backup og meta

No Vaccine, No Ride Policy, Ipinatutupad sa Metro Manila

No Vaccine, No Ride Policy, Ipinatutupad sa Metro Manila

Sa pagtaas ng bilang ng mga kaso sa bansa, tila hindi maiiwasang magpatupad ng mas mahigpit na mga panuntunan. Isa sa mga ito ang “No Vaccine, No Ride policy” sa Metro Manila.

Ano ang eksaktong ibig sabihin ng polisiya na ito? At paano ito maaaring makaapekto sa tao na umaasa sa pampublikong transportasyon araw-araw?

No Vaccine No Ride Policy: Narito Ang Kailangan Mong Malaman

Ayon kay transport secretary Arthur Tugade, sakop ng polisiyang ito ang buong Metro Manila. Kailangang magpakita ng kanilang vaccination card, kasama rin ang kanilang ID, ang mga pasahero na gumagamit ng kahit na anong uri ng pampublikong transportasyon. Layunin ng polisiyang ito na pigilan ang pagkalat ng impeksyong patuloy na tumataas sa bansa.

Noong nakaraan, nagpagkasunduan ng mga mayor sa Metro Manila na ipagbawal ang pagpasok ng mga hindi bakunadong tao sa mga mall at katulad na lugar. Bagaman nakuwestiyon na ito ng ilang legal na mga grupo. 

Sinasabi ng ilang mga grupo na labag sa konstitusyon at hindi patas sa mga hindi pa bakunado ang “No vaccine, no ride policy.” Pinunto nila na 49% lamang ng populasyon ang fully vaccinated, kaya higit pa sa 50% ng populasyon ang hindi puwedeng makabiyahe dahil sa mga ganitong restriction.

Dagdag pa nila na maaari itong makaapekto sa kabuhayan ng mga tao na nangangailangang pumasok sa trabaho, ngunit hindi pa bakunado.

Gaano kaligtas na sumakay sa mga pampublikong transportasyon?

Isa sa mga dahilan kung bakit kumakalat nang mabilis ang COVID 19 ay dahil airborne ito. Ibig sabihin na sa isang enclosed space, mabilis na makokontamina ang hangin at potensyal na kumalat ang virus ng umuubo o bumabahing na tao.

Nagkataong enclosed space ang ilang mga uri ng pampublikong transportasyon. Enclosed space ang mga kotse, eroplano, mga bus, maging pati LRT at MRT. Ibig sabihin, mas mataas ang panganib ng impeksyon. At sa Metro Manila, kung saan milyon ng mga tao ang gumagamit ng pampublikong transportasyon na ito araw-araw, na nailalagay ang mga commuter sa mas mataas na panganib ng impeksyon.

Ito ang dahilan kung bakit ipinatutupad ang pagdi-disinfect ng mga sasakyan, paglimita sa bilang ng mga pasahero, at pagsunod sa social distancing.

Ngunit sa dulo, ang simpleng pagsakay sa mga pampublikong transportasyon na ito ang makapagpapataas ng panganib ng impeksyon ng tao. Kaya hangga’t maaari, kung hindi mo kailangang lumabas at sumakay ng pampublikong sasakyan, pinakamainam na iwasang gawin ang mga ito.

Bagaman, hindi maiiwasan, magandang ideya na ugaliin ang ilang mga hakbang upang mapanatili kang ligtas.

Narito ang hakbang kung paano ka mananatiling ligtas

Siyempre, kahit na nakompleto mo ang mga bakuna at nakatanggap ng booster, mayroon pa rin tsansa na mahawa ka. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagang  sundin ang ilang ligtas na hakbang. Makatutulong ito na manatili kang ligtas, at makatutulong na mahinto ang pagkalat ng sakit.

Narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan:

  • Laging magsuot ng mask kapag ikaw ay nasa labas. Kung posible, magsuot ng N95 mask dahil nakapagbibigay ito ng pinakamabisang proteksyon.
  • Panatilihin ang social distancing hangga’t maaari.
  • Siguraduhing makumpleto ang bakuna, at hangga’t maaari, kunin ang booster shot. Malaki ang proteksyong naibibigay ng bakuna laban sa COVID-19, at pinakamainam na paraan upang bumaba ang panganib na mahawa nito
  • Iwasan ang pagtambay sa indoors, lalo na sa mga matataong lugar.
  • Dagdag pa na kung hindi mo kailangang lumabas o sumakay sa mga pampublikong transportasyon, dapat mong iwasang gawin ito.
  • Madalas na maghugas ng kamay o gumamit ng hand sanitizer lalo na kung galing kang labas.
  • Subukang iwasan ang pagpunta sa mga gathering, lalo na kung hindi ka sigurado kung ang mga tao ay bakunado o hindi.

Sa pagsunod ng mga tip na ito, makatutulong ka sa pagbaba ng tsansa na pwede kang mahawa ng COVID-19.

Tingnan pa ang iba pang balita ukol Health News dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. ‘No vaccine, no ride’: Limits imposed on Manila public transport | Coronavirus pandemic News | Al Jazeera, https://www.aljazeera.com/news/2022/1/12/limits-imposed-on-manila-public-transport, Accessed January 13, 2021
  2. Airflows inside passenger cars and implications for airborne disease transmission, https://www.science.org/doi/10.1126/sciadv.abe0166, Accessed January 13, 2021
  3. Op-ed: How to protect from coronavirus in your car | News | Harvard T.H. Chan School of Public Health, https://www.hsph.harvard.edu/news/hsph-in-the-news/op-ed-how-to-protect-from-coronavirus-in-your-car/, Accessed January 13, 2021
  4. In the fight against COVID-19, public transport should be the hero, not the villain, https://blogs.worldbank.org/transport/fight-against-covid-19-public-transport-should-be-hero-not-villain, Accessed January 13, 2021
  5. Requirement for Face Masks on Public Transportation Conveyances and at Transportation Hubs | CDC, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/travelers/face-masks-public-transportation.html, Accessed January 13, 2021

Kasalukuyang Version

01/06/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement