backup og meta

Gamot Sa Leptospirosis: Paano Gumaling Si Oscar Oida Sa Sakit Na Ito?

Gamot Sa Leptospirosis: Paano Gumaling Si Oscar Oida Sa Sakit Na Ito?

Ang reporter mula sa GMA News at Sumbungan ng Bayan na host na si Oscar Oida ay nakaalis na mula sa kanyang dalawang linggong pananatili sa ospital sa Quezon City dahil sa leptospirosis. Patuloy siyang nakatatanggap ng gamot sa leptospirosis mula sa kanyang mga doktor.

Nagsimulang makaranas si Oscar ng mga sintomas isang araw matapos ang coverage niya sa Payatas, Quezon noong Pebrero 15, 2022. Binisita niya ang babaeng gumagawa ng mga basahan, na na-feature ng Vogue magazine bilang woven textiles na napo-produce bilang T-shirts.

Ibinahagi Ng Asawa Ni Oscar Ang Laban Niya Sa Leptospirosis

Ayon sa kanyang asawa na si MJ, si Oscar ay tipikal na nasa mabuting kalusugan. Wala siyang kahit na anong sakit at maingat kung aalis ng bahay dahil sa banta ng COVID-19. Kaya nagulat siya nang nalaman na ang kanyang asawa ay may hindi inaasahang lagnat noong ika-16 ng Pebrero.

“Yung coverage ni Oscar was February 15 pa. February 17, absent na siya sa trabaho, pero negative sa pitong antigen at isang RT-PCR test,” ika niya.

Idinagdag niya rin na hindi bumaba ang temperatura ni Oscar, na nasa 39.5°C hanggang 40.2°C. Maliban dito, nagsusuka na rin siya, kaya napagpasyahan niyang dalhin siya sa ospital. Gayunpaman, nahirapan sila na maghanap ng ospital dahil walang bakante na available hanggang sa nanghingi sila ng tulong sa kaibigang doktor sa Diliman Doctors Hospital. Nabanggit niya na ito ay si Dr. Camillo mula sa TV show na Pinoy MD na kanyang head doctor.

Ang lagnat, pagsusuka at deliryo ni Oscar ang rason kaya siya in-admit sa intensive care unit (ICU) ng ospital. Nagsimula na rin ang doktor ng dialysis treatment sa kanya noong Pebrero 20. Karagdagan, sumailalim siya sa iba’t ibang test upang ma-diagnose ang karamdaman.

Kinumpirma Ni Dr. Tagara Na Ang Kondisyon Ay Leptospirosis

Ibinahagi ni MJ na si Dr. Daisy Tagara, isang infectious disease doctor ang nagkumpirma ng infection. Sinabi ni Dr. Tagara na ito ay leptospirosis dahil ang pagsisimula ng sintomas ay nasa 48 na oras.

May ibang mga doktor din si Oscar na gumagamot sa kanya. Ang team ng mga doktor ay kabilang ang nephrologist, neurologist, cardiologist, pulmonary specialist, at infectious disease specialist. Nagkaroon din siya ng pneumonia noong panahon na iyon, kaya’t kailangan ding gamutin.

Nabanggit din ni MJ na mataas ang posibilidad na ang kanyang asawa ay nakuha ito sa rag factory na binisita niya bago naranasan ang mga sintomas.

Nag-demonstrate si Oscar [ng paggawa ng sala-sala] sa spiels niya so humawak siya ng basahan at sa pagkakaintindi ko, yun lang ang kanyang exposure,” dagdag pa niya.

Mga Kailangan Mong Malaman Tungkol Sa Gamot Sa Leptospirosis

Ang Leptospirosis ay isang bacterial infection na maaaring maapektuhan ang parehong mga tao at hayop. Ito ay bacteria na genus Leptospira na nagiging dahilan ng maraming uri ng karaniwang sintomas tulad ng:

  • Mataas na lagnat
  • Sakit ng ulo
  • Chills
  • Sakit sa muscles
  • Pagsusuka
  • Jaundice
  • Mapulang mga mata
  • Sakit sa tiyan
  • Pagtatae 
  • rash

Inaakala ng ilang mga tao na ang sintomas ay ibang mga sakit. Ngunit, may mga tao rin na hindi nagpapakita ng kahit na anong sintomas.

Maaaring maimpeksyon ang isang tao kung nagkaroon siya ng contact sa kahit na ano sa dalawa:

  • Ihi ng infected na hayop o ibang fluid sa katawan (maliban sa laway)
  • Kontaminadong tubig, soil, o pagkain na may ihi ng infected na hayop

Maaaring pumasok ang bacteria sa katawan sa pamamagitan ng balat o mucous membranes, tulad ng mga mata, ilong, o bibig, partikular kung ang balat ay bukas dahil sa sugat o scratch.

Ang oras mula sa pagiging exposed sa kontaminadong pinanggalingan at pagkakaroon ng sakit ay nasa 2 mga araw hanggang 4 na mga linggo. Ang pagsisimula ng sakit ay kadalasan na biglaan na may lagnat at ibang mga sintomas.

Maaaring makita ang leptospirosis sa dalawang stages:

  • Matapos ang unang stage (lagnat, chills, sakit sa ulo, sakit sa muscles, pagsusuka, o pagtatae) maaaring mag-recover ang pasyente nang saglit bago magkasakit muli.
  • Kung na-develop ang pangalawang phase, mas malala ito. Maaaring maranasan ng tao ang maraming komplikasyon tulad ng kidney o liver failure, maging ang meningitis.

Updates Mula Kay Oscar At MJ Tungkol Sa Kanyang Recovery

Ibinahagi ni MJ sa kanyang instagram post na ang nagdaang dalawang linggo ay “traumatizing” at “difficult.” Ngunit dahil sa mga panalangin, suporta, at encouragement mula sa lahat kaya’t nalagpasan nila ang problema sa kalusugan.

“God is SO good & now we are home and Oscar is recuperating while on bed rest for the next weeks. Please continue praying with me for @oscaroida’s COMPLETE recovery,” sabi niya sa kanyang post.

Kinuha rin ni Oscar ang oportunidad upang pasalamatan ang kanyang asawa sa pamamagitan ng Instagram post na nagsasabing,

Grabe ang naging sacrifices ng asawa ko mabuhay lang ako never niya ako iniwan and sobrang tiyaga niya akong inalagaan lalo na noong mga panahong nagdedeliryo na ako. Bagamat pakiramdam ko noon sobrang said na ang lakas ko di naman ako kinulang sa pagmamahal ng asawa ko. Lalo pa ako nabuhayan sa mga pagmamalasakit at dasal ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan.”

Tinapos niya ang kanyang caption sa pagpapasalamat sa Panginoon sa “pagbibigay sa kanya ng pangalawang buhay.”

Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

02/26/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement