Isa ang lemon water sa pinakasikat, malusog, at nakakapreskong inumin na available sa iba’t ibang pamilihan. Maraming tao ang tumatangkilik sa produktong ito dahil sa iba’t ibang benepisyo sa kalusugan na taglay ng lemon water. Kung saan ang lemon water ay maaaring buuin sa pamamagitan ng paghahalo nang tubig at pinigang lemon — at pinaniniwalaan na nakakatulong sa panunaw, at hydration ang pag-inom nito.
Gayunpaman hindi lahat ng tao ay alam ang health trends at latest research sa health benefits ng lemon water. Dahil sa patuloy na pagkalat ng mga maling impormasyon sa internet tungkol sa inuming ito na dahilan para hindi makita bilang isang kapaki-pakinabang na inumin ang lemon water.
Ngunit sa kabila nito, marami pa ring mga pag-aaral na nagpapatunay ng benepisyo ng pag-inom ng lemon water — at may mga doktor rin na nagsasabi na mabuti sa ating kalusugan ang pag-inom nito.
Sa katunayan, isa si Dr. Willie Ong sa mga nagbigay ng pahayag na maraming health benefits ang lemon water — at para malaman ito, patuloy na basahin ang article na ito.
Mga benepisyo ng pag-inom ng lemon water
Ayon sa iba’t ibang pag-aaral at kay Dr. Willie Ong ang pag-inom ng lemon water ay may iba’t ibang benepisyo sa kalusugan na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Tumutulong sa pagpapabuti ng panunaw
Ang tubig ng lemon ay maaaring makatulong na pasiglahin ang produksyon ng digestive juices, na maaaring makatulong sa panunaw at maibsan ang pagiging bloated at paninigas ng dumi.
- Napapalakas ang immunity
Minumungkahi ng maraming pag-aaral na ang lemon ay mayaman sa bitamina C, na mahalaga sa pagsuporta sa isang malusog na immune system.
- Binabawasan ang pamamaga
Ang lemon ay may mga anti-inflammatory properties na pwedeng makatulong na mabawasan ang pamamaga sa katawan na nauugnay sa iba’t ibang mga malalang sakit.
- Nakakatulong sa pagbaba ng timbang
Batay sa mga pag-aaral ang tubig ng lemon ay maaaring makatulong na mabawasan ang cravings at appetite, na maaaring makatulong sa pagpapababa ng calorie intake, na humahantong sa pagbaba ng timbang.
- Nagtataguyod ng kalusugan ng balat
Ang bitamina C sa lemon water ay maaaring makatulong na mabawasan ang pinsala sa balat na dulot ng araw, polusyon, pagtanda, at i-promote ang produksyon ng collagen, na maaaring humantong sa pagkakaroon ng mas malusog na balat.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang pag-inom ng lemon water ay hindi dapat maging kapalit para sa anumang medikal na paggamot o balanseng diyeta.
Paalala sa sobrang pag-inom
Tandaan mo na ang pag-inom ng lemon water sa katamtaman na paraan ay karaniwang ligtas para sa karamihan ng mga tao. Gayunpaman, ang sobrang pagkonsumo ng lemon water ay maaaring magdulot ng ilang problema sa kalusugan.
Dahil ang citric acid na nasa lemon water ay maaaring makasira ng enamel ng ngipin, na humahantong sa pagkabulok nito at pagiging sensitibo. Para maiwasan ito, inirerekumenda na uminom ng lemon water sa pamamagitan ng straw at banlawan ang iyong bibig ng tubig pagkatapos uminom.
Ang lemon water rin ay maaaring maging sanhi ng iyong heartburn o acid reflux sa ilang mga tao, lalo na kung may gastroesophageal reflux disease (GERD) ang isang indibidwal.
Bukod pa rito, ang mga taong may mga problema sa bato o umiinom ng ilang partikular na gamot ay dapat mag-ingat sa pag-inom ng malaking amount ng lemon water. Kaya mahalaga na magpakonsulta rin sa doktor para mapayuhan ka sa angkop na dami ng lemon water na maaari mong inumin, lalo na kung mayroong kang underlying health condition.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmi]