Napakarami ng maling akala tungkol sa cord banking sa Pilipinas. Ayon sa iba, ang cord blood ay isang medikal na basura na walang halaga. Sa katunayan ay naglalaman ang pusod ng isang sanggol ng mga stem cells na maaaring magligtas ng buhay. Mahigit sa 40,000 pasyente na may malubhang sakit at karamdaman ang nakinabang mula sa mga paggamot sa cord blood mula noong unang transplant nito noong 1988.
May nagsasabi din na ang paggamot sa cord blood ay eksperimental. Ang katotohanan ay lehitimong mapagkukunan ng mga blood stem cell para sa mga pasyenteng sumasailalim sa blood transplant. Dahil dito, ginagamit ang cord blood sa paggamot ng higit sa 80 na mga seryosong karamdaman. Kasalukuyang pinag-aaralan ang bisa ng cord blood therapies para sa nerve, heart, bone at metabolism disease, lalo na sa mabilis na sa larangan ng regenerative medicine. Ang halaga ng cord blood therapies para sa mga sakit na ito ay tinutukoy ng patuloy na pag-aaral.
Ano ang cord banking sa Pilipinas?
Ito ay isang proseso ng pagkolekta at pag-imbak ng cord blood ng isang sanggol pagkatapos itong ipanganak. Naka-clamp at pinuputol ang pusod ng isang sanggol ilang sandali pagkatapos nitong ipanganak. Ang cord blood ay ang natitira sa loob ng umbilical cord ng sanggol pagkatapos itong maputol.
Naglalaman ito ng mahahalagang stem cell na tumutulong sa paggamot sa mga sakit na nagbabanta sa buhay. Maaari mong piliing mag-donate sa pampubliko o pribadong cord blood banks. Matutulungan ka ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na magpasya kung ang cord blood banking ay nararapat para sa iyong pamilya.
Cord banking sa Pilipinas at ang stem cells
Ang dugo ng pusod ay mayaman sa mga stem cells. Ito ay mahalaga dahil nakakatulong ito sa paggamot ng maraming sakit na nagbabanta sa buhay. Para sa karamihan ng malulusog na tao, ang paggawa ng mga stem cells ay hindi problema. Sa kasamaang palad, ang ilang mga tao ay hindi gumagawa ng sapat na malusog na stem cells dahil sa isang malubhang kondisyong medikal o sakit. Maaaring mailigtas ang buhay ng mga taong ito ng cord blood.
Umiiral ang mga cord blood bank upang kolektahin at iimbak ang mga stem cells na ito. Gumagamit ang mga healthcare providers ng cord blood stem cell at itina-transplant ito sa mga taong may sakit. Ginagamit din ito para sa medikal na pananaliksik.
Kahalagahan ng cord banking sa Pilipinas
Ang cord blood ay katulad ng regular na dugo na naglalaman ng red at white blood cells, mga platelet, at plasma. Naglalaman din ito ng isang espesyal na uri ng stem cell na matatagpuan sa bone marrow na makakatulong sa pagpapalakas ng immune system. Ang mga cells na ito ay natatangi dahil maaari silang mag-mature o lumaki sa iba’t ibang uri ng mga selula ng dugo. May kakayahan ang mga selula na ito na mag-morph sa ibang mga cells at ito ang nagbibigay halaga sa kanila.
Ang mga stem cell transplant ay mahalaga para sa mga taong may sakit na kinabibilangan ng sumusunod:
- Karamdaman sa immune system
- Kanser tulad ng leukemia at lymphoma
- Mga sakit sa bone marrow na nangangailangan ng transplant
- Anemia tulad ng sickle cell disease
Pinag-aaralan din ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng cord blood sa pag gamot ng iba pang mga kondisyong nagbabanta sa buhay tulad ng Parkinson’s disease at diabetes.
Uri ng cord banking sa Pilipinas
Mayroong dalawang uri ng cord blood bank:
Pampublikong cord blood bank
Ang mga cord blood na nakaimbak sa pampublikong blood bank ay maaaring gamitin upang makatulong na iligtas ang buhay ng isang estranghero. Gayunpaman, walang makakaalam kung kaninong sanggol galing ang cord blood na nakaimbak dito. Libu-libong tao ang naghahanap ng mga donasyon ng stem cells bawat taon. May mga paaralan at siyentipikong nangangailangan din ng cord blood para sa pananaliksik.
Pribadong cord banking sa Pilipinas
Ang pamilya lamang ng sanggol ang maaaring gumamit ng cord blood na naimbak sa isang pribadong cord bank. Gayunpaman, kinakailangan ang malaking halaga upang makapag-imbak ng cord blood dito. Magbabayad ka ng paunang bayad sa pagkolekta at pagkatapos ay taunang bayad sa pag-iimbak. Maaaring gumastos ng libu-libong halaga para sa pribadong cord bank.