Nagpahayag ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) ng kanilang pagkabahala dahil mahigit isang milyong bata sa Pilipinas ang hindi nakakuha ng kanilang routine vaccine shots noong 2021.
Ayon sa ulat at pahayag ni UNICEF Philippines Immunization Dr. Carla Orozco sa isang media forum noong Martes, Abril 25, inestimate ng UNICEF na sa buong mundo, 67 milyong bata ang “nakaligtaan nang buo o partially sa regular na pagbabakuna” sa pagitan ng 2019 at 2021. Ang mga bakuna na ito ay laban sa polio, tigdas, dipterya, pertussis, tetanus, at iba pa.
Dagdag pa rito, noong 2021, hindi bababa sa 18 milyong mga bata sa buong mundo ang hindi nakatanggap ng “single dose of routine vaccines” at nasa ikalimang pwesto sa buong mundo ang Pilipinas sa pinakamaraming hindi nabakunahan ang bata, ayon na rin kay Orozco.
India ang naitala na may pinakamataas na bilang ng mga “zero-dose na bata”, mga batang walang kahit isang bakuna. Tinatayang na may 2,711,000 ang mga batang zero-dose sa India na sinundan naman ng Nigeria na may 2,247,000; Indonesia na may 1,150,000; Ethiopia na may 1,134,000 at ang Pilipinas na may 1,048,000.
Para malaman pa ang mahahalagang impormasyon sa usapin tungkol pagpapabakuna sa bata, patuloy na basahin ang article na ito.
Mataas na bilang zero-dose children sa Pilipinas, saan matatagpuan?
Ayon muli sa mga ulat at datos, ang nangungunang limang rehiyon sa Pilipinas na may pinakamaraming zero-dose na bata ay ang Calabarzon (146,160), Central Luzon (99,541), Western Visayas (96,774), Bicol (80,905) at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (75,671).
Dagdag pa rito, karamihan sa zero-dose children ay nakatira sa mga marginalized na komunidad o sa mga komunidad na itinuturing na “bulnerable sa mga outbreak,” at kadalasan na walang access sa mga regular na serbisyong pangkalusugan.
Binigyang-diin din ni Orozco na ang mataas na bilang ng zero-dose children ay itinuturing na nakakaalarma, dahil maaari itong magresulta ng possible outbreaks ng vaccine-preventable diseases, disabilities, at kamatayan sa mga bata.
“Vaccine-preventable diseases affect children’s physical and cognitive development and prevent them from becoming healthy, productive citizens,” paglalahad ni Orozco.
Pagpapabakuna sa bata, bakit ba naging problema?
Ayon muli kay Orozco maraming factor kung bakit mataas ang bilang ng mga zero-dose children, lalo’t ang ilang Local Goverment Unit o LGUs ay isang beses lang sa isang buwan ang vaccination session. Dagdag pa niya;
“And also, there is inadequate tracking of defaulters. Defaulters are those children that have not completed their immunization schedule but they have actually started it–and that is a usual scenario in the Philippines, they don’t complete their vaccination schedule in time. There is lack of regular outreach immunization services, inadequate human resource.”
Bukod pa rito, isa rin sa itinuturing na factor bakit mataas ang hindi bakunadong bata ay dahil sa pagdadalawang isip sa pagpapakuna (vaccine hesitancy)
“Like religious beliefs, perceptions that vaccines are not important, misinformation–possible side effects, etc. These have contributed really to the low trust in vaccine’s safety and efficacy,” pagdaragdag ni Orozco.
Nakagdagdag rin ang COVID-19 pandemic sa delay at hindi pagpapabakuna sa bata.
“Because of the urgent need to end the pandemic, the government and all sectors —the priority, focus is really on the Covid-19 response, which overwhelmed the health system, especially human resources and funding as well. It affected the delivery of essential health services like immunization,” pahayag ni Orozco.
Paano dapat harapin ang problema sa pagpapabakuna sa bata?
Batay muli sa pahayag ni Orozco dapat magsagawa ng mga hakbang ang gobyerno para ma-address ang problema na ito.
“We know that the government is doing something of course but I think the government should do more. One, I think, the first step or major step is really on the human resources—to increase the number not only the number but also the capacity of human resources for health services,” paglalahad ni Orozco.
Idinagdag din niya na dapat magkaroon ng additional funds sa pagko-conduct ng bakuna na maa-outreach ang immunization services, ma-track ang defaulters, at mapataas ang vaccination services upang mapaunlad ang immunization coverage.
Binigyaang-diin din niya na mahalaga na makapag-conduct ng “coaching” o “mentoring” session sa mga health worker para ma-boost ang kanilang confidence at madagdagan ang kanilang kasanayan sa pagpapakuna.
Ano na ang aksyon sa kasalukuyan?
Sa hiwalay na press briefing noong Martes, Abril 25, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na magsasagawa ang gobyerno ng supplemental immunization activity simula Mayo 2 hanggang 31.
“Kailangan mabakunahan at mahanap natin ang mga kabataan na na-miss nga nating bakunahan (We need to vaccinate and find those children who we missed to vaccinate) during the times of the pandemic and even prior to that. And yung mga batang hindi pa kumpleto ang bakuna ay makumpleto na natin. Para maiwasan ang mga outbreaks na ating pwedeng mapigilan naman katulad ng polio at tigdas (And the children who have not yet completed their vaccination. This is to prevent possible outbreaks like polio and measles).”