Matapos ideklara na brain dead ang 3 taong gulang na si Erza Rosario, nagdesisyon ang kanyang mga magulang na i-donate ang kanyang mga organ upang madugtungan ang buhay ng ibang tao. Ayon pa sa mga datos ang batang nalunod ang pinakaunang pedia organ donor ng St. Luke’s Medical Center, at pinakabatang organ donor sa programa ng Human Organization Effort ng National Kidney and Transplant Institute.
Nakatira ang pamilya ni Ezra Rosario sa Washington ayon sa ulat ng GMA Regional TV North Central Luzon at GMA News Feed. Nagpunta sila ng kanyang pamilya at kakambal sa Pilipinas ngayong Nobyembre upang ipagdiwang ang kanilang kaarawan magkapatid sa Paoay, Ilocos Norte. Gayunpaman ang masaya sanang bakasyon ay nauwi sa trahedya matapos malunod ni Erza.
Paano nalunod ang batang organ donor?
Nakipaglaban pa si Erza para sa kanyang buhay nang ilang araw bago siya maideklara na brain dead. Kaya naman mas pinili na lamang ng mag-asawang sina Jennae at Julius Rosario na pagpahingahin na ang anak noong naideklara na itong brain dead dahil sa pagkalunod.
“Malalim ‘yung side ng pool na tinalunan niya. Siguro akala niya ‘yung kiddie pool which is the other side, kasi magkadugtong siya. Sa five feet siya actually tumalon,” pahayag ng ina ng bata.
Ayon sa mga ulat kulang sa gamitan ang ospital sa kanilang lugar, kaya dinala sa pamamagitan ng airlift si Erza upang makarating sa Maynila.
Paano naging batang organ donor si Erza?
“Automatic na yata sa parents siguro na alam na namin na, ‘Tama na rin, mag-rest ka na lang anak ko’ parang ganoon,” paglalahad ni Jennae.
Dahil sa trahedyang naganap sa kanyang anak napagdesisyunan nila na pagpahingahin na si Erza at i-donate ang mga organ ng bata.
Dagdag pa rito, ayon sa pahayag ng ama ni Erza hindi naging madali ang kanilang pagharap sa trahedyang naganap sa kanilang pamilya, at hinihiling niya na hindi ito maranasan ng kahit sinumang tao.
Paano nakatulong ang batang organ donor?
Mula sa pamilya ng mga doktor, nagpasya ang mga magulang ni Erza na ibigay ang kanyang dalawang kidney sa isang 24-anyos na recipient. Habang ang kanyang corneas ay naka-banked sa Eye Bank Foundation of the Philippines, at ayon sa ulat ng GMA News Online 7 tao ang makikinabang sa corneas ng bata.
“We would like to extend our sincerest condolences to the family of our young hero and our heartfelt appreciation for their brave decision. Thank you for your generosity to help others despite the painful loss. May God bless your kind hearts all throughout this lifetime,” pahayag ng NKTI sa Facebook post.
Kumusta na ang pamilya ni Erza?
“This is the legacy we can give to our child, so he lives on in the lives of others through sacrifice and the gift of generosity,” pahayag ng ina ni Erza sa isang public Facebook post.
Binanggit din ni Jennae sa kanyang FB post na si Erza ay may twin brother na nagngangalang Elijah na gusto niyang maalala ang kapatid, at ng iba pang tao bilang matapang at mapagbigay na tao.
“ [He] will be remembered as a fighter, a brave, strong, kind, generous boy who fought his hardest battle and ultimately won through his generosity and love,” pahayag ni Jennae.
Ang mga labi ni Ezra ay nakahimlay sa Gaoat family house sa Barangay Ben-agan, Batac City sa Ilocos Norte province hanggang November 19, at ipapa-cremate ang kanyang bangkay para maisama ng kanyang pamilya ang kanyang abo sa United States.
Sa bukod namang interbyu sa lolo ni Erza na si Dr. Medeldorf Gaoat, isang provincial board member ng Ilocos Norte binanggit niyang isang “honor” na magkaroon ng isang apo na namatay bilang isang “young hero”.
Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.