Kamakailan ay dumagsa ang mga ulat hinggil sa napakaraming taong lumalabas upang bumili at mag-imbak ng gamot. Bagaman mahalaga ang mga gamot, maaari kang malagay sa panganib na mahawa ng sakit na COVID-19 kung pipila ka sa mga botika. Ito ang dahilan kung bakit magandang maging option ang pagkakaroon ng medicine delivery sa Pilipinas. Dahil dito, makabibili ka na ng lahat ng gamot na kailangan mo habang nasa bahay.
Ano mga medicine delivery sa Pilipinas ang available? At paano ka makabibili ng gamot dito? Magbasa pa upang malaman.
Medicine Delivery sa Pilipinas: Saan Makabibili Online
Kung kailangan mong bumili ng gamot, ngunit hindi ka makalabas o ayaw mong lumabas, narito ang available na mapagpipilian para sa iyo:
Generika Drugstore
Nagbibigay ang Generika Drugstore ng generic na mga gamot sa presyong abot-kaya. Maaari kang makabili ng iba’t ibang klase ng gamot sa pamamagitan ng kanilang website o sa kanilang app para sa Android o IOS.
Nag-de-deliver sila sa buong bansa, at nagbibigay rin ng same-day delivery. Ang halaga ng kanilang delivery fee ay nasa PHP90, ngunit ang eksaktong presyo ng delivery ay depende sa iyong lokasyon. Puwede mo ring i-pick-up ang iyong gamot sa pinakamalapit na branch kaysa ipahatid ito sa inyong bahay.
Puwedeng magbayad nang cash-on-delivery (COD), o sa Gcash.
Southstar Drug
Isa pang mapagpipilian para sa medicine delivery sa Pilipinas ang Southstar Drug. Maaari kang bumili ng kahit na anong gamot na kailangan sa kanilang website, o magsabi ng order sa kanilang hotline: 0943-128-8153 (Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon)
Ang halaga ng kanilang standard delivery ay PHP99 para sa Metro Manila at Rizal, at PHP150 para sa iba pang bahagi ng bansa. Umaabot ng 3-5 araw ang delivery time para sa nasa Metro Manila at Rizal, at 7 hanggang 14 araw para sa iba pang lugar. Nagbibigay rin sila ng same-day delivery na nagkakahalaga ng PHP150.
Tinatanggal ang delivery fee para sa mga order na aabot ng PHP1,500 pataas para sa Metro Manila at Rizal, at PHP5,000 naman para sa iba pang lugar sa bansa.
Puwedeng magbayad nang COD, bank deposit, o sa credit card online.
GetMeds
Ang GetMeds ay isa pang website na nagbibigay ng medicine delivery sa Pilipinas. Isa sa mga natatanging services nila ay ang subscription service kung saan magpapadala sila ng prescription meds mo buwan-buwan, kaya’t hindi mo na kailangang um-order nito buwan-buwan.
Puwede kang mag-order online sa kanilang website, o gamit ang kanilang app. Maaaring magbayad nang COD, online banking, o gamit ang credit card.
Kadalasang hindi umaabot ng 48 oras ang delivery sa oras na makumpirma na ang bayad. Nag-de-deliver din sila sa buong bansa.
MedExpress
Isa ang MedExpress sa dumaraming kilalang service para sa medicine delivery sa Pilipinas. Mayroon silang minimum order na PHP250, at minimum delivery fee na PHP100, at maaaring magbago depende sa iyong lokasyon.
Puwedeng magbayad nang cash, at puwede ring credit card pagka-deliver. Maaari kang um-order sa kanilang website, o sa mga sumusunod na paraan:
- Email: prescription#medexpress.com.ph
- Viber: (0998) 583-6987
- Hotlines (09:00 ng umaga hanggang 06:00 ng hapon): (02) 8333-3333/ (0917) 895-3333/ (0920) 918-3333/ (0925) 860-8621
MedGrocer
Ang MedGrocer ay isa sa mga bagong services para sa medicine delivery sa Pilipinas. Walang kinakailangang minimum order, ngunit mayroong PHP200 na convenience fee, kung saan kasama na ang delivery fee.
Puwedeng magbayad nang COD, sa bank transfer, o sa credit card. Asahan ang delivery kinabukasan.
Puwede kang um-order ng gamot sa website ng MedGrocer.
Mercury Drug
Ang Mercury Drug ay kilala ng maraming Pilipino. Bagaman marami silang branch sa buong bansa, nagbibigay rin sila ng delivery service sa loob ng Metro Manila. Para sa ibang lugar, puwede ninyong ma-avail ang kanilang pickup service sa branch na pinakamalapit sa inyo.
24/7 ang kanilang delivery service, bagaman ang mga order lamang na nasa pagitan ng 08:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ang puwede para sa same-day delivery. Ang mga order na magagawa paglagpas ng oras na binanggit ay ihahatid kinabukasan. PHP100 lamang ang bayad sa delivery, ngunit may dagdag na bayad para sa mga order na nagawa sa pagitan ng 10:00 ng gabi hanggang 06:00 ng umaga.
Kabilang sa paraan upang makabayad ang Gcash, credit o debit card, o PayMaya.
Puwede kang um-order sa kanilang website, o tumawag sa branch na pinakamalapit sa inyo.
Watsons
Ang Watsons ay mabilis na naging isa sa pinakamalaking bilihan ng gamot sa bansa, at nagbibigay ng serbisyong medicine delivery sa Pilipinas.
Nagkakaiba-iba ang bayad sa delivery depende sa iyong lugar, ngunit libre na ito para sa mga order na aabot ng PHP2,000 pataas. Umaabot ang kanilang delivery ng 2-7 working days para sa mga nasa Metro Manila, at 3-9 na working days para sa iba pang lugar.
Maaaring magbayad nang COD, sa credit card, o e-vouchers.
Puwede kang um-order sa kanilang website.
Para sa mas marami pang balitang kalusugan, pindutin ito.