backup og meta

Gamot sa Heartburn: Anu-ano ang Maaaring Subukan?

Gamot sa Heartburn: Anu-ano ang Maaaring Subukan?

Bagaman ang stomach tissue ay kayang matiis ang acid, ang lining ng esophagus ay hindi. Kung ang laman ng acidic na tiyan ay bumalik (regurgitate) sa esophagus, nararanasan natin ang heartburn o ang burning sensation sa dibdib. Dahil ang madalas na acid reflux ay nakapipinsala sa esophageal lining, mahalaga na makahanap ng gamot sa heartburn.

Ano ang Heartburn?

Kahit na ganun ang pangalan nito, ang heartburn ay walang kaugnayan sa puso. Gayunpaman, ito pa rin ang tawag dahil nararanasan ng mga tao ang pakiramdam ng burning sensation sa gitna ng kanilang dibdib sa likod ng kanilang breastbone.

Bago natin simulan ang ating pagtalakay sa pinaka mainam na gamot sa heartburn para sa iyo, pag-usapan muna natin ang posibleng sanhi nito.

Ang pinaka karaniwang mga sanhi ng heartburn ay ang acid reflux at GERD. Maraming mga tao ang inaakalang pareho ang dalawang ito. Sa katunayan, ang acid reflux at GERD ay konektado, ngunit hindi magkahalintulad.

Ang acid reflux, na tinatawag ding gastroesophageal reflux (GER) ay nangyayari kung mayroong regurgitation ng stomach acid sa esophagus, ang structure na nagkokonekta sa lalamunan sa tiyan.

Sa tipikal, ang pagbabago sa lifestyle ay sapat na upang i-manage ang GER, ngunit maging mapagmasid. Kung ikaw ay nakararanas ng acid reflux dalawang beses o mas marami pa kada linggo, ang kondisyon mo ay maaaring magprogreso sa gastroesophageal reflux disease o GERD. 

Ano ang Pinakamainam na Gamot sa Heartburn?

Dahil ang acid reflux, GERD, at iba pang kondisyon tulad ng pagbubuntis ay maaaring maging sanhi ng heartburn, mainam na konsultahin ang doktor upang malaman ang ugat nito. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na wala ka nang magagawa upang guminhawa ang burning sensation.

Nasa ibaba ang mga bagay na maaari mong gawin sa bahay upang malunasan nang natural ang heartburn:

Panatilihin ang Malusog na Timbang

Ang mahabang management technique na maaari mong ikonsidera ay ang pagkakaroon at pagpapanatili ng malusog na timbang. Ito ay sa kadahilanan na ang labis na pounds ay maaaring magbigay ng pressure sa tiyan, na magiging sanhi ng laman nito na bumalik sa esophagus.

Umiwas sa Alak at Huminto sa Paninigarilyo

Sa pagitan ng ating tiyan at esophagus ay muscle na tinatawag na lower-esophageal sphincter (LES). Ang estruktura na ito ay tulad ng valve na iniiwas ang reflux na laman ng tiyan papunta sa esophagus. Gayunpaman, ang ilang kondisyon ay maaaring magpahina ng LES at maaaring magresulta sa heartburn.

Maaaring magpahina ng LES ang alak at paninigarilyo. Kung ikaw ay naghahanap sa mainam na gamot sa heartburn, ikonsidera ang paghinto sa paninigarilyo at pag-iwas sa pag-inom ng alak.

Alalahanin ang Iyong Oras sa Pagkain at Dami Nito

Sa isang pag-aaral na kinumpara ang diet sa pagitan ng tao na mayroon at walang GERD, napag-alaman ng mga mananaliksik na habang ang lahat ng kalahok ay kumakain ng tatlong beses kada araw, maraming mga pasyente na may GERD ay karaniwang nagpapaliban ng pagkain.

Karagdagan, napapansin din nila na ang mga taong may GERD ay karaniwang kumakain ng isang mabigat na pagkain sa gabi. Sa halip na pag-distribute ng calories sa pagitan ng tanghalian at hapunan.

Naniniwala ang mga doktor na ang mga taong nakararanas ng heartburn ay maaaring maging maginhawa ang pakiramdam kung sila ay may kaunti, na palagiang pagkain kaysa sa 3 mabibigat na pagkain. Maliban dito, pinapayuhan ng mga doktor ang mga pasyente na huwag kumain ng mabigat na pagkain sa gabi.

Iwasan ang Paghiga Matapos Kumain

Upang natural na mawala ang heartburn, ikonsidera ang paglalaan ng sapat na oras para sa pagkain na bumaba sa iyong tiyan matapos kumain. Kung ikaw ay humiga agad matapos kumain, ang laman ng iyong tiyan ay maaaring bumalik, na magiging sanhi ng heartburn. Subukang maghintay ng mga tatlong oras bago humiga.

Itaas ang Ulo sa Higaan

Nakararanas ka ba ng heartburn tuwing gabi? Kung oo, ikonsidera ang pagtaas ng ulo sa kama ng ilang mga sentimetro.

Sa isang pag-aaral na kabilang ang 20 pasyente na nakaranas ng heartburn sa gabi, nagpakita ang resulta na ang mga kalahok ay nag-ulat ng “pagbawas ng reflux sa gabi.” Habang 65% sa kanila ay nabanggit na mayroon silang “mas kaunting istorbo sa pagtulog.” Ito ay matapos ang 6 na araw na pagtulog na nakataas ng 20 sentimetro ang ulo sa kama.

Iwasan ang Pagsusuot ng Masikip na mga Damit 

Isa pang gamot sa heartburn na madaling sundin ay ang pag-iwas sa masisikip na damit. Kung masikip ang iyong mga damit, maaaring magdulot ng hindi kinakailangang pressure sa tiyan, na sanhi ng reflux.

Manatili sa Tummy-Friendly na Diet

Ang ilang pagkain ay nagti-trigger ng heartburn, kaya’t subukan na iwasan ang mga ito. Halimbawa ng mga pagkain na nagti-trigger ay:

  • Tsokolate
  • Kape
  • Citrus na prutas
  • Kamatis
  • Sibuyas
  • Mga pagkaing mayaman sa fats
  • Carbonated na inumin

Sa halip, magdagdag ng mga pagkain at gulay sa iyong diet. Kabilang dito ang lean protein, complex carbohydrates, at masustansyang fats.

Paano Natural na Gamutin ang Heartburn

Maliban sa mga lunas sa bahay na nakalista sa itaas, maaari mo ring subukan ang mga sumusunod na natural na lunas:

  1. Saging at Mansanas. Isa sa pinaka madaling lunas sa heartburn ay ang pagkain ng saging araw-araw. Ito ay sa kadahilanan na ang saging ay naglalaman ng natural na antacids na lumalaban sa acid reflux. Ito ang sanhi ng heartburn. Kung hindi mo gusto ang saging, maaari naman na kumain ng mansanas.
  2. Chamomile Tea. Kilala para sa calming effect, ang cup ng chamomile tea ay maaaring makatulong na guminhawa ang digestive tract, kabilang na ang esophagus. Gayunpaman, kung mayroon kang allergy sa ragweed, iwasan ang pag-inom ng chamomile tea.
  3. Luya. Isang karaniwang halamang gamot na makikita sa maraming bahay ng mga Pilipino ang luya. Ayon sa Harvard Health, ang luya ay kilala sa pagtulong nito sa digestion at ginagamit din na lunas sa heartburn sa loob ng maraming siglo. Upang malunasan ang heartburn nang natural, maaari mong ihalo ang luya sa iyong mga pagkain o maghanda ng luyang tsaa.
  4. Licorice. Bagaman hindi kilala tulad ng gamot sa heartburn na nabanggit, maaari mong ikonsidera ang licorice. Ayon sa pag-uulat, ang licorice ay potensyal na “nakapagdaragdag ng mucous coating” sa lining ng esophagus, na pumoprotekta sa epekto ng stomach acid habang may reflux.

Key Takeaways

Ang heartburn ay karaniwang problema at karaniwang ginagamot sa bahay sa pamamagitan ng natural na gamot sa heartburn at sa pamamagitan ng pagbabago ng lifestyle.
Upang malunasan nang natural ang heartburn, tumuon sa mga bagay na magagawa sa bahay, tulad ng pagpapanatili ng tummy-friendly diet, pagkakaroon ng kaunting pagkain, at pag-iwas sa pag-inom ng alak at paninigarilyo.
Gayunpaman, kung palagi kang nakararanas ng heartburn, humingi ng medikal na tulong dahil maaari itong indikasyon ng medikal na kondisyon tulad ng GERD.

Matuto pa tungkol sa Digestive Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acid reflux and GERD: The same thing?
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heartburn/expert-answers/heartburn-gerd/faq-20057894
Accessed July 28, 2020

Heartburn
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9617-heartburn-overview
Accessed July 28, 2020

Heartburn
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heartburn/diagnosis-treatment/drc-20373229
Accessed July 28, 2020

Effect of bed head elevation during sleep in symptomatic patients of nocturnal gastroesophageal reflux
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/j.1440-1746.2011.06968.x
Accessed July 28, 2020

Diet Changes for GERD
https://www.aboutgerd.org/diet-lifestyle-changes/diet-changes-for-gerd.html
Accessed July 28, 2020

6 Natural Remedies For Heartburn
https://selecthealth.org/blog/2017/09/6-natural-remedies-for-heartburn
Accessed July 28, 2020

Herbal remedies for heartburn
https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/herbal-remedies-for-heartburn
Accessed July 28, 2020

Kasalukuyang Version

07/05/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pananakit ng dibdib: Kailan ito heartburn o kabag?

Alamin: Sanhi Ng Heartburn, Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement