Ang appendix ay isang manipis na tubong matatagpuan sa intersection point ng iyong small at large intestine. Ito ay halos apat na pulgada ang haba at matatagpuan malapit sa ibabang kanang tiyan. Kahit na ang appendix ay isang mahalagang bahagi ng iyong immune system, bihira itong makakuha ng anumang atensyon. Para saan ang appendix? May tungkulin ba ito sa ating katawan?
Kadalasan, ang tanging oras na ito ay nakakukuha ng ilang atensyon ay kapag ito ay namamaga o natutuluyang pumutok.
Noon pa man ay sinasabi na ang appendix ay walang gampanin. At dahil lamang kaya ng mabuhay ng isang tao nang wala ang organ na ito ay nangangahulugan ba na wala rin itong tunay na tungkulin? Basahin ang artikulong ito upang malaman.
Ang appendix ay binubuo ng malaking halaga ng lymphoid tissue. Ito ay isang tube-like structure na konektado sa cecum. Ang siyentipikong pangalan nito ay vermiform appendix. Ang average na haba ay nasa pagitan ng 5 cm at 35 cm.
Walang sapat na pananaliksik tungkol sa kung para saan ang appendix. Hindi maraming hayop ang mayroon ng naturang organ na may tungkulin, habang ang may appendix ay naiiba sa appendix na mayroon ang tao.
Para Saan Ang Appendix: Kapaki-Pakinabang Ba Ito o Walang Silbi?
Iminumungkahi rin ng pananaliksik na ang appendix ay tahanan ng good bacteria sa katawan. Ang mga good bacteria na ito ay may mahalagang papel, bumubuo sila ng mga bitamina at hormone na kinakailangan ng iyong katawan.
Bakit mahalagang malaman kung para saan ang appendix? Ito ay dahil ang good bacteria ay nakatutulong na mapanatili ang magandang pagdumi at tumutulong sa immune system. Ito ay pinaniniwalaan na kapag ang sikmura ay naapektuhan ng anumang impeksyon o anumang sakit na naglilinis sa bituka, ang mga good bacteria na ito ay dumarami at pinananatiling malusog ang iyong digestive system.
Sa mundo ngayon, pinaniniwalaan na kapag mayroon tayong access sa maayos na sanitization, hindi na kailangan ng good bacteria. Kung kaya, ang organ ay tinatawag na “walang silbi.”
Kung gayon, para saan ang appendix? Ang organ ay kinikilala rin bilang isang mahalagang bahagi ng immune function ng tao. Ang istraktura ng appendix ay tumutulong sa pag-alis ng basura mula sa digestive system.
Ayon kay Charles Darwin, ang mga ninuno ng tao ay pangunahing umasa sa appendix upang matunaw ang mga dahon, at nang dahil sa ebolusyon, ang organ ay nagkaroon ng bagong layunin. Kalaunan, ang mga ninuno ng tao ay umasa sa appendix upang matunaw ang pagkain habang kumakain sila ng diyeta na mayaman sa mga dahon.
Sa paglipas ng panahon, habang ang mga tao ay nagsisimulang kumain ng pagkain na madaling natutunaw, ang cecum ay hindi gaanong ginagamit para sa panunaw. Dahil dito, ito ay lumiit, at milyun-milyong taon na ang lumipas, ang cecum ay bumaba sa modernong-panahong appendix.
Sinasabi rin na ang appendixay umunlad nang higit sa 30 beses.
Mga Appendix Disorders Na Dapat Mong Bantayan
Cancer Sa Appendix
Tinatawag din na appendiceal cancer, ang uri ng cancer na ito ay nangyayari kapag may abnormal na paglaki sa malusog na mga cells. Kapag lumaki ang mga cells na ito, nagiging nakakahawa. Kung paanong hindi pansinin kung para saan ang appendix, gayundin ang mga tumor ng appendix ay walang malinaw na sintomas sa unang yugto.
Ang cancer na ito ay karaniwang nasusuri habang nagsasagawa ng mga tests o mga operasyon. Ang ilan sa mga sintomas na maaaring tignan ng iyong doktor sa panahon ng pagsusuri ay:
- Bloated abdomen
- Ovarian mass
- Hernia
- Bowel obstruction
Ang mga potensyal na risk factors ng pagkakaroon ng cancer sa appendix ay kinabibilangan ng:
Ang paggamot na inirerekomenda ay depende sa uri at yugto ng cancer, maging ang pisikal na kalusugan ng tao. Maaaring kabilang din sa paggamot ang chemotherapy bago o pagkatapos ng operasyon.
Appendicitis
Ang appendicitis ay isang medikal na kondisyon na nangyayari kapag ang iyong appendix ay namamaga at napupuno ng nana.
Kapag ang opening ng appendix ay naharangan ng bakterya o dumi, nagdudulot ito ng impeksyon. Ang impeksyon ay nagdudulot pa ng pamamaga o pamamaga. Ang pamamaga ay nagreresulta sa pagbuo ng nana na siya rin maaaring magdulot ng pananakit sa pusod at mababang kanang bahagi ng tiyan.
Sa ilang mga kaso, ang isang taong may appendicitis ay maaari ring makaranas ng pagsusuka o pagduduwal. Ang mga karaniwang sintomas ng appendicitis ay kinabibilangan ng:
Kung narakaranas ka ng anuman sa mga nabanggit na sintomas, maaaring magsagawa ang iyong doktor ng ilang mga tests upang masuri ang kondisyon.
Pinapayuhan na humingi ng agarang tulong medikal. Kung hindi magagamot, maaaring pumutok ang appendicitis at maging sanhi ng pagkalat ng nana sa buong katawan. Ito ay maaaring nakamamatay.
Sa ganitong mga kaso, inirerekomenda ng mga doktor na sumailalim sa appendectomy. Ito ay isang operasyon kung saan tinatanggal ang appendiz. Ang operasyon ay hindi nagsasangkot ng maraming komplikasyon at maiksi rin ang recovery period nito.
Ang appendectomy ay hindi palaging iminumungkahi. Maaaring magreseta sa iyo ang iyong doktor ng mga antibiotics upang gamutin at maiwasan ang appendicitis.
Pagsusuri Ng Appendicitis
Upang masuri ang appendicitis, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng ilang mga tests. Posibleng kabilang dito ang:
- Medical examination
- CT scan
- Ultrasound
- Complete blood count (CBC) test
- Magnetic resonance imaging (MRI)
- Positron emission tomography (PET)
- CT scan
Sa karamihan ng mga kaso, ang isang appendectomy ay walang anumang seryosong panganib. Ngunit sa mga kumplikadong kaso, ang operasyon ay maaaring humantong sa pagdurugo, impeksyon, at pamamaga ng iba pang mga organ. Bago ang isang appendectomy, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay buntis, may bleeding disorder, may anumang medikal na kondisyon, o allergy sa anumang mga gamot.
Bago alisin ang appendix, maaaring bantayan at obserbahan ka ng iyong doktor sa loob ng ilang oras. Mahigpit niyang susubaybayan ang iyong presyon ng dugo at tibok ng puso. Isang health care professional ang magsasagawa ng pangkalahatang physical exam at magmumungkahi ng uri ng appendectomy na kailangan mong sumailalim.
Pagkatapos sumailalim sa appendectomy, maaari kang makaramdam ng pananakit at discomfort sa lugar na inoperahan. Maaari kang manatili sa ilalim ng obserbasyon sa loob ng ilang oras. Maaari ring magreseta ang iyong doktor ng mga gamot upang mapawi ang sakit at maiwasan ang impeksiyon.
Kumunsulta sa iyong doktor kung mayroon kang mga sintomas ng impeksyon na kinabibilangan ng lagnat, sipon, pagtatae, pagsusuka, kawalan ng gana sa pagkain, o pananakit/kahirapan sa lugar na inooperahan.
Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan sa Digestive dito.