backup og meta

Bakit Tumataas Ang Kaso Ng Colorectal Cancer Sa Younger Ages?

Bakit Tumataas Ang Kaso Ng Colorectal Cancer Sa Younger Ages?

Maraming tao sa United States ang nada-diagnose na may colon at rectal cancer, at sa pinakabagong colorectal cancer report ng American Cancer Society ang kaso ng colorectal cancer sa mga nasa hustong gulang na mas bata sa 55 ay tumaas, mula 11% noong 1995 hanggang sa naging 20% ​​noong 2019. Nagkaroon rin ng overall shift sa mas maraming diagnosis ng advanced stages ng kanser, kung saan noong 2019, 60% ang lahat ng new cases ng colorectal cancer sa lahat ng edad ay advanced.

Para sa bagong ulat, ang mga researcher sa American Cancer Society ay sinuri ang mga data ng cancer screening, cases, at pagkamatay, mula sa National Cancer Institute and US Centers for Disease Control and Prevention. Kung saan nalaman ng researchers na mula 2011 hanggang 2019, ang rate ng colorectal cancer ay tumaas ng 1.9% sa bawat taon, partikular sa mga taong mas bata sa 55. Habang sa overall colorectal cancer death rates ay pumalo naman ng 57% sa pagitan ng 1970 at 2020 sa mga taong mas bata sa 50 taong gulang — at ang death rates ay patuloy na umaakyat ng 1 % taun-taon mula 2004.

Bagamat mahirap i-pinpoint ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng colorectal cancer sa younger adults, sinasabi ng mga eksperto na maaaring nauugnay ito sa mga pagbabago sa environment at sa diet ng mga tao.

Paano Naging Alarming Ang Pagtaas Ng Kaso Ng Colorectal Cancer Sa Younger Ages?

“We know rates are increasing in young people, but it’s alarming to see how rapidly the whole patient population is shifting younger, despite shrinking numbers in the overall population,” pahayag ng senior scientific director of surveillance research sa American Cancer Society at lead author ng report na si Rebecca Siegel. 

Ang datos at balita na ito kaugnay sa patuloy na pagtaas ng case ng colorectal cancer sa younger adult ay nakababahala para sa nakakarami, dahil maaaring maging indikasyon ito na pabata nang pabata ang nagkakasakit at namamatay dahil sa kanser na ito.

Rekomendasyon Ng Mga Eksperto Para Maiwasan O Maagapan Ang Kanser

Ang report tungkol sa pagtaas ng kaso ng colorectal kanser sa younger adults ay nakakabahala, ayon na rin kay Dr. Joel Gabre, isa expert sa gastrointestinal cancer. Dagdag pa niya, 

“It reflects other recent published findings demonstrating a rising incidence of colorectal cancer in young people. Most concerning to me, however, is a lack of clear cause and patients being diagnosed late. I think this is an area where more funding for research is needed to understand this really concerning rise.”

Hinihikayat rin ni Dr. Gabre ang pagpapatingin sa doktor ng mga pasyenteng nasa edad 45 o mas matanda pa upang masuri ang kalusugan.

“I also encourage people to let their doctor know if they have a family history of colon cancer. There is genetic testing we can do to identify some at-risk patients early before they develop cancer,” paglalahad ni Dr. Gabre.

Bukod pa sa mga nabanggit ni Dr. Gabre ang pag-alam ng mga sintomas ng colorectal cancer ay makakatulong para maging aware ka sa iyong health status at makahingi ng tulong mula sa mga ekspero.

Narito ang mga sintomas ng colorectal cancer na dapat mong malaman ayon sa Mayo Clinic:

  • patuloy na pagbabago sa iyong mga gawi sa pagdumi, kabilang ang pagtatae o paninigas ng dumi at pagbabago sa consistency ng iyong dumi;
  • pagdurugo ng tumbong o pagkakaroon ng dugo sa iyong dumi;
  • patuloy na discomfort sa tiyan, tulad ng pagkakaroon ng cramps, gas o pananakit ng tiyan;
  • pagkakaroon ng pakiramdam na ang iyong bituka ay hindi ganap na walang laman;
  • panghihina o pagkapagod; at
  • hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang

Gayunpaman, marami sa mga taong may colorectal cancer ang hindi nakakaranas ng mga sintomas sa early stages ng kanilang sakit. Kaya kapag lumitaw ang mga sintomas nito, malamang na mag-iba ang mga ito, depende sa laki at lokasyon ng kanser sa iyong malaking bituka. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Report shows ‘troubling’ rise in colorectal cancer among US adults younger than 55, https://edition.cnn.com/2023/03/01/health/colorectal-cancer-statistics-2023-report/index.html#:~:text=The%20report%20says%20that%20the,among%20all%20ages%20were%20advanced Accessed March 4, 2023

What Is Colorectal Cancer? https://www.cdc.gov/cancer/colorectal/basic_info/what-is-colorectal-cancer.htm#:~:text=Colorectal%20cancer%20is%20a%20disease,the%20colon%20to%20the%20anus. Accessed March 4, 2023

What Is Colorectal Cancer? https://www.cancer.org/cancer/colon-rectal-cancer/about/what-is-colorectal-cancer.html Accessed March 4, 2023

Colon Cancer, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/colon-cancer/symptoms-causes/syc-20353669 Accessed March 4, 2023

Colorectal (Colon) Cancer, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14501-colorectal-colon-cancer Accessed March 4, 2023

 

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement