Isang sanggol sa Florida ang naiulat na unang sanggol ipinanganak na mayroong covid antibodies. Ano ang sinasabi ng mga awtoridad tungkol sa kaganapang ito? Alamin dito.
Maaaring maipasa ng mga ina ang COVID-19 antibodies sa kanilang bagong panganak
Ang antibodies ay mga protina na mahalaga para sa ating immunity. Makakaya nilang kilalanin at labanan ang pathogens, tulad ng bacteria at viruses. Mahalagang kung mayroon kang antibodies sa partikular na sakit, magkakaroon ka ng tiyak na antas ng proteksyon mula dito.
Ang mga taong nagkaroon ng impeksyon sa SARS-CoV2 ay nagkakaroon ng mga antibodies para dito. Ito ang dahilan kung bakit hinihimok sila ng mga health institution na mag-donate ng kanilang blood plasma sa mga pasyente na lumalaban sa impeksyon. Sa pagsisimula ng pagbabakuna, mas maraming tao ang inaasahang magkakaroon din ng antibodies.
Kapansin-pansin ang iba’t ibang ulat na ang mga inang nagkasakit ng COVID-19 ay nakapagsalin ng kanilang SARS-CoV2 antibodies sa kanilang mga bagong silang. Ngayon, mukhang ang mga sanggol ng mga nabakunahang ina ay maaari ding magkaroon ng immunity sa impeksyon sa COVID-19.
Iniulat ng US ang unang sanggol ipinanganak na mayroong COVID antibodies
Isang healthcare worker mula sa Florida US ang nakatanggap ng unang dose ng Moderna vaccine sa ika-36 na linggo ng kanyang pagbubuntis. Makalipas ang tatlong linggo, nanganak siya ng isang malusog na batang babae. Namangha sila nang mapansin ng mga siyentipikong imbestigador na ang kanyang sanggol ay ipinanganak na may anti-antibodies laban sa impeksyon sa SARS-CoV 2.
Positibo ang mga doktor na ito ang kauna-unahang naiulat na kaso ng isang sanggol na ipinanganak na mayroong COVID-19 antibodies.
Ipinaliwanag ng mga awtoridad na agad silang kumuha ng blood sample mula sa umbilical cord ng sanggol pagkatapos ng kanyang kapanganakan at bago ang paglabas ng inunan.
Ibig sabihin na ang COVID-19 antibodies ay naroroon noong ipinanganak ang sanggol.
Implikasyon
Ang sanggol na ipinanganak na mayroong COVID-19 antibodies ay isang malaking kaganapan, ayon sa mga eksperto sa kalusugan.
Una, maaaring mangahulugan na ang mga sanggol na ipinanganak mula sa mga babaeng nakatanggap ng bakuna sa panahon ng kanilang pagbubuntis ay mapoprotektahan mula sa impeksyon sa COVID-19. Mahalaga ito dahil ang mga bagong silang na sanggol ay bahagi ng mga pinaka-mahina sa populasyon.
Pangalawa, sumusuporta ito na ligtas para sa mga buntis na mabakunahan. Gayunpaman, dahil ito ay maagang data, sumasang-ayon ang mga mananaliksik na kailangan ng higit pang mga pag-aaral.