Ayon sa mga news outlet na mula sa South Korea, matapos na hindi magpakita sa rehearsal ang 25-anyos na member ng K-POP Group na ASTRO na si Moonbin, natagpuan na lamang siyang patay ng kanyang manager sa sariling bahay sa Gangnam district ng Seoul noong ika-19 ng Abril, pasado alas-8 ng gabi, Miyerkules.
Sa ngayon, tinatalakay ng mga awtoridad ang posibilidad ng autopsy para matukoy ang sanhi ng kamatayan ni Moonbin, at ang iba’t ibang K-pop fandom ay naglukuksa at nagbubuhos ng pakikiramay sa Twitter. Nasa 25 taong gulang lamang ang binata at nasa gitna ng kanyang DIFFUSION Fan Con Tour kasama ang Sanha bilang bahagi ng kanilang mga subunit promotions.
Sumali si Moonbin sa Fantagio label’s trainee program sa murang edad at nag-debut sa ASTRO noong Pebrero 2016 na may 6 na miyembro.
Para malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa pagkamatay ni Moonbin, patuloy na basahin ang article na ito.
Moonbin ASTRO: Pahayag ng Entertainment company
First of all, we would like to express my apologies for bringing you such heartbreaking and heartbreaking news.
Fantagio
Kinumpirma at naglabas rin ng statement ang Fantagio sa pagkamatay ni Moonbin. Kung saan hiniling nila sa mga tagahanga na iwasan ang pagkalat ng “mga haka-haka o malisyosong mga ulat”, para ang pamilya nito ay makapagbigay ng respeto at maparangalan siya ng may kapayapaan.
“On April 19, ASTRO member Moonbin suddenly left us and became a star in the sky. Although it cannot be compared to the grief of the bereaved family who lost their beloved son and brother, the ASTRO members who have been with us for a long time, as well as our fellow Fantagio artists and staff, are deeply mourning the deceased in great sadness and shock.”
Ayon rin sa Fantagio magkakaroon ng isang pribadong libing para sa mang-aawit ng ASTRO na dadaluhan ng mga malalapit na kaibigan, pamilya, at kasamahan.
It is even more heartbreaking to deliver this sudden news to his fans who have supported Moonbin and sent him unconditional love. We are more heartbroken because we know the heart of the deceased who always loved and thought of her fans more than anyone else.
Fantagio
Ano kanyang cause of death?
May paniniwala ang pulisya na nag-suicide ang K-POP Idol. Gayunpaman, hindi pa rin nakukumpirma ang sanhi ng pagkamatay ni Moonbin. Ngunit, may ilang mga detalye na inilabas tungkol sa kanyang pagkamatay. Ayon sa mga ulat natagpuan ng pulisya ng South Korea ang mang-aawit na patay sa loob ng kanyang apartment. Ang pag-aalala para sa kinaroroonan at kapakanan ni Moonbin ay lumitaw nang hindi siya nagpakita sa isang kamakailang rehearsal.
Ano ba ang suicide?
Ang suicide ay ang pagpatay o pagbawi ng sariling buhay. Dagdag pa rito, ang suicide ay isa sa major health problem at isang nangungunang sanhi ng kamatayan sa Estados Unidos. Ang mga epekto ng suicide ng isang tao ay maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto sa pamilya, kaibigan, at komunidad.
Payo ng mga doktor para maiwasan ang pagpapakamatay
Lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng kakayahan upang makapagligtas ng mga buhay at lumikha ng malusog at matatag na mga indibidwal, pamilya, at komunidad.
Kaya naman kung may tao kang kilala na may suicidal tendencies, gaya ng nababalisa madalas, hinihiwalay ang saril, at may pagbabago sa pag-uugali, humingi kaagad ng tulong propesyunal. Maaari mo ring gawin ang 4 na bagay na ito para sa kanila:
- Maingat na tanungin sila kung iniisip ba nilang patayin ang kanilang sarili.
- Panatilihin silang ligtas, at alamin kung mayroon silang plano para sa pagpapakamatay at ilayo sila sa mga bagay (at sitwasyon) na maaari nilang gamitin sa pagpatay sa kanilang sarili.
- Makinig nang mabuti at alamin kung ano ang kanilang iniisip at nararamdaman.
- Manatiling konektado. Ang pananatili sa pakikipag-ugnayan pagkatapos ng isang krisis ay maaaring makatulong sa kanila upang mapabuti ang kanilang pakiramdam