backup og meta

Oral Sex, Leading Risk Factor Ng Throat Cancer, Ayon Sa Pag-aaral!

Oral Sex, Leading Risk Factor Ng Throat Cancer, Ayon Sa Pag-aaral!

Ayon sa balita ang pag-aaral sa New  England Journal of Medicine ang mga taong may 6 o higit pang lifetime oral-sex partner ay 8.5 beses na mas malamang na magkaroon ng oropharyngeal cancer kumpara sa mag-partner na hindi nagsasagawa ng oral sex.

Bukod pa rito, sa nakalipas na dalawang dekada, nagkaroon ng mabilis na pagtaas ng throat cancer sa West na humantong ng pagiging epidemic ng ilang bansa. Dahil sa malaking pagtaas ng isang partikular na uri ng kanser sa lalamunan na tinatawag na “oropharyngeal cancer” (ang lugar kung nasaan ang tonsil at likod ng lalamunan). 

Batay na rin sa ilan pang mga pag-aaral ang pangunahing sanhi ng kanser na ito ay ang human papillomavirus (HPV), na siya ring pangunahing sanhi ng kanser sa cervix. Ang HPV ay nakukuha sa pakikipag-sex, habang ang main risk factor naman ng oropharyngeal cancer ay ang bilang ng sexual partners na nakaka-oral sex. Kung saan oropharyngeal cancer ay naging mas karaniwan na ngayon kumpara sa cervical cancer sa US at UK.

Para malaman pa ang mahahalagang detalye tungkol sa oral sex at cancer, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano ang throat cancer?

Ayon sa Mayo Clinic, ang throat cancer ay tumutukoy sa kanser na nabubuo sa lalamunan (pharynx) o voice box (larynx). Ang lalamunan ay isang muscular tube na nagsisimula sa likod ng ilong at nagtatapos sa leeg. Madalas ang kanser sa lalamunan ay nagsisimula sa flat cells na nakahanay sa loob ng lalamunan. Habang ang voice box naman ay nasa ibaba lamang ng lalamunan at madaling kapitan ng kanser sa lalamunan. Ang voice box ay gawa sa cartilage at naglalaman ng vocal cords na nagba-vibrate upang gumawa ng tunog kapag nagsasalita ka.

Ano ang oral sex?

Ang oral sex ay paggamit ng bibig, labi o dila upang pasiglahin ang ari o anus ng iyong partner. Dagdag pa rito, ang parehong lalaki at babae ay maaaring magbigay at tumanggap ng oral sex.

Koneksyon ng oral sex at cancer

Ipinapakita ng mga behavioral trends studies na ang oral sex ay laganap sa ilang bansa, at sa isa pang pag-aaral na isinagawa sa halos 1,000 tao na may tonsillectomy para sa non-cancer reasons sa UK, 80% ng mga nasa hustong gulang ay nag-ulat na nagsasagawa ng oral sex sa ilang mga punto ng kanilang buhay. Gayunpaman, kakaunti lamang sa mga taong iyon ang nagkakaroon ng oropharyngeal cancer, at hindi malinaw ang dahilan kung bakit.

Habang ayon naman sa artikulo na “Oral Sex Habits Can Affect Your Cancer Risk” humigit-kumulang 70% ng mga oropharyngeal cancer—kanser sa likod ng lalamunan, base ng dila at tonsil—ay sanhi ng human papillomavirus, o HPV. Kung saan tinatantya ng Centers for Disease Control and Prevention, nasa humigit-kumulang 3,500 na mga bagong kaso ng HPV-associated oropharyngeal cancers ang nada-diagnose sa mga babae at humigit-kumulang 16,200 naman ang nada-diagnose sa mga lalaki bawat taon sa United States.

Sa U.S, ang pinakakaraniwang impeksyon na nakukuha sa pakikipag-sex ay ang HPV, at sa mahigit 100 uri, humigit-kumulang 40 ang maaaring kumalat sa pamamagitan ng direct sexual contact sa mga bahagi ng ari, gayundin sa bibig at lalamunan. Humigit-kumulang isang dosenang uri ng HPV ang nagdudulot ng kanser, kabilang ang oropharyngeal, cervical, vaginal, vulvar, penile at anal cancers.

Napapataas rin ba ng deep kissing ang risk ng throat cancer?

Ayon muli sa artikulo ng Oral Sex Habits Can Affect Your Cancer Risk, natuklasan din ng pag-aaral na ang “deep kissing” ay nagpapataas ng risk ng HPV-related oropharyngeal cancers. Kung saan ang mga taong may 10 o higit pang deep-kissing partner ay higit sa dalawang beses na malamang na magkaroon ng HPV-related cancer, at ang pagkakaroon ng kapareha na nagkaroon ng extramarital affair ay nagpapataas ng risk ng pagkakaroon ng oropharyngeal cancer ng 60%.

Paano maaaring iwasan ang throat cancer?

Ayon kay Dr. Caitlin McMullen isang surgeon sa Head and Neck Oncology Program sa Moffitt Cancer Center, ang pagsasagawa ng safe sexual practices ay mahalagang component sa pag-iwas sa throat cancer. Dagdag pa niya, maraming highly effective vaccine na FDA-approved ang maaaring gamitin para maiwasan ang HPV-related disease, kabilang ang HPV-related cancer para sa mga indibidwal na nasa 45 pataas.

Para makakuha ka ng mga bakunang ito, maaari kang magpakonsulta sa doktor. Isa itong mabuting hakbang upang masigurado ang iyong kaligtasan sa pagpapabakuna.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Throat Cancer, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/throat-cancer/symptoms-causes/syc-20366462 Accessed April 27, 2023

Throat Cancer, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/23136-throat-cancer Accessed April 27, 2023

Throat Cancer, https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/head-neck-cancer/throat Accessed April 27, 2023

Throat Cancer, https://www.yalemedicine.org/conditions/throat-cancer Accessed April 27, 2023

Oral sex is now the leading risk factor for throat cancer, https://theconversation.com/oral-sex-is-now-the-leading-risk-factor-for-throat-cancer-204063#:~:text=For%20oropharyngeal%20cancer%2C%20the%20main,do%20not%20practise%20oral%20sex. Accessed April 27, 2023

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement