backup og meta

Si Sofia Jirau ang Unang Victoria’s Secret Model na May Down Syndrome

Si Sofia Jirau ang Unang Victoria’s Secret Model na May Down Syndrome

Hindi tulad ng ibang model sa mundo si Sofia Jirau. Ang batang Puerto Rican na ito ay hindi lang basta magandang mukha. Isa siyang history maker. Si Sofia ang pinakaunang model na may Down syndrome sa kasaysayan ng Victoria’s Secret. Lumabas ang dalawampu’t apat na taong gulang na modelo kasama ang 17 na iba pang mga babaeng modelo, upang maipakita ang bagong all-day comfort Love Cloud connection. Isa itong marka ng malaking development para sa mga taong may Down syndrome dahil sa pagbuwag ni Sofia sa mga stereotype.

Model Na May Down Syndrome

Ginawa ni Sofia ang puwedeng gawin ng kahit na sino noong nalaman niya ang magandang balita. Pinost niya ito sa Instagram at sinabing “Isang araw pinangarap ko ito, pinagsikapan ko, at isa itong natupad na pangarap. Sa wakas, puwede ko nang ibahagi ang aking isang malaking sekreto. Ako ang kauna-unahang model na may down syndrome ng Victoria’s Secret!” mababasa sa translation ng kanyang post.

Nagmomodelo na siya mula pa noong 2019 at nagmamay-ari ng sarili niyang online store. Tinatawag itong “Alavett”, na katunog ng mga salitang “I love it.” Nangyari lamang na ito ang kanyang paboritong mga salita at life motto.

Naging isa sa mga iilan na model na may Down syndrome na nakapaglakad sa New York Fashion week noong February 2020 si Jirau. Binigyang-diin ng kanyang mga social media account ang kanyang mga layuning hikayatin ang iba upang ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.

“Sa loob man o labas, walang limitasyon,” wika ni Jirau sa kanyang website. Rumampa na rin siya sa San Juan Moda, Puerto Rico, bukod sa iba pang mga runway.

Paglalantad Ng Mga Myth Tungkol Sa Down Syndrome

May iba’t ibang uri ng alamat at haka-haka na nakadikit ukol sa Down syndrome sa nakalipas na mga taon. Nangyayari ang genetic disorder kapag may abnormal na paghahati ng mga cell ay nagdulot ng isang buong extra o partial na kopya ng chromosome 21. Ang Down syndrome ay isang kondisyon kung saan may extra chromosome ang isang tao.

Ang chromosomes ay maliliit na “packages” ng genes sa katawan. Tinutukoy nito kung papaano gumagana at nabubuo ang katawan habang lumalaki ito sa panahon ng pagbubuntis at pagkatapos ng panganganak. Tipikal na ipinapanganak ang baby na may 46 na chromosomes.

Ang indibidwal na may Down syndrome ay may ekstrang kopya ng isa sa mga chromosomes na ito, ang chromosome 21. “Trisomy” ang medikal na terminolohiya sa pagkakaroon ng extra chromosome. Binabago ng ekstrang kopya na ito kung papaano mabubuo ang katawan at utak, na maaaring magdulot ng parehas na mental at pisikal na problema. Ang Down syndrome ay tinatawag ring Trisomy 21.

Pinakakaraniwang genetic chromosomal disorder ang Down syndrome at nagdudulot ito ng learning disabilities sa mga bata. Nagdudulot rin ito ng iba pang medikal na mga problema tulad ng mga kondisyon sa puso at gastrointestinal system.

Ang mga alamat ukol sa kondisyong ito ang dahilan kung bakit iniiwasan ng marami ang mga taong may Down syndrome. Mas maayos na pang-unawa, mas maayos na pagpapakalat ng impormasyon, at mas maayos na edukasyon tungkol sa kondisyon ang nakapagpaunlad sa kalidad ng buhay ng mga indibidwal na ito.

Parehas na intelektuwal na development at motor development ng mga batang may Down syndrome ang ginagamit upang iisantabi sila bilang byproduct ng kondisyon. Ang mga problemang tulad nito ang mas nagpahirap para maunawaan ang pag-unlad ng mga batang may Down syndrome.

Si Jirau Ang Hudyat Na Umuunlad Ang Victoria’s Secret

Nirerepresenta ni Sofia Jirau ang tsansa na mabago ang maling akala na ito. Ang kanyang pagmomodelo ang nagbibigay ng bagong liwanag sa mga may Down syndrome at sa mga paniniwala ng mundo ukol dito. Itinatampok sa Love Cloud Collection ang mga babaeng inilalarawan ng Victoria’s Secret na mula sa “myriad of backgrounds.”

Kasama ni Jirau ang isang wildland firefighter mula sa Nez Perce Tribe sa Celilo Miles. Kasama rin ang fitness trainer na si Jailyn Matthews, Taylor Hill, Adut Akech, at Hailey Bieber. Makasaysayan ang pagtatampok sa modelong may Down syndrome. 

Isang  tugon sa pagreretiro ng mga Victoria’s Secret Angel ang Love Cloud. Isa sila sa pinaka inabangan na parte ng Victoria Secret’s fashion show. Ang minsang isang makitid na imahe ng salitang seksi ay nagdulot ng kritisismo para sa isang lingerie brand. Sinabi ni creative director Raul Martinez sa isang pahayag na ang kampanya ay “isang malaking sandali sa ebolusyon ng nasabing brand.”

https://wp.hellodoctor.com.ph/fil/kalusugan/balitang-pangkalusugan/si-sofia-jirau-ang-unang-victorias-secret-model-na-may-down-syndrome/

Key Takeaways

Gumawa ng isang kasaysayan si Sofia Jirau sa pamamagitan ng pagiging kauna-unahang model na may Down syndrome na lumabas sa isang campaign para sa Victoria’s Secret. Nagsimulang maging modelo ang dalawampu’t apat na gulang na Puerto Rican noong 2019.
Nirerepresenta ni Jirau ang isang pagbabago sa paraan ng pagtingin ng marami sa mga taong may Down syndrome. Inilunsad ng Victoria’s Secret ang Love Cloud Collection gamit ang mga kababaihan na may iba’t ibang background, shpaes, at sizes. Ngayon, nakapokus si Jirau sa pagsabak sa mga runway sa Europe at sirain ang mga balakid sa kanyang daan.

Para sa mas marami pang impormasyon tungkol Behavioral and Developmental Disorders, magpunta dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Victoria’s Secret features its first model with Down syndrome,  https://www.npr.org/2022/02/17/1081444040/victoria-secret-down-syndrome-model, Accessed February 18, 2022

Victoria’s Secret campaign features first model with Down syndrome, https://edition.cnn.com/style/article/victorias-secret-sofia-jirau-love-cloud-campaign/index.html, Accessed February 18, 2022

Sofia Jirau.com, https://www.sofiajirau.com/en, Accessed February 18, 2022

Debunking myths: Reading development in children with Down syndrome, https://search.informit.org/doi/abs/10.3316/INFORMIT.705808134895223, Accessed February 18, 2022

Down syndrome: Symptoms and causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/down-syndrome/symptoms-causes/syc-20355977,  Accessed February 18, 2022

Facts About Down Syndrome, https://www.cdc.gov/ncbddd/birthdefects/downsyndrome.html, Accessed July 20, 2022

Kasalukuyang Version

02/25/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement