backup og meta

Ano Ang Workout Routine Ni Cristiano Ronaldo Na Maaaring Subukan?

Ano Ang Workout Routine Ni Cristiano Ronaldo Na Maaaring Subukan?

Gusto mo bang mapaganda ang iyong katawan? At naghahanap ka ba ng mga tip sa pag-eehersisyo at nutrisyon para ma-achieve ang iyong goal na maging fit? Don’t worry! Hindi ka nag-iisa sa hangarin at pangarap na ito.

Ilan sa mga atleta at personalidad na kilala sa pag-eehersisyo ay si Cristiano Ronaldo. Makikita sa kanyang iba’t ibang post sa social media ang kanyang mga exercise routine at workout. Kaugnay nito, hindi nakapagtataka kung marami ang umiidolo sa kanya dahil sa disiplina niya sa pangangalaga ng kanyang body figure, at interesado sa kanyang workout routine.

Kaya naman para matulungan kang maging physical fit, sabay-sabay natin alamin ang workout routine ni Cristiano Ronaldo.

Ano Ang Workout Routine Ni Cristiano Ronaldo?

Ang portuguese football (soccer) player na si Cristiano Ronaldo ay proud sa kanyang pangangatawan, dahil sa edad na 36 ay kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga batang manlalaro. 

Isa sa mga sanhi kung bakit naging malakas at balanse ang pangangatawan ni Cristiano Ronaldo ay dahil sa pagsasagawa niya ng iba’t ibang ehersisyo, at dahil dito marami ang curious sa kung ano ang workout routine ni Cristiano Ronaldo.

Kaya naman narito ang workout routine ni Cristiano Ronaldo na maaari mong subukan para maging physically fit:

Cristiano Ronaldo’s Lower Body Warm-Up 

  • Hip Twisters: 1 set ng 50 second reps, na sinusundan ng walang pahinga.
  • Side-Lying Clam: 1 set ng 40 second reps sa bawat panig, na sinusundan ng walang pahinga.
  • Side-lying T-Stretch: 1 set ng 40 second reps sa bawat panig, na sinusundan ng walang pahinga.
  • Bird-Dog: 1 set ng 50 second reps, na sinusundan ng walang pahinga.
  • Bodyweight Squat: 1 set ng 50 second reps, na sinusundan ng walang pahinga.
  • Reverse Lunge: 1 set ng 40 second reps, na sinusundan ng 10 segundong pahinga

Mahalaga para kay Cristiano Ronaldo ang pagsasagawa ng lower body warm-up upang maiwasan ang anumang injury sa iba’t ibang gawain at laro. Bukod pa rito bawat araw may ginagawa ring workout routine si Cristiano Ronaldo, narito ang mga sumusunod:

Monday’s Leg Crusher

  • Barbell Squat: 8 reps
  • Box Jumps: 20 inches, 10 reps
  • Broad Jump: 8 reps
  • Jumping Lunge: 8 reps, bawat hita
  • Lateral Bound: 12 inches, 10 reps

Wednesday’s Push

  • Burpee Pullup: reps: 10-15
  • Bench Dips: reps: 20
  • Pushups: reps: 20-30
  • Medicine Ball Toss: reps: 15
  • Push Press: reps: 10

Ang pokus naman ni Ronaldo tuwing Miyerkules ay ang mga high-intensity workout na nakatuon sa upper-body strength. Kung saang ang buong circuit na ito ay paulit-ulit ng tatlong beses.

Thursday’s Quad Buster

  • Power Cleans: sets: 5, reps: 5
  • Sprinting: sets: 8, reps: 200 meters

Tuwing Huwebes naman, tinutulak ni Cristiano Ronaldo ang kanyang mga limitasyon sa pamamagitan ng power cleans at sprints. Pinalalakas nito ang kanyang quads pati na rin ang pagbuo ng kanyang cardiovascular fitness.

Friday’s Total Body Balance

  • One-Arm Side Deadlift sa bawat arm sets: 3, reps: 5
  • Dumbbell One-Legged Deadlift: sets: 2, reps: 10
  • Knee-Tuck Jump: sets: 3, reps: 10-12
  • Overhead Slam: sets: 3, reps: 10-12
  • One-Leg Barbell Squat: sets: 2, reps: 5
  • Hanging Leg Raise: sets: 3, reps: 10-15

Kailangang ma-stabilize ng isang footballer ang kanyang katawan upang mabago ang momentum. Kaya naman ang mga pag-eehersisyo ni Ronaldo sa Biyernes ay nagpapabuti ng kanyang katatagan at mga pangunahing kalamnan sa pamamagitan ng iba’t ibang paggalaw.

Sunday’s Cardio 

  • Rope Jumping: sets: 10, rest: 1 min
  • Resistance Sprinting: sets: 10, reps: 50 meters

Tinatapos niya ang kanyang linggo sa maikli ngunit matinding cardio session. Bukod pa rito, mapapansin ninyo sa kanyang workout routine na siya ay nagpapahinga tuwing Martes at Sabado, dahil pinapahalagahan din niya ang sapat na pahinga ng kanyang katawan.

Batay na rin sa pahayag ni Cristiano Ronaldo na sa ating pagsasagawa ng workout, kinakailangan natin na isama ang ating pangangailangan.

Key Takeaways

Bilang isang indibidwal at manlalaro, napakahalaga ng pag-eehersisyo upang mapanatili ang kalakasan at kalusugan ng katawan. Kaya naman ang pagsubok ng workout routine ni Cristiano Ronaldo ay pwede mong subukan, partikular na kung may patnubay ka ng mga eksperto sa pag-eehersisyo o iyong coach.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The CR7 Workout Routine: How To Train And Be As Fit As Cristiano Ronaldo, https://www.mensxp.com/health/celebrity-fitness/94489-cristiano-ronaldo-workout-fitness-routine-diet-plan.html Accessed December 9, 2022

 

Cristiano Ronaldo’s Ab Workout Will Completely Torch Your Core, https://www.menshealth.com.au/cristiano-ronaldo-ab/ Accessed December 9, 2022

 

6 Benefits of Abdominal Workouts, https://efm.net.au/benefits-of-abdominal-workouts/ Accessed December 9, 2022

 

5 Everyday Benefits of Stronger Abs, https://www.mensjournal.com/health-fitness/5-everyday-benefits-stronger-abs/ Accessed December 9, 2022

 

8 Reasons to Do An Abs Workout Today, https://www.menshealth.com/fitness/g19543265/benefits-of-a-strong-core/ Accessed December 9, 2022

 

What Happens To Your Body When You Do Ab Exercises Every Day, https://www.healthdigest.com/348483/what-happens-to-your-body-when-you-do-ab-exercises-every-day/ Accessed December 9, 2022

 

Kasalukuyang Version

12/15/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement