at maging sanhi ng paghihirap nila sa paghinga. Ang air pollution din ay nakakapagpataas ng risk para sa lung cancer.
Dahilan Ng Air Pollution
Ayon kay John Walke, direktor ng Clean Air Project ang air pollution ay madalas na nagmumula sa energy use at production. Kung saan ang burning fossil fuels ang naglalabas ng gases at chemicals sa hangin. Ang air pollution sa form ng carbon dioxide at methane ay nagpapataas ng earth’s temperature. Dahil sa patuloy na pagtaas ng temperatura kaya maraming sakit at atake ang natri-trigger kaugnay sa pangkabuuang kalusugan ng tao. Narito pa ang mga sumusunod na dahilan ng air pollution:
- Hindi wastong pagtatapon ng basura
- Paninigarilyo
- Paggamit ng mga kemikals na may matatapang na amoy at substances
- Mga usok mula sa mga sasakyan, pabrika, opisina at kabahayanan
- Pagsisiga o pagsusunog
- Pagpuputol ng puno
Mga Uri Ng Polusyon Sa Hangin Na Nakakaapekto Sa Kalusugan Ng Tao
Narito ang mga sumusunod na uri ng air pollution na dapat ay alam mo para maiwasan ito:
Smog
Ito ang 2 most prevalent types ng air pollution. Ang “smog” ay nire-refer bilang ground-level ozone. Ito ay nabubuo dahil sa emissions mula sa combusting fossil fuels react with sunlight. Madalas na nagmumula ito sa mga sasakyan, factory, power plants, incinerators at engines.
Soot
Kilala rin ito bilang “particulate matter” na nabuo sa tiny particles ng kemikals, lupa, smoke, alikabok o allergens— sa form ng gas or solids– na nadadala ng hangin.
Hazardous Air Pollutants
Masasabi na isa ito sa mga mapanganib na pollutant sa hangin. Dahil maaari nitong maapektuhan ang baga, nervous, endocrine system at reproductive functions. Sapagkat madalas ang hazardous air pollutants ay nagtataglay ng mercury na umaatake sa central nervous system ng tao. Ito ay maaaring mag-lead sa damage ng utak, bato at sa abilidad ng bata matuto.
Greenhouse Gases
Sa pamamagitan ng pagtrap sa init ng mundo sa atmosphere, ang greenhouse gases ay nagli-lead sa mainit na temperatura. Kaugnay nito, dahil sa pag-init ng temperatura nagiging mapanganib ito sa mga taong may malalang health conditions— partikular ang mga may sakit sa puso.
Pollen at Mold
Ito ay nagmumula sa mga puno at halaman na sumasama sa hangin. Nagiging mapanganib ito lalo na para sa may mga allergy.