Habang karaniwan na naririnig natin ang salitang “heartburn”, marami sa atin ang hindi ganap na nauunawaan kung ano talaga ang sanhi nito. Narito ang mga karaniwang katanungan tungkol sa heartburn at ang mga sagot dito.
Ano ang mga Sintomas ng Heartburn?
Bago natin simulan, mahalaga na isaisip na ang “heartburn” ay hindi teknikal na pakiramdam, ngunit ito ay termino para sa isang kondisyon.
Ang karaniwang katangian ng heartburn ay ang pakiramdam na naninikip ang dibdib na maaaring mangyari sa gabi ngunit normal din na nangyayari matapos kumain. Maaari ding lumala ang sakit kung ang isang tao ay yumuko o humiga. Karagdagan, isa pang sintomas ay ang pagkakaroon ng maasim o mapait na panlasa sa iyong bibig.
Paano Nangyayari ang Heartburn?
Kung ang nilalaman ng iyong tiyan ay bumalik pataas sa iyong lalamunan, maaari itong maging sanhi ng heartburn. Ang lalamunan ay nasa likod ng iyong puso. Ang pangunahing gawain nito ay magtulak ng mga pagkain sa pamamagitan ng maindayog na alon papuntang tiyan.
Kaya’t ang heartburn ay tinatawag na masikip at masakit na pakiramdam sa ibabang bahagi ng dibdib kung ang iyong lalamunan ay hindi gumagalaw ng maays.
Ano ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Acid Reflux at Heartburn?
Madalas na nalilito ang mga tao sa heartburn at acid reflux.
Upang madaling maunawaan, ang heartburn ay ang pakiramdam na may sakit o kirot sa dibdib kung ang nilalaman ng sikmura maliban sa asido ay bumalik mula sa tiyan papuntang lalamunan.
Kung naranasan mo ang acid reflux nang higit sa 2 beses kada linggo, ito ay tinatawag na gastroesophageal reflux disease o GERD.
Ano ang mga Sanhi ng Heartburn?
Dahil ang heartburn ay sintomas ng acid reflux, may magandang tsansa na ang mga sanhi ng heartburn ay kagaya ng mga sanhi ng acid reflux.
Kaya’t kung nagtataka ka kung ano ang mga sanhi ng heartburn, maaaring ito ay ang iyong diyeta. May mga tiyak na inumin at pagkain na maaaring magpalala ng sintomas ng acid reflux at heartburn.
Ang ilang pagkain at inumin na maaaring magpalala ng mga sintomas ay alak, aspirin, kape, softdrinks, maaasim na pagkain, maaasim na inumin, at iba pa.
Kung ang sphincter sa inyong lalamunan ay naging maluwag mula sa iyong tiyan, maaaring hayaan nitong umakyat papuntang lalamunan ang mga nilalaman ng iyong sikmura. Ang ilan sa mga bagay na maaaring makaapekto dito ay ang pagkain ng mga pagkain na mayaman sa taba at paninigarilyo.
Ang pagbubuntis ay maaari ding maging sanhi ng heartburn. Dahil ang mga buntis ay mataas ang presyon sa kanilang tiyan, maaaring maapektuhan ang gawain ng sphincter sa lalamunan. Ito ang dahilan bakit nakakaranas ng heartburn ang mga buntis.
Maaaring nagtataka ka kung, “Maaari bang maging sanhi ng heartburn ang stress?” Kung gayon, ang stress ay nakakadagdag ng dahilan at maaaring magpalala ng heartburn.
Sa ilang esophageal disease ay maaaring makaranas ang mga tao ng heartburn. Ilan sa mga kondisyong ito ay ang sarcoidosis at scleroderma.
Sino ang Maaaring Magkaroon ng Heartburn?
Ang mga taong madalas na gawin ang mga aktibidad na karaniwang nagiging sanhi ng heartburn, tulad ng pagkonsumo ng maaasim na pagkain at mga naninigarilyo, ang mas maaaring makaranas ng heartburn. Ang mga taong may hiatal hernia ay maaari ding may tsansa na makaranas ng heartburn.
Gaya ng nabanggit kanina, ang mga buntis at ang mga taong labis ang timbang ay may mataas na tsansang makaranas ng heartburn dahil mas mataas ang presyon sa kanilang tiyan. Karagdagan, ang mga taong kumakain nang marami at kumakain bago matulog ay mas maaaring makaranas ng heartburn.
Ano ang mga Banta ng Heartburn?
Isa sa mga banta ng heartburn ay mga hindi nasuri na acid reflux o iba pang kondisyon sa iyong lalamunan. Gayunpaman, maraming mga banta ang maaaring mangyari sa hindi nalunasan na heartburn.
Ang pagsasawalang bahala ng heartburn ay maaaring humantong sa pinsala sa iyong lalamunan na maaaring maging sanhi ng pamamaga ng lalamunan. Maaari ka ring magkaroon ng singaw o pagsikip sa iyong lalamunan, na maraming mga epekto na maaaring makaapekto sa kalidad ng iyong buhay. Halimbawa, maaaring masakit na lumunok na kalaunan ay hahantong sa dehydration at pagbaba ng timbang.
Kung ikaw ay may GERD (gastroesophageal reflux disease), mayroong tsansa na maaari kang magkaroon ng Barrett’s Esophagus. Karagdagan, ang hindi nalunasan na heartburn ay maaaring magpataas ng banta ng pagkakaroon ng esophageal cancer.
Ang nakakagulat na nakakapinsalang epekto ng heartburn ay ang pagkasira ng ngipin. Paano ito nangyayari? Ang asido sa sikmura ay nakapagpapahina ng enamel sa iyong ngipin at nagpapataas ng tsansa ng pagkakaroon ng cavities.
Paano ko Malulunasan ang Heartburn?
Kung susubukan mo na lunasan ang heartburn, mayroong magandang tsansa na makakuha ka ng gamot sa acid reflux. Ang ilan sa mga gamot ay over-the-counter lamang tulad ng antacids, ngunit maaari ka rin bigyan ng reseta ng gamot ng iyong doktor.
Kadalasan ang GERD ay maaaring makontrol at malunasan sa pamamagitan ng gamot. Gayunpaman, maaaring magpayo ang iyong doktor ng operasyon tulad ng fundoplication, kung hindi mo nais na gumamit ng gamot sa mahabang panahon o kung hindi mabisa ang gamot.
Maraming mga gamot sa bahay at pagbabago ng pamumuhay ang maaaring gawin upang mabawasan ang sintomas ng acid reflux at heartburn. Halimbawa, ang mga naninigarilyo ay pinatitigil dito at inirerekomenda na huminto rin sa pagkonsumo ng alak dahil pareho itong nagpapahina ng sphincter ng lalamunan.
Karagdagan, mainam na iwasan ang pagkain ng marami at pagkain tuwing gabi. Mainam na maghintay ng kahit 3 oras bago humiga matapos kumain. Ang pagangat ng iyong katawan sa pamamagitan ng pagtaas ng ulo ng kama ay maaaring makabawas sa sintomas ng heartburn (tandaan na ang paggamit ng dagdag na unan upang itaas ang ulo ay hindi nakatutulong).
Maaari ka ring magpokus sa pagkain ng masustansyang diyeta at “tummy friendly” na pagkain. Mainam na iwasan ang mga mamantika, maanghang at iba pang mga pagkain kung posible.
Kailan ko Kokontakin ang Doktor?
Ang pagkakaroon ng heartburn paminsan-minsan ay hindi dapat ipag-alala. Gayunpaman, kung ikaw ay nakakaranas ng 2 o higit pa kada linggo, mainam na magpatingin sa doktor. Kung ikaw ay uminom na ng over-the-counter na gamot upang lunasan ang heartburn at hindi naging epektibo, mainam na komunsulta sa doktor.
Kabilang dito ang:
- Nagtatagal na sintomas
- Hirap/sakit sa paglunok
- Pagbaba ng timbang
- Pagsuka ng dugo
- Paulit-ulit at madalas na pagsuka
Ang ibang pang mga senyales na maaaring kailanganin ng tulong ng doktor ay ang patuloy na pagsuka o pagkahilo at hirap sa pagnguya. Kung nahihirapan kang kumain dahil sa sakit, ito ay hahantong sa pagbawas ng timbang. Ipinapayo namin na kausapin ang iyong doktor sa lalong madaling panahon.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.