Ang konsepto ng pig heart transplant ay bunga ng katalinuhan ng tao at siyensya— ngunit ang puso ng baboy inilipat sa tao ay posible nga bang magtagumpay?
Noong Enero 10, 2022, ibinahagi ng faculty scientists at clinicians mula sa University of Maryland School of Medicine ang tagumpay ng isang first-of-its-kind surgical procedure, kung saan nagsagawa sila ng groundbreaking xenotransplantation sa isang lalaking may terminal heart disease. Kaugnay nito, pinili ng mga doktor ang transplant sa puso ng baboy sa tao, dahil ito lamang ang kasalukuyang magagamit na opsyon para sa 57 taong gulang na pasyente.
Puso Ng Baboy Inilipat Sa Tao: Nakaligtas Ba Ang Pasyente?
Nabuhay si David Bennett ng dalawang buwan pagkatapos ng matagumpay na operasyon. Gayunpaman, ang kanyang kondisyon ay nagsimulang lumala ilang araw pagkatapos ng second-month mark ng pagkakaroon ng puso ng baboy, at namatay noong Marso 8.
Puso Ng Baboy Inilipat Sa Tao: Mga Naging Pahayag Sa Pig Heart Transplant
Pinapurihan ng anak ni Bennett ang ospital para sa pag-aalok sa kanila ng last-ditch experiment, dahil ito ang naging tulay para sa katuparan ng kahiligan ng pamilya ng pasyente.
Dagdag pa rito, isinagawa ang operasyong ito upang makatulong na rin sa mga pagsisikap sa hinaharap na wakasan ang organ shortage.
“We are grateful for every innovative moment, every crazy dream, and every sleepless night that went into this historic effort,” pahayag ng University of Maryland School of Medicine President David Bennett Jr.
Short Background Tungkol sa Xenotransplantation
Ang Xenotransplantation ay tumutukoy sa anumang uri ng pamamaraan na nagsasangkot ng paglipat, implantation, o infusion ng alinman sa mga sumusunod:
- Live nonhuman animal cells, tissues at/o organs
- Human body fluids, mga cell, tissues, o organs na nasa ex vivo contact kasama ang live nonhuman counterparts na inilipat sa human recipient
Isinasaalang-alang ng ilang doktor ang pamamaraang ito, dahil marami rin ang nangangailangan ng human organs para sa transplant, at sa bawat 9 na minuto, isang pangalan ang idinaragdag sa listahan ng national transplant waiting list.
Ang partikular na uri ng xenotransplantation na ikinonsider ay ang paglipat ng puso ng baboy. Ginagamit ng medical students ang puso ng baboy dahil sa pagkakatulad nito sa puso ng tao. Sa mga tuntunin ng laki, anatomy, at pati na rin sa pag-andar, ang mga puso ng baboy ay ang gold standard sa pre-clinical animal testing para sa lahat ng mga cardiovascular device. Malaki ang naitutulong nito sa testing safety at efficacy, at sa pagpipino ng implant procedures.
David Bennett, Mga Doktor mula sa University of Maryland Medicine, at ang Pig Heart Transplant
Ang 57-taong-gulang na pasyenteng si David Bennett ay nagkaroon ng acute heart failure. Kung saan hindi siya naging viable candidate para sa human heart transplantation.
Gayunpaman noong Bisperas ng Bagong taon, binigyan ng U.S.A. Food and Drug Administration ang mga doktor mula sa Maryland Medicine ng pahintulot na isagawa ang operasyon sa pamamagitan ng isang espesyal na protocol na kilala bilang compassionate use. Kung saan pinahihintulutan nito ang mga pasyenteng may malubhang sakit na pang-emerhensiyang pag-access sa mga pang-eksperimentong gamot o device.
Dagdag pa rito, sa isang pahayag na inilabas sa ospital, sumang-ayon si Bennett sa experimental surgery dahil wala na siyang iba pang alternatibong magagamit para sa pagsalba sa buhay ng pasyente. Idagdag mo pa na sa loob ng maraming buwan, bedridden ang pasyente at walang ospital ang nagkokonsider na bigyan siya ng heart transplant.
“It was either die or do this transplant. I want to live. I know it’s a shot in the dark, but it’s my last choice.” paliwanag niya.
Noong Enero 7, matagumpay na naisagawa ng mga doktor ang walong oras na operasyon ng transplant sa puso ng baboy inilipat sa tao. At sa unang pagkakataon, isiniwalat ng organ transplant na ito na ang isang genetically modified na puso ng hayop ay maaaring gumana bilang puso ng tao nang hindi agad ito tinatanggihan ng katawan.
Ang bagong puso ng pasyente ay nagmula sa isang baboy na Revivicor.
Recovery Sa Pig Heart Transplant
Ayon sa direktor ng cardiac xenotransplantation program ng ospital at miyembro ng surgical team, si Muhmmad Mohiuddin, ang pasyenteng si Bennett ay bumabawi ng kanyang lakas tatlong linggo pagkatapos ng operasyon.
Siya ay umaasa sa smaller wins with high hopes— na ang bagong puso ay patuloy na susuportahan si Bennett. At para sa kanya, everyday accomplishments na ang mga maliliit na sandali ng pagtalakay nila sa football playoffs kasama ang mga staff.
Ayon pa kay Dr. Bartley P. Griffith, isa sa miyembro ng grupo na nagsagawa ng pig heart transplant— isa itong pambihirang operasyon. Kung saan one step closer na sila sa paglutas ng organ shortage dahil walang sapat na donor na puso ng tao na magagamit lagi para matugunan ang mahabang listahan ng potential recipients.
Dagdag pa niya, patuloy sila sa pag-iingat, subalit positibo sila na ang first-in-the-world surgery ay magbibigay ng mahalagang bagong opsyon para sa mga pasyente sa hinaharap.
Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.