backup og meta

YG Entertainment, Nilinaw Ang Isyu Ng Bukol Sa Leeg Ni Jisoo!

YG Entertainment, Nilinaw Ang Isyu Ng Bukol Sa Leeg Ni Jisoo!

Kasalukuyang abala ang South Korean Girl Group na BLACKPINK sa kanilang world tour concert, matapos ilabas ang kanilang 2nd album na BORN Pink. Makikita na nakakuha ito ng malaking atensyon mula sa global fans na dahilan upang abangan ang power-packed performances ng grupo sa concert. Ngunit habang ang BLACKPINK members ay mukhang physically fit at in good spirits sa performance, hindi maiwasan ng Blinks na mag-alala tungkol sa kalusugan ni Jisoo dahil sa nakitang bukol sa kanyang leeg.

“The lump seems to keep getting bigger. I think she needs to go to the hospital and get a biopsy. It could be a mild fibroid, but it could also be a tumor,” ayon sa pahayag ng netizen sa isang social media post kasama ang larawan ni Jisoo.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng lymph node issues si Jisoo, dahil sa huling world tour ng BLACKPINK noong 2019 ay nakitaan din siya ng fans ng bukol sa leeg. Kung saan naniniwala ang kanyang mga tagahanga na ang pamamaga ng lymph nodes ay sanhi ng pagkapagod ng katawan, at pagkakaroon ng  ubo, sipon, o lagnat.

Photo from Instagram

Paglilinaw ng YG sa Jisoo BLACKPINK Lymph Nodes Issues

Habang patuloy na nagsi-circulate sa social media ang mga larawan ng nasabing bukol ng visual ng BLACKPINK, tinugunan ng YG Entertainment ang mga alalahanin ng netizens. Ayon sa isang pahayag na inilabas sa news outfit na Newsen, sinigurado ng music label sa mga tagahanga na nasa mabuting kalusugan si Jisoo sa kabila ng nakitang bukol sa kanyang leeg.

“Jisoo is currently fulfilling her duties for Blackpink’s world tour schedules without any trouble, and she is not experiencing any health issues.”

Photo from Instagram

Reaksyon Ng BLINKS Sa Jisoo BLACKPINK Lymph Node Issues

Iba-iba ang naging reaksyon at opinyon ng mga tagahanga ni Jisoo sa pahayag ng YG Entertainment sa lymph node issues ng dalaga. Ang iba sa kanila ay nagsasabing hindi dapat ipaalam sa fans ang tungkol sa mga personal na isyu sa kalusugan ni Jisoo. Habang ang iba naman ay nagsasabing mukhang hindi sineseryoso ng label ang kondisyon ng visual ng BLACKPINK. 

Dagdag pa rito, naniniwala rin ang ilang Blinks na maaaring tumor ang bukol at kailangan ng operasyon ni Jisoo.

“Isn’t this a tumor on Jisoo’s neck? She should go to the hospital for a biopsy. It could be a mild fibroid, but it could also be a malignant tumor. Anyway, it keeps getting bigger, and it’ll disappear if she gets surgery,” pahayag ng isang netizen mula sa larawan ni Jisoo na may bukol sa leeg. 

Paano Nga Ba Nagkakaroon Ng Pamamaga O Bukol Sa Leeg?

Ayon sa Mayo Clinic, maaaring magkaroon ng bukol sa leeg ang isang tao kapag nagkaroon ng pamamaga ng lymph nodes ang isang tao. Kung saan nagaganap ang pamamaga ng lymph nodes bunga ng impeksyong nakuha mula sa mga bakterya at virus. Ngunit sa bihirang mga pagkakataon ang pamamaga ng lymph nodes ay bunga ng kanser.

Mayroong daan-daang lymph nodes na matatagpuan sa buong katawan, at makikita ang lymph nodes sa anyo ng isang maliit na bean-shaped structure na bahagi ng immune system ng ating katawan. Ang mga lymph node ay nagsasala ng substances na nagtra-travel sa lymphatic fluid, na naglalaman ng lymphocytes (white blood cells) na tumutulong sa katawan na labanan ang impeksyon at sakit. 

Key Takeaways

Hindi maiiwasan na mapag-usapan ng netizens ang Jisoo BLACKPINK lymph nodes issues dahil isa sa mga kinikilalang sikat na KPOP Idol ang visual ng BLACKPINK. Gayunpaman, dapat pa rin iwasan ng bawat isa sa atin ang pagbibigay ng diagnosis sa health condition ng isang tao, mas mainam pa rin kung manggagaling sa doktor o eksperto ang diagnosis sa kondisyon ng isang tao para maiwasan ang anumang maling paggamot.

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Mag-sign up dito para maging member ng Hello Doctor community! Sa pagsali, maaari mong i-save ang iyong paboritong articles, at gamitin ang aming mga tools at screeners para mapabuti ang iyong kalusugan.

Matuto pa tunkgol sa Balitang Pangkalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

YG Entertainment addresses health issue about lump on BLACKPINK member Jisoo’s neck, https://mb.com.ph/2022/11/04/yg-entertainment-addresses-health-issue-about-lump-on-blackpink-member-jisoos-neck/, Accessed December 7, 2022

Swollen lymph nodes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/swollen-lymph-nodes/symptoms-causes/syc-20353902#:~:text=Swollen%20lymph%20nodes%20usually%20occur,ability%20to%20fight%20off%20infections, Accessed December 7, 2022

Swollen lymph nodes, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15219-swollen-lymph-nodes, Accessed December 7, 2022

Lymphatic Disease, https://medlineplus.gov/lymphaticdiseases.html, Accessed December 7, 2022

Lymph Nodes and Cancer, https://www.cancer.org/treatment/understanding-your-diagnosis/lymph-nodes-and-cancer.html, Accessed December 7, 2022

Swollen Lymph Nodes, https://www.msdmanuals.com/home/heart-and-blood-vessel-disorders/lymphatic-disorders/swollen-lymph-nodes, Accessed December 7, 2022

Kasalukuyang Version

02/27/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement