backup og meta

MOA Biker Accident: Mga Safety Tips Para Maiwasan Ang Aksidente!

MOA Biker Accident: Mga Safety Tips Para Maiwasan Ang Aksidente!

Nagsilbing paalala sa lahat ang pag-iingat pagkatapos ng MOA Biker Accident noong Marso 18. Ang 23 year old biker na si John Paolo Santos ay dead on the spot. Habang ang isa sa biktima ay naisugod pa sa ospital. Subalit hindi rin nagtagal ay binawian din ito ng buhay.

Batay sa naging imbestigasyon ang 2 biker ay nagpapahinga sa kanto ng Seaside Boulevard ng Mall of Asia nang biglang nag-U-turn ang isang van at tinamaan sila.

Ayon pa sa report ang suspek na si Clark Magdales Malasaga, isang 18-anyos ay lasing habang nagmamaneho at walang lisensya.

MOA Biker Accident: Pakikiisa Ng Mga Sikilista

Bilang pakikiramay ng mga biker sa 2 biktima ng aksidente nagsagawa ng vigil ang daan-daang sikilista para sa kanila.

Ang aksidenteng naganap ay naging eye-opener pang lalo sa lahat ng sikilista sa pag-iingat sa pagbibisikleta sa kalsada. Lalo’t mahalaga rin sa kalusugan ng isang tao ang pagbi-bike.

MOA Biker Accident: Saan Ka Maaaring Iiwas ng Pagbi-bike?

Hindi maitatanggi na ang pagbibisikleta ang isa sa hobbies na talagang kinagigiliwan ng maraming tao. Para maging fit at healthy kinakailangan mong maging pisikal na aktibo— at isa ang pagbibisikleta sa susi para ma-achive ito! Isa ito sa pinakamahusay na paraan para mabawasan ang panganib sa health problems. Kung saan isa rin itong mabuting hakbang sa pagkakaroon ng isang healthy lifestyle.

Ang pagbibisikleta ay maaaring maging isang regular physical activity. Nakakatulong din ito sa tao na maproteksyunan sila sa anumang malubhang mga sakit tulad ng:

  • Labis na katabaan
  • Sakit sa puso
  • Kanser
  • Sakit sa pag-iisip
  • Diabetes 
  • Arthritis
  • Stroke

Bakit Mahalaga Sa Kalusugan Ang Pagbibisikleta?

Ang pagbi-bike ay isang healthy low-impact exercise na maaaring enjoyin ng bata at matanda. Masaya itong gawin at mabuti rin para sa kalikasan. Dahil hindi ito nagbibigay ng matinding polusyon sa hangin. Nakatutulong din ito para sa mas mabilis na transportasyon at transaksyon.

Dagdag pa rito, ang pagbi-bike rin ay nakatutulong sa pagpapalakas ng ating kalusugan bukod sa pagtulong sa pag-iwas ng sakit.

Narito ang mga sumusunod na health benefits ng pagbibisikleta kung bakit mahalaga ito:

  • Napapataas ang cardiovascular fitness
  • Nababawasan nito ang pagkabalisa, depresyon at stress levels
  • Napababa ang body fat levels
  • Napapatibay ang mga buto
  • Pagkakaroon ng improvement sa posture at coordination
  • Napapaunlad ang joint mobility
  • Maaaring gamitin bilang prevention at sa pagma-manage ng mga sakit

Bagama’t maraming benepisyo ang pagbi-bike, kinakailangan pa rin ng pag-iingat sa paggamit nito. Para maiwasan ang anumang aksidente, tulad ng balita sa MOA Biker Accident.

MOA Biker Accident: Mga Safety Tips Sa Pagbibisikleta

Sa Amerika may tinatawag silang National Bike Month kung saan ipinagdiriwang ito ng mga mahilig sa pagbibisikleta. Ang League of American Bicyclists ay nagpro-promote para sa isang “Bicycle Friendly America”. Kung saan ang League’s Ride Smart ay nagpapakita ng mga educational videos at safety tips para sa pagbi-bike.

Narito ang mga sumusunod na tips sa kaligtasan sa pagbibisikleta:

Pagsusuot ng helmet

Ipinapakita ng mga pag-aaral na maaaring mabawasan ang risk ng serious injury ng 70% sa pagsusuot ng helmet habang nagbi-bike. Ang pagkakaroon ng head injury ang pangunahing dahilan kung bakit may namamatay sa aksidente sa bisikleta

Laging i-tsek ang bike equipment bago mag-bike

Laging tandaan na ang bike accident ay hindi lang dahil sa mga distracted driver o mga hindi inaasahang pagkabangga. Ang pagkakaroon ng malfunction sa kagamitan ng bisikleta ay maaari rin maging sanhi ng aksidente. Makakatulong ang pagtse-tsek ng bike equipment para maging ligtas ang pagbibisikleta. Tulad ng reflector, ilaw, chain at gear para sa anumang depekto.

Pagsusuot ng reflective materials

Ang isa sa leading cause ng aksidente sa bisikleta ay ang pagkakaroon ng limited visibility. Sa madaling sabi, kung hindi ka masyadong makikita habang nagbibisikleta. Maaari kang maaksidente lalo na sa mga intersection. Kaya dapat na magsuot din ng maliwanag na damit o reflective na damit. Dahil ang pagtaas ng iyong visibility ay makatutulong sa pag-iwas sa aksidente.

Panatilihin ang kamay sa bisikleta

Sa pagbibisikleta napakahalaga ang pagpapanatili ng balanse para makapagpatakbo ng bike. Pag-isipang mabuti kung tatanggalin ang kamay sa manibela lalo na kung nasa kalsada at may mga sasakyan na kasabay. Dahil kung tatanggalin ang kamay maaaring magresulta ito ng mga unexpected circumstances. Tulad ng mga pagkahulog at aksidente dahil hindi mo agad nahawakan ang brake ng bisikleta.

Pag-alam ng hand signal

Mahalaga na alam ng biker na makipagkomunikasyon sa kapwa sikilista at mga driver ng sasakyan. Ang bike hand signals ay nakatutulong para makapagpadala ng mga mensahe. Sa paggamit nito, malaki ang nako-contribute nito para ma-anticipate kung ano ang dapat gawin ng bawat isa. Para parehong makaiwas sa aksidente at maging mapayapa ang kalsada.

Pagiging maalam sa road sign

Dapat alam din ng mga biker ang mga road sign para alam nila kung ano ang dapat gawin at iwasan. Nang sagayon ay mas maprotektahan ang sarili sa mga hindi inaasahang aksidente.

Iwasan ang distraksyon

Refreshing ang pagbibisikleta, ngunit hindi pa rin dapat mawala ang focus sa pagbi-bike. Dahil ang pagiging distracted ay maaaring maging sanhi ng aksidente at pagbangga. Sa mga bike o sasakyan na hindi sinasadya.

Pag-iwas sa mga malalaking sasakyan

Para maproteksyunan ang sarili mainam din na matutunan ang pag-iwas sa malalaking sasakyan. Sapagkat ang pagkabangga o pagbangga ng malalaking sasakyan sa bike ay maaaring maging dahilan ng pagkamatay. Dahil sa tindi ng pinsala na maaaring ibigay nito. Kung kinakailangan huminto para makaiwas sa malalaking sasakyan. Gawin ito!

MOA Biker Accident: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang Sa Mga Anak Na Biker

Dahil sa iba’t ibang aksidente kaugnay ng pagbibisikleta. Maraming mga magulang ang nag-aalala para sa kanilang mga anak na biker. Ang pagbabawal sa kanila na mag-bike ay maaaring magresulta ng away o hindi pagkakaintindihan. Kaya mas mainam kung magkakaroon ng mas maayos na pag-uusap sa pagitan ng magulang at anak. Maganda rin na kapwa maging bukas ang isipan ng bawat partido tungkol sa bagay na ito.

Key Takeaways

Ang pagbibisikleta ay maganda sa kalusugan, subalit kailangan pa rin ng pag-iingat sa bagay na ito. Ang pag-alam ng mga benepisyo nito sa kalusugan at safety tips ay makatutulong para maproteksyunan ang sarili.
Sa pamamagitan din ng pagkakaroon ng kamalayan sa mga bagay na ito— mas ma-e-enjoy ng bawat isa ang hobby na ito!

Larawan mula sa Facebook

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Car kills biker, hurts pal in Pasay City https://mb.com.ph/2022/03/16/car-kills-biker-hurts-pal-in-pasay-city/ Accessed March 18, 2022

Cycling-health benefits https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/cycling-health-benefits Accessed March 18, 2022

Benefits of Biking https://www.umt.edu/transportation/bike/about/benefits/ Accessed March 18, 2022

Bike Safely and Enjoy Your Ride https://www.nsc.org/home-safety/tools-resources/seasonal-safety/summer/bicycles March 18, 2022

10 Ways to Stay Safe While Cycling https://www.peoplepoweredmovement.org/10-ways-to-stay-safe-while-cycling/ March 18, 2022

 

Kasalukuyang Version

01/05/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement