Para malabanan ang banta ng Covid-19 sa kalusugan, ilang booster shot ba ang kailangan ng isang indibidwal? Ligtas ba para sa isang tao ang magkaroon ng 90 beses na pagpapaturok ng Covid vaccine?
Naging laman ng mga balita ngayon ang 90 beses na pagpapabakuna ng Covid vaccine ng isang lalaking 60-anyos mula sa Germany at ayon sa imbestigasyon lumalabas na ginawa ito ng lalaki para magbenta ng pekeng vaccination card sa mga taong ayaw magpabakuna. Dahil sa ganitong estilo ang lalaki ay nakapagbebenta ng vaccination card na may totoong batch number.
Ano ang ginawa ng awtoridad sa lalaking nagpabakuna ng Covid vaccine ng 90 beses?
Hindi inilabas ang pangalan ng lalaking mula sa Eastern Germany City ng Magdeburg, alinsunod na rin sa privacy rules ng Germany. Ngunit, sinasabing nakatanggap ito ng hanggang 90 Covid vaccine shots sa vaccination centers sa Eastern State of Saxony sa loob ng ilang buwan hanggang sa siya ay mahuli ng criminal police noong nakaraang buwan, ayon sa ulat ng German news agency noong Linggo.
Nahuli siya sa vaccination center sa Eilenburg sa Saxony nang magpakita siya para sa Covid-19 shot sa ikalawang sunod na araw dahil dito kinumpiska ng polisya ang blank vaccination cards mula sa lalaki at sinimulan ang paglilitis sa kanya.
Subalit ang suspek ay hindi nakulong, ngunit nasa ilalim ito ng imbestigasyon para sa unauthorized issuance of vaccination cards at pamemeke ng dokumento.
May epekto ba ang 90 shots ng Covid vaccine sa isang tao?
Sinasabi na bagong kaso at isyu ang balitang tungkol sa lalaking 90 na beses na nagpaturok ng Covid vaccine, kaya hindi pa ganoong kalinaw kung anong uri ng mga epekto ang mayroon nito sa personal na kalusugan.
Ilang booster shot ang kailangan ng isang tao?
Sa kasalukuyan, kapansin-pansin na maraming mga bansa na ang naglulunsad ng fourth covid vaccination o pagkuha ng ikalawang booster shot sa iba’t ibang bansa tulad ng Israel at South Korea. Kaalinsabay rin nito maraming bansa na rin ang tumatalakay para sa posibilidad ng ikalawang booster shot para sa mga tao.
Ang mga hakbang na ito ay binatay sa mga nakitang pag-aaral na mayroong pagbaba ng antibody titers at pagtaas ng risk sa morbidities lalo na kapag sila ay na-infect ng COVID-19.
Ayon din sa Department of Health, ang ikalawang booster shot ay makatutulong sa seniors at mga indibidwal (moderately-severely immunocompromised) para mas mahusay silang maprotektahan laban sa virus.
Sa Pilipinas, ang rollout ng ikalawang booster para sa vulnerable population ay magsisimula sa huling linggo ng Abril, ayon sa chairperson ng National Vaccination Operations Center.
Bakit nirerekomenda ang booster shots?
Lumalabas sa mga pag-aaral na mabisang panlaban ang isa o dalawang booster shot sa mga uri ng coronavirus tulad ng:
- Delta
- Omicron
Narito ang mga sumusunod na magandang epekto ng booster shots:
- Pagkakaroon ng mas mild na sintomas kung sakaling tamaan ng virus
- Lubusang proteksyon (may mga tao kasi na hindi ganoon ang kalakas ang panlaban ng katawad sa virus kahit may 2 naunang dosis na ito)
May side effects ba ang booster?
Ang side effects ng booster shot ay katulad lamang ng dalawang naunang Covid vaccine dose at ayon sa mga doktor at eksperto ang side effects ay normal signs lamang na ang katawan ay bumubuo ng proteksyon.
Narito ang komon na side effects ng booster shots
- Pananakit ng katawan
- Pamumula ng bahagi ng katawan na binakunahan
- Pamamaga ng brasong tinurukan
- Pagkapagod o fatigue
- Pagsakit ng ulo
- Muscle pain
- Chills
- Lagnat
- Pagsusuka
Ilang booster shot ang kailangan ng isang tao: Kaso sa Pilipinas
Sa kasalukuyang panahon, wala pang naitatalang Pilipinong sumobra ng higit pa sa dalawa ang booster shots.
Ayon sa dashboard ng Department of Health, ang total doses administered ay umabot na sa 142,236,006 noong ika-30 ng Marso kung saan binubuo ito ng mga sumusunod:
- First dose— 64,332,540
- Complete Dose— 65,885,048
- Booster Dose— 12,018,418
Paano kung wala kang nararamdaman na side effects sa booster shot?
Tandaan na ang reaksyon ng katawan sa Covid-19 vaccine ay magkakaiba sa bawat tao dahil magkakaiba ang kondisyong pangkalusugan ng bawat indibiwal. Dagdag pa rito, lumabas din sa mga pag-aaral na ang bakuna ay makakatulong upang maiwasan ang severe COVID-19 infection cases.
Lumabas din sa mga clinical trial na maraming tao ang nakaramdaman ng mild side effects sa bakuna. Habang ang ibang indibidwal naman ay walang naramdamang kahit anong side effects sa bakuna dahil malakas ang kanilang immune response sa vaccine.
Key Takeaways
Maraming bansa na ang nagsasagawa ng pagbabakuna booster at masasabi na ang mga hakbang na iyon ay ibinatay sa mga isinagawang pag-aaral upang maprotektahan ang katawan laban sa COVID-19. Huwag mo ring kakalimutan na sa pagpapa-booster may mga side effects ka na maaaring maranasan. Masuwerte ka kung wala kang side effects na mararamdaman dahil pwedeng indikasyon ito na malakas ang iyong immune system response sa bakuna.