Ang heartburn ay pangkaraniwang kondisyon na madalas ay nangyayari pagkatapos uminom ng mga carbonated drinks o kumain ng acidic o spicy foods. Kung madalas kang makaranas ng acid reflux, burning sensation o kaya ay pananakit sa dibdib o lalamunan, malaki ang posibilidad na heartburn ang sanhi nito. Upang mas maintindihan ang heartburn, alamin natin hindi lang kung ano ang mga sintomas ng heartburn ngunit pati na rin kung ano ang sanhi ng kondisyong ito.
Ano ang Heartburn?
Ang heartburn ay ang burning sensation na nararamdaman sa gitna ng dibdib na maaaring umabot sa lalamunan; madalas itong mangyari pagkatapos kumain1. Nangyayari ito dahil sa tinatawag na acid reflux, kung saan ang acid ay umaakyat pabalik ng iyong esophagus.
Ano ang mga Sintomas ng Heartburn?
Ang isa pang paraan kung paano matukoy ang heartburn ay sa pamamagitan ng pagkilala sa mga sintomas nito. Narito ang mga karaniwang sintomas ng heartburn2:
- Sakit ng tiyan
- Masakit o burning sensation na nagsisimula sa itaas na tiyan at tumataas sa dibdib o lalamunan. Maasim o mapait na lasa sa bibig Paulit-ulit na ubo o sinok
- Paos na boses
- Naduduwal o gustong i-regurgitate o ilabas ang pagkain na kakakain mo lang
- Acid reflux o pag-akyat ng acid mula sa tiyan papunta sa esophagus
Ang pag-inom ng over-the-counter na antacid ay madaling makapagbigay sa iyo ng ginhawa kung dumaranas ka ng heartburn.
Ano ang Karaniwang Sanhi ng Heartburn?
Iba-iba ang posibleng maging “triggers” o sanhi ng heartburn. Kabilang na dito ang mga sumusunod3:
- Paghiga
- Pagyuko
- Pagkain ng maaanghang o kaya acidic na pagkain
- Sumosobra sa pagkain
- Pagkakaroon ng stress
- Paninigarilyo
- Obesity o labis na katabaan
Ngayong alam na natin ang mga sanhi ng heartburn, alamin naman natin kung paano matutukoy kung heartburn ba o hindi ang iyong nararanasan.
Napagkakamalan ba na Ibang Kondisyon ang Heartburn?
May mga pagkakataon na ang posibleng sintomas ng heartburn ay pwede ring mapagkamalan na ibang kondisyon. Kabilang na dito ang:
- Pagkabalisa o anxiety4
- Stress5
- Muscle strai
- Asthma
Tandaan, ang telltale sign ng pagkakaroon ng heartburn ay ang burning sensation sa dibdib. Kung ito ay iyong sintomas, malaki ang posibilidad na heartburn ang nararanasan mo.

Paano I-Manage ang Mga Sintomas ng Heartburn?
Pagdating sa heartburn, ang pinaka-simple at madaling solusyon ay ang pag-inom ng over-the-counter antacid.
Ang antacid ay isang uri ng gamot na tumutulong i-neutralize o kontrahin ang acid sa tiyan. Mayroong mga antacid tulad ng Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) in chewable tablet na tumatalab sa loob ng 3 minuto at kayang magbigay ng ginhawa hanggang 12 oras. Maaari ring subukan ang Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S Cool Relief) in liquid format na tumatalab sa loob ng 1 minuto at masarap ang lasa dahil sa peppermint flavor.
Bukod sa pag-inom ng antacid, heto ang iba pang mga maaaring gawin upang mapawi ang mga sintomas ng heartburn6:
- Magbawas at panatilihin ang malusog na timbang lalo na kung ikaw ay overweight o obese.
- Kumain ng masusustansyang pagkain nang madalas at sa maliliit na bahagi.
- Itaas ang iyong ulo kapag nakahiga kapag mayroon kang patuloy na heartburn. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-elevate ng katawan mula sa bewang pataas. Maaaring gumamit ng extra na unan o kaya kutson upang mas mataas ang iyong ulo. Ang pagtaas ng iyong ulo kapag nakahiga ay pumipigil sa pag-akyat ng acid sa tiyan patungo sa iyong dibdib o lalamunan.
- Maaaring palalain ng stress ang iyong heartburn, kaya mas mabuti kung hahanap ka ng mga paraan kung paano ma-destress.
- Limitahan o iwasan ang mga pagkain na maaaring mag-trigger ng heartburn gaya ng carbonated sodas, alcohol, caffeinated na inumin, pati na rin ang acidic at maanghang na pagkain.
- Iwasan ang mga pagkain sa gabi o pigilin ang pagkain sa loob ng 2 hanggang 3 oras bago matulog.
- Huwag humiga kaagad pagkatapos kumain.
- Iwasan ang pagsusuot ng masikip na damit na nagbibigay ng sobrang pressure sa iyong baywang.
- Itigil ang paninigarilyo.
Ang pagkakaroon ng heartburn paminsan-minsan ay normal. Gayunpaman, kung ang kondisyong ito ay nagiging madalas, at nagkakaroon ng negatibong epekto sa iyong pang-araw-araw na buhay, mas mainam na magpakonsulta sa doktor tungkol dito.
Key Takeaways
Ang heartburn ay hindi kasing seryoso ng ibang mga medikal na kondisyon. Kadalasan ay maaari itong gamutin gamit ang over-the-counter na mga antacid na makapagbibigay ng mabilisang lunas na tumatalab sa loob ng 3 minuto laban sa sintomas ng heartburn.
Gayunpaman kapag ito ay nagiging mas madalas, o ito ay nakakasagabal sa iyong pang-araw-araw na gawain, pinakamainam na magpasuri kaagad sa doktor.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC No. U0189P101525K
[embed-health-tool-bmi]