backup og meta

Higher Risk Ng Heart Attack, Epekto Ng Keto Diet Ayon Sa Pag-aaral!

Higher Risk Ng Heart Attack, Epekto Ng Keto Diet Ayon Sa Pag-aaral!

If you are planning to lose weight, hindi na nakapagtataka kung balak mong subukan ang keto diet. Isa ito sa mga sikat na diet at eating plan dahil nakapokus ito sa pagkonsumo ng high amount of fats, moderate protein, at less carbohydrate. Ngunit alam mo ba, according sa new research na iniulat ng CNN ang keto diet ay maaaring nauugnay sa higher levels of “bad cholesterol”, at dinodoble nito ang risk ng cardiovascular events tulad ng atake sa puso, pagkakaroon ng blocked arteries, at stroke.

“Our study found that regular consumption of a self-reported diet low in carbohydrates and high in fat was associated with increased levels of LDL cholesterol — or “bad” cholesterol — and a higher risk of heart disease,” pahayag ng lead study author ng pag-aaral na si Dr. Lulia Latan.

Para mas malaman pa ang resulta ng pag-aaral tungkol sa negatibong epekto ng keto diet, patuloy na basahin ang artikulong ito.

Epekto ng keto diet, batay sa resulta ng pag-aaral

Sa pag-aaral na isinagawa, tinukoy ng mga researcher ang low-carb, high-fat (LCHF) na diet bilang 45% of total daily calories na nagmumula sa taba at 25% na nagmumula naman sa carbohydrates.

Ang pag-aaral na ito ay ipinakita noong Linggo sa American College of Cardiology’s Annual Scientific Session Together With the World Congress of Cardiology.

“Our study rationale came from the fact that we would see patients in our cardiovascular prevention clinic with severe hypercholesterolemia following this diet,” pahayag ni Dr. Latan sa kanyang presentasyon.

Kung saan ang hypercholesterolemia, o high cholesterol ay nagpapataas ng risk ng isang tao sa heart attack at ng iba pang cardiovascular events.

“This led us to wonder about the relationship between these low-carb, high-fat diets, lipid levels and cardiovascular disease. And so, despite this, there’s limited data on this relationship,” pagdaragdag ni Dr. Latan

Paano ba isinagawa ang pag-aaral?

Inihambing ng researchers ang mga diyeta ng 305 tao na kumakain ng LCHF diet na may humigit-kumulang 1,200 katao na kumakain ng standard diet, gamit ang United Kingdom database UK Biobank, na sinusunod ng mga tao nang hindi bababa sa isang dekada.

Nalaman ng mga researcher na ang mga taong nasa LCHF diet ay mayroong mas mataas na lebel ng low-density lipoprotein, na kilala rin bilang LDL, cholesterol at apolipoprotein B. Ang Apolipoprotein B ay isang protina na bumabalot sa proteins ng LDL cholesterol at maaaring mag-predict ng sakit sa puso nang mas mahusay kumpara sa mataas na antas ng LDL cholesterol. Nakita rin ng mga researcher na ang LCHF diet participants’ total fat intake ay mas mataas sa saturated fat at may double consumption ng animal sources (33%) kumpara sa mga nasa control group (16%).

“After an average of 11.8 years of follow-up — and after adjustment for other risk factors for heart disease, such as diabetes, high blood pressure, obesity and smoking — people on an LCHF diet had more than two-times higher risk of having several major cardiovascular events, such as blockages in the arteries that needed to be opened with stenting procedures, heart attack, stroke and peripheral arterial disease,” batay sa mga nakita ng researchers, ayon sa ini-release na balita tungkol dito.

Sinabi rin ng mga researcher na ang kanilang study ay nagpapakita lamang ng kaugnayan sa pagitan ng diet at mas mataas na risk para sa mga major cardiac event. 

Key Takeaways

Ang recent na pag-aaral tungkol sa epekto ng keto diet sa tao ay nagsisilbi rin bilang isang paalala sa lahat na magpakonsulta muna sa eksperto bago magsagawa ng isang diet. Mahalagang gawin ito upang magkaroon ka ng ideya kung ano ang angkop na diet at eating plan ang bagay sa iyong pangangailangan.

Tandaan mo rin na iba-iba ang ating health status at condition, kaya maaaring hindi maging epektibo sa iyo ang paraan ng diet na ginagawa ng iba. Mas makakabuti kung io-open mo sa iyong doctor ang iyong health history upang maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon sa pagsasagawa mo ng isang diet para sa iyong kalusugan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

‘Keto-like’ diet may be associated with a higher risk of heart disease – research, https://www.cnnphilippines.com/world/2023/3/6/-Keto-like–diet-may-be-associated-with-a-higher-risk-of-heart-disease.html Accessed March 7, 2023

Ketogenic diet: What are the risks? https://www.uchicagomedicine.org/forefront/health-and-wellness-articles/ketogenic-diet-what-are-the-risks#:~:text=The%20keto%20diet%20could%20cause,%2C%20liver%2C%20thyroid%20or%20gallbladder. Accessed March 7, 2023

Ketogenic Diet, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK499830/, Accessed March 7, 2023

Should you try the keto diet?, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/should-you-try-the-keto-diet, Accessed March 7, 2023

The truth behind the most popular diet trends of the moment, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/the-truth-behind-the-most-popular-diet-trends-of-the-moment/art-20390062, Accessed March 7, 2023

Ketogenic diet: What are the risks?, https://www.uchicagomedicine.org/forefront/health-and-wellness-articles/ketogenic-diet-what-are-the-risks, Accessed March 7, 2023

What is the Keto Diet?, http://www.center4research.org/keto-diet/, Accessed March 7, 2023

 

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement