backup og meta

Puwede Ba Uminom Ng Yakult Araw-Araw Ang May Ulcer? Alamin Dito!

Puwede Ba Uminom Ng Yakult Araw-Araw Ang May Ulcer? Alamin Dito!

Nakagawian na ang pag-inom ng Yakult araw-araw para sa kalusugan ng tiyan, kung kaya maiisip mo kung ang Yakult ay pwede ba sa ulcer. Maaaring magkaroon ng mga ulcer sa maraming bahagi ng katawan, kabilang ang lining ng tiyan. May mga nagsasabing maaaring mapawi ang sakit at iba pang mga sintomas ng ulcer gamit ang mga natural na remedyo. Ngunit gaano ito katotoo?

Ang mga ulcer sa tiyan ay mga sugat na nabubuo sa lining ng tiyan o duodenum, na siyang unang bahagi ng maliit na bituka. Mas kilala ito bilang mga peptic ulcer, gastric ulcer, o duodenal ulcer.

Paano Nabubuo Ang Ulcer?

Ang mga ulcer sa tiyan ay nabubuo dahil sa pagkairita ng lining ng tiyan dahil sa stomach acid. Iisipin mo kung yakult pwede ba sa ulcer sa mga panahong ito. Ang mga sanhi ng ulser ay kinabibilangan ng:

  • Isang impeksyon sa Helicobacter pylori (H. pylori) bacteria
  • Pangmatagalang paggamit ng mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen o aspirin

Ang ilang mga tao ay naniniwala na ang stress o maanghang na pagkain ay maaaring maging sanhi ng ulcer. Hindi man sila sanhi ng mga ulcer, maaari naman nilang mapalala ang mga ito sa pamamagitan ng pagtaas ng produksyon ng acid sa tiyan.

Yakult Pwede Ba Sa Ulcer Ang Mga Sintomas Nito?

Ang pangunahing sintomas ng isang peptic ulcer ay pananakit. Ito ay kadalasang inilalarawan bilang pagngangalit o pakiramdam ng pagsunog sa gitna o itaas na tiyan. Ang sakit ay mas malala sa gabi at sa umaga, kapag ang tiyan ay walang laman.

Kung ikaw ay may ulcer, maaari mong maramdaman na parang nasusunog ang iyong tiyan na madalas;

  • Tumatagal ng ilang minuto o ilang oras
  • Gumagaan pagkatapos uminom ng antacids o huminto sa pag-inom ng pagkain
  • Nagsisimula sa kalagitnaan ng gabi o habang kumakain
  • Nangyayari nang walang tigil sa loob ng ilang linggo

Ang iba pang sintomas ng ulcer ay:

  • Bloating 
  • Gas o kabag sa tiyan
  • Heartburn o acid reflux
  • Pagkahilo

Yakult Pwede Ba Sa Ulcer? Ano Ang Sabi Ng Mga Eksperto?

Ang Yakult ay naglalaman ng 10 bilyong unique probiotic na L. casei strain Shirota, at ang pag-inom ng isang botelya sa araw-araw ay makakabuti sa iyo.

Ang mga probiotic ay mga buhay na organismo na tumutulong sa pagpapanumbalik ng balanse sa mga bakterya ng iyong digestive tract. Dahil dito, makakatulong sila upang makamit mo ang pinakamainam na kalusugan ng iyong bituka. Makakatulong rin ang yakult sa paggamot ng mga ulcer. 

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa noong 2014, hindi man mapatay ng mga probiotic ang H. pylori bacteria, maaari naman nilang bawasan ang dami ng mga bacteria na nasa tiyan mo. Kung kaya, kaya ng Yakult na pabilisin ang proseso ng paggaling, at bawasan ang ilang mga sintomas ng ulcer.

Probiotics Ng Yakult Pwede Ba Sa Ulcer?

Maaaring makatulong ang probiotics na puksain ang mga nakakapinsalang bacteria kapag ito ay ininom kasabay ng iba pang gamot. Maliban sa yakult, maaaring pagkunan ng probiotic ang mga fermented na pagkain. Bagama’t may probiotics ang ilang mga pagkain, isaalang-alang ang pagkonsumo nito dahil mayroon itong mas mataas na konsentrasyon ng mga probiotic.

Probiotics are not only effective against gastric ulcers induced by acetic acid, ethanol or stress, but also play important roles in the prevention or treatment of ulcers induced by NSAIDs, such as aspirin or indomethacin 

Ang mga probiotic ay hindi lamang mabisa laban sa gastric ulcer na dulot ng acetic acid, ethanol o stress. May mahalagang papel rin ang yakult sa pag-iwas at paggamot ng mga ulcer na dulot ng NSAID, tulad ng aspirin o indomethacin.

Antibiotics o Probiotics

Ang gastric ulcer ay isa sa mga pinakakaraniwan ngunit malalang sakit ng gastrointestinal tract. Karaniwang ginagamit pang gamot dito ang mga acid inhibitor at antibiotics. Gayunpaman, sa nakalipas na ilang dekada, napag-alaman na maraming mga side effects ang antibiotics at acid inhibitors. Kung kaya, nabigyang pansin posibleng paggamit ng probiotics sa pag-iwas at paggamot ng gastric ulcer. Ang tanong ng marami, ang yakult pwede ba sa ulcer?

Ang mga probiotic ay mga buhay na microorganisms, na kapag pinangangasiwaan at may sapat na dami, ay nagbibigay ng mga benepisyong pangkalusugan sa tao. Sa kasalukuyan, ang mga klinikal na pag-aaral ay nagpapahiwatig ng mga posibilidad na magamit ang probiotics gaya ng yakult sa pamamahala ng mga gastric ulcer. 

Matuto pa tungkol sa Peptic Ulcer Disease dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ten ways to relieve stomach ulcers at home, https://www.medicalnewstoday.com/articles/322740, Accessed August 8, 2022

Ten ways to relieve stomach ulcers at home, https://www.nutraingredients-asia.com/Article/2018/04/13/Yakult-study-Probiotic-fermented-milk-preferable-to-medical-treatment-for-healthy-adults-with-gastric-symptoms, Accessed August 8, 2022

Probiotics in Helicobacter pylori-induced peptic ulcer disease, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/27048901/, Accessed August 8, 2022

Risks and Benefits of Probiotics, https://www.webmd.com/digestive-disorders/probiotics-risks-benefits, Accessed August 8, 2022

Potential role of probiotics in the management of gastric ulcer, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4906699/, Accessed August 8, 2022

Kasalukuyang Version

10/27/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Ano Ang Peptic Ulcer Disease?

Ulcer dahil sa Paninigarilyo at Sobrang Pag-inom ng Alak: Mga Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement