Ang Filipina track and field queen na si Lydia de Vega ay pumanaw na dahil sa stage 4 breast cancer. Kung saan, inanunsyo ng kanyang anak na si Stephenie de Vega Mercado sa isang Facebook post noong Miyerkules ang pagpanaw ng kanyang ina.
“On behalf of our family, it is with absolute grief that I announce the death of my mother, Lydia De Vega this evening, August 10, 2022, at the Makati Medical Center. She fought the very good fight and is now at peace,” pahayag ni Stephanie.
Matatandaan din na ibinahagi ni Stephanie de Vega Mercado sa kanyang social media post na-diagnose na may breast cancer ang kanyang ina noong 2018 pa.
Ayon pa sa naging pahayag ni Stephanie, kahit nag-undergo sa maraming procedures ang ina (kabilang ang brain surgery) ay mas lalo pa ring lumalala ang kalagayan nito dahil sa pagiging progressive ng breast cancer ni Lydia de Vega.
Si Lydia de Vega ay nakilala bilang “Asia’s fastest woman in the 80’s” at naging kinatawan ng Pilipinas noong 1984 at 1988 Olympics.
Nagretiro si De Vega noong 1994 at huling nakita sa publiko noong 2019 dahil kabilang siya sa mga flag bearers sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games na ginanap sa Philippine Arena.
Ano Ang Breast Cancer?
Ang breast cancer ay kanser na nabubuo sa cells ng suso. Karaniwang nagaganap ito sa mga kababaihan kumpara sa mga lalake.
Stages Ng Kanser Sa Suso
Ang stages ng breast cancer ay tinutukoy sa pamamagitan ng sukat ng tumor o kung gaano na ito kumalat sa iba pang bahagi ng katawan.
Narito ang iba’t ibang stages ng kanser sa suso na dapat mong malaman:
- Stage 0 — Ang yugto na ito ay tinatawag rin na “ductal carcinoma in situ,” kung saan ang cancerous cells ay nasa ducts pa lamang at hindi pa kumakalat.
- Stage 1 — Sa stage na ito ang tumor ay mayroong sukat na 2 cm at hindi pa ito nakakaapekto sa lymph nodes, o may mga small groups ng cancer cells na sa lymph nodes.
- Stage 2 — Ang tumor ay nasa 2 cm at nagsisimula ng kumalat malapit sa lymph nodes.
- Stage 3 — Sa bahaging ito nasa 5 cm na ang tumor at kumalat na ito sa mga several lymph node. Pwede rin na ang tumor ay mas malaki pa sa 5 cm at kumalat na sa ilang lymph nodes.
- Stage 4 — Ang cancer ay kumakalat o kumalat na sa ating distant organ.
Posibleng Sanhi Ng Breast Cancer
Bagamat ang breast cancer ay isang mahirap na sakit at kondisyon, maaari pa rin natin itong maiwasan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng exposure sa iba’t ibang anyo ng polusyon na nakasasama sa katawan ng isang indibidwal
- Kakulangan at kawalan ng exercise
- Paninigarilyo
- Pag-inom ng alak
- Pagkakaroon ng radiation exposure sa dibdib
- Exposure sa mga toxic mineral, kemikal, metal at xenoestrogens
- Genetics
- Paggamit ng contraceptive pill na nakakaapekto sa hormones
Paano Mapapababa Ang Panganib Sa Pagkakaroon Ng Breast Cancer?
Narito ang ilang tips na pwede mong gawin upang mapababa ang risk ng pagkakaroon ng breast cancer:
- Panatilihin ang malusog at angkop na timbang
- Maging aktibo at mag-ehersisyo
- Bawasan o iwasan ang pag-inom ng alak
- Pagkakaroon ng regular check up sa doctor para sa early detection at mga payo sa pagpapabuti ng kalusugan
Key Takeaways
Maganda na magkaroon ng kamalayan o awarness sa pagkakaroon ng kanser sa suso upang maagapan ito at mabigyan ng wastong paggamot. Kinakailangan din na maging malusog ang iyong lifestyle para maiwasan ang mga sanhi sa pagkakaroon ng breast cancer. Maganda rin na umiwas ka sa labis na exposure ng radiation dahil may masama itong epekto sa’yong kalusugan at pwede maging factor ito sa pagdedebelop mo ng breast cancer. Sa oras rin na makaranas ka ng mga karamdaman at sintomas na nakakasagabal sa’yong pamumuhay, ipinapayo na magpatingin ka sa doktor para sa angkop na diagnosis.
Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.