Malamang susundin mo kung ano ang bawal sa almoranas lalo na kung nakaranas ka na ng matinding pangangati at pananakit sa paligid ng iyong anus o tumbong. Hindi komportable at napakahirap ng kondisyong ito lalo na kapag ikaw ay nakaupo.
Sino nga ba ang gustong magkaroon ng almoranas kung ganito ang dadanasin mo? Maaari kang magkaroon ng almoranas kapag tumaas ang presyon sa ibabang tumbong dahil sa mga sumusunod:
- Pag-iri sa panahon ng pagdumi
- Nakaupo ng mahabang panahon sa banyo
- Pagkakaroon ng talamak na pagtatae o paninigas ng dumi
Ano Ang Almoranas?
Ang almoranas, na tinatawag ding piles, ay mga namamagang ugat sa tumbong at lower rectum. Maraming bawal sa almoranas at maihahambing ito sa varicose veins. Ang uri ng almoranas base sa kung saan ito tumubo ay:
- Internal hemorrhoids-Almoranas sa loob ng tumbong
- External hemorrhoids-Almoranas sa ilalim ng balat sa paligid ng tumbong
Halos tatlo sa apat na matatanda ay maaaring magkaroon ng almoranas paminsan-minsan. Maraming maaaring dahilan kung bakit nagkakaroon ng almoranas ang tao. Ngunit kadalasan, hindi madaling malaman kung ano ang sanhi nito.
Sintomas Ng Almoranas
Ang mga palatandaan at sintomas ng almoranas ay karaniwang nakadepende sa uri ng almoranas. Kadalasang lumalabas ang mga sintomas kapag nakakakain ng bawal sa almoranas. Napansin mo ba ang mga sintomas na ito?
Sintomas ng panlabas na almoranas:
- Pangangati sa palibot ng iyong tumbong
- Sakit o hindi komportableng pakiramdam
- Pamamaga sa paligid ng iyong tumbong
- Pagdurugo
Sintomas Ng Panloob Na Almoranas
Dahil nasa loob ng tumbong, karaniwang hindi mo makikita o mararamdaman ang panloob na almoranas. Ngunit kapag kumain ka ng bawal sa almoranas, o di kaya pinunasan o may pangangati, ito ay maaaring magdulot ng sumusunod na sintomas:
- Walang sakit na pagdurugo sa panahon ng pagdumi
- Maaari mong mapansin ang konti ngunit matingkad na pulang dugo sa iyong toilet tissue o sa banyo
- Isang almoranas na tumutulak sa butas ng tumbong na nagreresulta sa pananakit at pangangati.
Sintomas Ng Thrombosed Na Almoranas
Kung ang dugo ay namumuo sa isang panlabas na almoranas at bumuo ng clot o thrombus, maaari itong magresulta sa:
- Matinding sakit
- Pamamaga
- Isang matigas na bukol malapit sa iyong tumbong
Mga Pagkaing Bawal Sa May Almoranas
Maaaring magpataas ng panganib na magkaroon ng mga kondisyon na nauugnay sa almoranas, gaya ng constipation ang mga: pagkaing na proseso, mayaman sa taba, asukal, o refined carbohydrates. Upang mabawasan ang mga sintomas ng almoranas o ang panganib na magkaroon ng mga ito, maaaring subukan mong iwasan ang sumusunod na pagkain:
Dairy
Ang dairy products tulad ng gatas at keso ay maaaring magresulta sa constipation at nagpapalala ng almoranas. Hindi man ito ang direktang sanhi ng constipation, ngunit nag-aambag naman sa hindi komportableng pakiramdam kapag umaatake ang almoranas. Ang dairy products ay nagdudulot din ng produksyon ng gas, na maaaring magdagdag sa pananakit at cramps kung constipated ka na.
Pritong Pagkain
Ang mga pritong pagkain ay puno ng masasamang sangkap tulad ng hindi malusog na mga langis at mataas na fat content, na mabigat at mahirap matunaw. Ang mga taba at langis na ito ay nagdudulot ng pamamaga sa mga dingding ng bituka na nagdudulot ng matinding pinsala. Ito ay magpapalala sa mga umiiral na almoranas, at ginagawa itong mas malaki at mas sensitibo.
Bawal din sa may almoranas ang mga sumusunod na pagkain:
- Cheese
- Chips o junk food
- Fast food
- Ice cream
- Karne
Sa pangkalahatan, ang maliliit na almoranas ay maaaring mawala kusa sa loob ng ilang araw. Ang mas malalaking almoranas, lalo na ang mga nagdudulot ng matinding pananakit, pamamaga, at pangangati, ay hindi basta-basta nawawala at maaaring mangailangan ng paggamot mula sa isang doktor upang gumaling.
Matuto pa tungkol sa Hemorrhoids dito.
[embed-health-tool-bmi]