backup og meta

Kaalaman Tungkol Sa Digestive System: Alamin Ang Mga Fact Na Ito

Kaalaman Tungkol Sa Digestive System: Alamin Ang Mga Fact Na Ito

Karamihan sa atin ay may kaunting alam tungkol sa digestive system at kalusugan ng bituka, ngunit marami pa rin ang pwedeng matutunan. Alamin ang iba pang kaalaman tungkol sa digestive system na nagbibigay-kaalaman hanggang sa kagiliw-giliw na impormasyon. 

Ano ang digestive system?

Ang digestive system ay responsable sa pagkuha ng mga sustansya mula sa pagkain at inumin na iyong kinokonsumo. Ang mga sustansyang ito ay higit na pinaghiwa-hiwalay sa mas maliliit na parte upang masipsip ng lubos ang mga ito, at i-convert ang mga ito sa enerhiya para sa paglaki ng cell, pagkumpuni, at paggawa ng mga antibodies.

Narito ang iba pang mga kagiliw-giliw na kaalaman tungkol sa digestive system.

1. Ang iyong bituka ay maaaring umabot ng hanggang 25 talampakan ang haba

Sa digestive system ng tao, ang maliit na bituka ay maaaring umabot ng hanggang 6 na metro o 20 talampakan ang haba, at ang malaking bituka ay mga 1.5 metro o 5 talampakan ang haba. Ang haba ng malaking bituka ay halos kasing taas ng karaniwang Pilipino, mga 5 talampakan at 1.57 pulgada.

2. Napakalakas ng stomach acid — kaya nitong tunawin ang iyong balat

Ang acid sa tiyan ay binubuo ng potassium chloride, sodium chloride, at hydrochloric acid. Kapag sinusukat sa antas ng pH, ang acid sa tiyan ay mula 1.5 hanggang 3.5.

Ngunit bakit hindi sinusunog ng acid ang iyong tiyan? Ito ay dahil ang tiyan ay protektado ng isang layer ng malagkit na gel-like mucus na tinatawag na gastric mucus. Ang mucus na ito ay nagpapanatili sa tiyan acid at mga enzyme na buo.

Kapag ang mga glandula ng sikmura ay naglalabas ng mas kaunting gastric mucus, ang acid sa tiyan at mga enzyme ay maaaring makagambala sa lining ng tiyan, na magdulot ng acid reflux at ulcer.

3. Ang bituka ay tahanan ng iba’t ibang bacteria

Kapag narinig natin ang salitang bacteria, ipinapalagay natin na ito ay masama sa ating kalusugan. Gayunpaman, sa digestive system, mayroong humigit-kumulang 300 hanggang 500 na magandang bacterial species na naninirahan sa gut, na binubuo ng halos 2 milyong mga gene. Nakakatulong ang mga ito sa pagka durog at tunaw ng pagkain at pagpatay ng mga nakakapinsalang virus, bacteria, at toxins na iyong kinakain.

4. Ang digestive system ay hindi umaasa sa gravity

Mahalaga ang gravity para manatili tayo sa lupa. Gayunpaman, ang ating digestive system ay hindi nakadepende sa gravity para gumana. Ang peristalsis ay ang proseso na responsable para sa paglipat at pag daloy ng mga solido at likido sa pamamagitan ng digestive tract. Ginagawa ito sa pamamagitan ng parang alon na paggalaw ng mga kalamnan.

Ang malalakas na kalamnan sa digestive tract ay may kakayahang gumana kahit na kumain ka ng naka baligtad. Bagama’t hindi ito komportable at hindi inirerekomenda para sa mga taong may GERD, maaari mo pa rin itong masaksihan at mapatunayan.

5. Maaari kang gumawa ng higit sa isang litro ng laway sa isang araw

Ang mga pangunahing salivary glands ay gumagawa ng 0.5 hanggang 1.5 litro ng laway sa isang araw. Katumbas iyon ng 7 hanggang 8 baso ng tubig o ang inirerekomendang pag-inom ng tubig ng isang nasa hustong gulang sa loob ng 24 na oras.

6. Maaaring lumaki ang iyong tiyan upang magdala ng 4 hanggang 5 litro ng pagkain

Ang tiyan ay maaaring maunat upang makayanan ang dami ng pagkain na ating kinakain. Maaari itong kumportable na mag-imbak ng 1 litro ng mga solido at likido. Gayunpaman, maaari itong lumawak pa upang humawak ng 4 na litro ng pagkain kapag kumain tayo ng higit pa.

Kapag ang tiyan ay puno, ito ay may posibilidad na dumiin sa iba pang mga organo, at mas mangangailangan ng higit na blood supply para makatunaw ng pagkain — na nagiging sanhi ng kakulangan sa ginhawa. Iyon din ang dahilan kung bakit nakakaramdam ka ng antok, pagod, o matamlay pagkatapos ng mabigat na pagkain.

7. Ang Borborygmi ay ang siyentipikong termino para sa mga ingay na ginagawa ng iyong tiyan kapag ikaw ay nagugutom

Kapag nakaramdam ka ng gutom, karaniwan mong sinasabi sa mga tao na ang iyong tiyan ay “kumakalam.” Ang kaganapang ito ay tinatawag na borborygmi. Nangyayari ito kapag nagpapadala ang utak ng signal sa iyong digestive system upang maghanda para sa pagkain.

Bukod sa gutom, ang tunog na ito ay maaaring sanhi din ng mga problema sa panunaw at ang mainit na hangin na nakulong sa loob ng maliit na bituka.

8. Pinoprotektahan ng laway ang iyong mga organo mula sa posibleng pagkasira ng acid na dulot ng pagsusuka

Nagtataka ka ba kung bakit mas maraming laway ang nagagawa mo kapag gusto mong masusuka? Inihahanda ng paglalaway ang iyong iba pang mga organo tulad ng lalamunan, bibig, at ngipin mula sa mga acidic na nilalaman ng suka.

Ang acid mula sa iyong tiyan ay matindi at nakakapinsala, kaya naman kailangan ng mas maraming produksyon ng laway upang mabalutan ang mga ibabaw kung saan dadaan ang suka.

9. Ang utot ay mabaho dahil sa mga gas na ginawa ng bacteria

Ang dumighay at utot ay nangyayari kapag ang labis na hangin na iyong nakukuha habang ikaw ay kumakain, umiinom, naninigarilyo, o nagsasalita, ay inilalabas sa pamamagitan ng bibig o tumbong.

Sanhi ng bacteria at mga gas na nabubuo nito sa loob ng bituka ang amoy na galing sa utot.

10. Ang digestive system ay madaling kapitan ng mas maraming uri ng cancer kaysa sa ibang bahagi ng katawan

Ang cancer sa gastrointestinal (GI) tract ay tumutukoy sa pangkat ng mga cancer na nakakaapekto sa sistema ng pagtunaw. May karamihan sa mga cancer ang nabubuo sa katawan ang nagmumula sa digestive system.

Ang cancer sa GI tract ay karaniwang itinuturing na isang pampublikong alalahanin sa kalusugan dahil sa mataas na dami ng namamatay at mababang antas ng paggaling, partikular para sa mga kanser sa esophageal, tiyan, at colorectal.

Key Takeaways

Ang digestive system ay kamangha-manghang at komplikado! Mabuting alamin ang mga kagiliw-giliw na kaalaman tungkol sa digestive system, kung paano gumagana ang panunaw, at lahat ng iba pang maliliit na bagay na ginagawa ng ating bituka para sa atin.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan sa Digestive dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Your Digestive System and How it Works, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/digestive-system-how-it-works, Accessed 3 June 2020

The Structure and Function of the Digestive System, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/7041-the-structure-and-function-of-the-digestive-system, Accessed 3 June 2020

9 Amazing, Weird Facts About Your Gut, https://health.clevelandclinic.org/9-amazing-weird-facts-gut/, Accessed 3 June 2020

What is GI Cancer? https://gicancer.org.au/gi-cancer-explained/, Accessed 3 June 2020

Incidence and Mortality Rate of Common Gastrointestinal Cancers in South of Iran, a Population Based Study, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4551286/, Accessed 3 June 2020

Kasalukuyang Version

07/08/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Sakit Ng Tiyan Dahil Sa Constipation, Bakit Nga Ba Nangyayari Ito?

Halamang Gamot Sa GERD: Subukan Ang Mga Ito!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement