backup og meta

Sintomas ng GERD, Anu-ano nga ba? Alamin Dito

Sintomas ng GERD, Anu-ano nga ba? Alamin Dito

Paano malalaman kung ikaw ay may GERD

Bagaman ang GERD ay hindi banta sa buhay na kondisyon, ito naman ay maaaring humantong sa ilang malalang mga komplikasyon. Ngunit sa pamamagitan ng pag-alam sa mga karaniwang sintomas ng GERD, maaari mong masuri ang iyong sarili at maipagamot ito.

Ano ang GERD?

Ang GERD o gastroesophageal reflux na sakit ay isang karaniwang kondisyon na nakaaapekto sa milyon-milyong tao sa buong mundo. Pinaka karaniwang sintomas nito ay ang acid reflux, o kilala rin sa tawag na heartburn, ito ay karaniwang nangyayari dalawang beses sa isang linggo.

Nangyayari ang acid reflux kung ang laman ng tiyan, kadalasan ay ang acid ng tiyan, ay hindi inaasahang umaakyat patungo sa lalamunan. Nagdudulot ito ng labis na pananakit at nasusunog na pakiramdam, lalo na dahil ang lalamunan ay kinakaya ang acid reflux.

Ang malaking problema sa GERD ay ito ay matagal na sakit, maaari nitong masira ang lalamunan sa paglaon. Ito rin ay maaaring magdulot ng

  • Ulcers
  • Pagkasira sa lining ng esophagus
  • Pagtaas ng tyansa ng pagkakaroon ng isang tao ng esophageal cancer

Kung kaya’t mahalaga ang alamin ang mga karaniwang sintomas ng GERD upang agaran itong ipagamot. 

Karaniwang Sintomas ng GERD 

Narito ang ilan sa mga karaniwang senyales at sintomas ng GERD: 

Chronic Heartburn

Ang pinaka karaniwang sintomas ng GERD ay ang pagkakaroon ng matagalang heartburn. Kung ikaw ay nakararanas ng heartburn, dalawang beses sa isang linggo, malaking posibilidad na ikaw ay may GERD.

Kung madalas nararanasan ang heartburn, kahit walang kinakain na makapag-trigger sa iyong kondisyon, mainam na bumisita sa doktor upang magpatingin.

Pananakit ng Dibdib 

Isa pang karaniwang sintomas mula sa mga taong may GERD ay ang pananakit ng dibdib. Nangyayari ito kung ang acid sa tiyan ay umangat patungo sa dibdib at pinipinsala ang esophagus. Ilang mga tao ang inilalarawan ang sakit sa dibdib bilang nasusunog na pakiramdam, tulad sa heartburn, ngunit mayroong ding mga kaso kung saan ang pakiramdam ay matulis na sakit malapit sa breastbone na umaabot hanggang likod.

Paglipas ng panahon, ang sakit ay maaaring lumala dahil ang acid reflux ay nagsisimula nang sirain ang esophagus. Ang pag-inom ng antacids ay nakatutulong minsan, ngunit kadalasang nirereseta ng doktor ang gamot na makatutulong sa pagbabawas ng acid na mula sa tiyan. Kapag nabawasan ang acid sa tiyan, ay bumababa rin ang tiyansa ng pagkakaroon ng acid reflux.

Hirap sa Paglunok

Isa sa mga karaniwang sintomas ng GERD ang hirap sa paglunok. Ito ay mangyayari kung ang esophagus ay namamaga dahil sa acid reflux.

Kung minsan, ang taong may GERD ay nakararamdam ng parang may bukol sa kanilang lalamunan, o pakiramdam ng may nakaharang kung sila ay lulunok ng pagkain.

Pagdighay

Pagdighay ay isa pang sintomas ng GERD Ito ay nangyayari dahil sa naipong gas mula sa tiyan. Sa ibang pangyayari, ito ay maaaring dulot ng bacteria na tinatawag na H. pylori.

Ang pagdighay ay maaaring magdulot ng acid reflux, na hindi komportableng sintomas ng GERD.

Pagkahilo 

Sa loob ng tainga ay mayroong tubo na tinatawag na eustachian tube na tumutulong sa pagkontrol ng presyon sa pagitan ng loob at labas ng tainga. Ang bahaging ito ng tainga ay responsable rin sa iyong balanse, at maaaring makaramdam ng pagkahilo kung mayroong mali sa eustachian tube.

Para sa taong may GERD, ang acid sa tiyan ay maaaring umakyat sa eustachian tube dahil ito ay konektado sa nasal passages. Kung ito ay mangyari, makararamdam ang pagkahilo bilang resulta.

Pagsusuka

Isa sa mga karaniwang sintomas ng GERD ang pagsusuka. Ito ay maaaring resulta ng pagkahilo dahil sa iritableng eustachian tube o dahil irritable ang tiyan at esophagus.

Ang pagsusuka ay sumasabay irn sa pagdighay tuwing may acid reflux at ito ay masakit.

Ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagkain ng maliliit na porsyon ng pagkain na mababahagi ng mas madalas sa isang araw. Sa ibang pangyayari, ang pag-inom ng antacid ay makatutulong upang maiwasan ang pagsusuka.

Maasim na panlasa sa bibig 

Habang mayroong acid reflux, ang acid ay maaaring umakyat hanggang sa iyong bibig. Ito ay nag-iiwan ng partikular na pangit at maasim na lasa. Sa ibang kaso, ito ay maaaring magdulot ng pakiramdam na parang nasusunog ang lalamunan at bibig. 

Nakatutulong ang pag-inom ng antacid upang mabawasan ang sakit at maalis ang maasim na lasa sa iyong bibig.

Hindi gumagaling na ubo

Isa sa mga pinakakaraniwang sintomas ng GERD ay ang hindi gumagaling na ubo. Ang GERD ay nagdudulot ng hindi maipaliwanag na tuyong ubo naiirita sa esophagus at lalamunan.

Ang ubong ito ay maaaring magdulot ng malat na boses o pananakit ng lalamunan.

sintomas ng GERD

Paano Sinusuri ang GERD? 

Ang pagsusuri sa GERD ay maaaring mahirap. Kasabay ng mga pag-aaral sa medikal na kasaysayan ng pasyente, sinusunod ng doktor ang mga hakbang na ito: 

  • Sinusuri ang pH level ng iyong esophagus. Kung ito ay acidic, ito ay nangangahulugang ikaw ay maaaring mayroong hindi gumagaling na acid reflux
  • Ang endoscopy, o proseso na kung saan ang camera ay padadaanin sa iyong lalamunan upang tingnan ang iyong esophagus at tiyan. Ang endoscopy ang nagtuturo kung mayroong senyales ng bara, pagbaba ng timbang, anemia, heme-positive na dumi o mahigit na 5-10 taong mga sintomas.

Sa malaking bahagi, ang endoscopy o pagtingin sa pH level ng iyong esophagus ay sapat na upang malaman kung ikaw ay may GERD o wala. Kung ikaw man ay mayroon ng mga kondisyong ito, ang iyong doktor ay magrereseta para sa iyong gamot at magbibigay ng payo kung paano mabisang pangasiwaan ang kondisyong ito. 

Mahalagang Tandaan

Ang mga karaniwang sintomas ng GERD ay hindi komportable, at marapat na bigyan ng atensyong medikal para sa maayos na diagnosis. Ang iyong doktor ay maaari kang isailalim sa mas pokus na paggagamot base sa iyong kondisyon. 

Maatuto pa tungkol sa Digestive Health diro.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

GERD Symptoms You Shouldn’t Ignore | Northwestern Medicine, https://www.nm.org/healthbeat/healthy-tips/gerd-symptoms-you-shouldnt-ignore, Accessed July 30 2020

Gastroesophageal Reflux Disease – Physiopedia, https://www.physio-pedia.com/Gastroesophageal_Reflux_Disease#:~:text=Common%20Symptoms%3A,Abdominal%20bloating%2FAbdominal%20discomfort, Accessed July 30 2020

Symptoms | Stanford Health Care, https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/digestion-and-metabolic-health/gastroesophageal-reflux-disease-gerd/symptoms.html, Accessed July 30 2020

Gastroesophageal reflux disease (GERD) – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gerd/symptoms-causes/syc-20361940, Accessed July 30 2020

Diagnosis and treatment of gastroesophageal reflux disease, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4133436/, Accessed July 30 2020

Diagnosis of GER & GERD | NIDDK, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/acid-reflux-ger-gerd-adults/diagnosis, Accessed July 30 2020

GERD (Chronic Acid Reflux) Diagnosis and Tests | Cleveland Clinic, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17019-gerd-or-acid-reflux-or-heartburn-overview/diagnosis-and-tests, Accessed July 30 2020

GERD (Chronic Acid Reflux), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17019-gerd-or-acid-reflux-or-heartburn-overview, Accessed July 30 2020

Kasalukuyang Version

07/31/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jaiem Maranan

Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement