backup og meta

Pananakit ng Tiyan at Dehydration, Dapat bang Ipag-alala?

Pananakit ng Tiyan at Dehydration, Dapat bang Ipag-alala?

Ang ilang mga kaso ng pananakit ng tiyan at dehydration ay nangangailangan ng medikal na patnubay. Makatutulong ang kaalaman sa kondisyong ito upang matugunan ito nang tama. 

Ano ang Gastroenteritis?

Ang gastroenteritis ay pamamaga ng lining na bumabalot sa loob ng stomach. Maaari itong mauwi sa seryosong pagsakit, na hindi kadalasang nagtatagal. 

Mga Sintomas ng Pananakit ng Tiyan o Gastroenteritis

Kabilang sa mga sintomas ng acute gastroenteritis at moderate dehydration o pananakit ng tiyan at dehydration ang matubig na pagtatae na may kasamang pagsusuka. Maaari ka ring magkaroon ng pananakit ng tiyan, cramps, katamtaman hanggang mataas na lagnat, pananakit ng ulo, at pagduduwal minsan. 

May ibang mga sintomas na maaari mong maranasan dahil sa moderate dehydration at pagsusukang kasama ng kondisyong ito. Halimbawa, puwedeng magdulot ang dehydration ng pagkatuyo ng balat at bibig. Maaari ding makaranas ng pakiramdam na nauuhaw at pagkahilo.

Gastroenteritis at mga Bata

Bagaman hindi gaanong dapat ipag-alala ang gastroenteritis na may moderate dehydration o pananakit ng tiyan at dehydration sa mga nasa hustong gulang, nakapag-aalala ito kung mangyari sa mga bata. Maaaring ma-dehydrate ang mga bata nang mas mabilis kaya’t mahalagang malaman ang mga senyales.

Kapag uhaw na uhaw ang bata, tuyong-tuyo ang balat, at nagrereklamo sa kanyang tuyong bibig, maaaring nakararanas na ng dehydration ang bata. Magandang hakbang kung dadalhin na siya sa doktor kung sa tingin mo ay dehydrated siya. Kung nakararanas ng gastroenteritis ang bata, huwag siyang papapasukin sa paaralan o daycare hanggang sa mawala na lahat ng kanyang mga sintomas.

Ang mga gamot na ginagamit upang makontrol ang pagtatae at pagsusuka ay hindi ibinibigay sa sobra pang bata.

Mga Sanhi ng Gastroenteritis

Nangyayari ang pananakit ng tiyan at dehydration kapag ang lining ng iyong stomach ay humina o napinsala. May ilang mga bagay na nakapipinsala sa stomach lining:

  • Ilang uri ng gamutan na maaaring magdulot ng pinsala sa lining at kabilang dito ang nonsteroidal anti-inflammatory drugs at corticosteroids.
  • Maaari ding makaapekto sa lining ng stomach ang mga bacterial infection
  • Ang sobrang pag-inom ng alak ay napatunayang nakaaapekto sa lining ng stomach.

Sa ngayon, ang mga nabanggit na gamutan ang pinakanagdudulot ng pinsala sa stomach lining. Ang bacteria na sanhi ng peptic ulcers ay nakasisira sa stomach lining. Ang iba pang sanhi ng gastroenteritis na hindi gaanong karaniwan ay:

  • Viral infection
  • Stress
  • Acid reflux
  • Kidney failure
  • Paggamit ng cocaine

May iba pang sanhi na hindi nabanggit dito.

Panganib ng pananakit ng tiyan at dehydration

May ilang salik na nagpapataas ng tsansang magkaroon ng gastroenteritis. Ang paggamit ng nonsteroidal anti-inflammatory drugs at iba pang gamutan ay maaaring makapinsala sa lining ng stomach. Nakapagpapataas din ng panganib ang sobrang pag-inom ng alak.

Ang pagkakaroon ng major surgery ay maaari ding magpataas ng panganib ng pagkakaroon ng kondisyong ito. Ang “pagbigay” ng iba’t ibang organ ng katawan tulad ng baga, atay o bato ay maaari ding magpataas ng tsansang magkaroon ng gastroenteritis.

Pagsusuri ng Gastroenteritis

Tulad ng iba pang kondisyon, ang iyong doktor ang pinakatamang tao para tumingin, magsuri, at magbigay ng gamutan. Upang makatulong sa pagsusuri, maaaring hilingin ng iyong doktor ang mga sumusunod na test:

  1. Complete Blood Count (CBC). Ang test na ito ay bahagi ng pagtingin sa pangkalahatang kalusugan.
  2. Mga test upang tingnan ang presensya ng H. pylori sa katawan.
  3. Fecal test upang tingnan kung may dugo sa iyong dumi. Ang dugo sa iyong dumi ay maaaring indikasyon na may pinsala sa lining ng iyong stomach.
  4. Ang endoscopy ay paraan upang makita ng doktor ang aktuwal na lining ng iyong stomach
  5. Biopsy. Tinatanggal ng test na ito ang piraso ng stomach tissue para sa analysis.
  6. Malaki din ang maitutulong ng x-ray upang tingnan ang estruktura ng iyong digestive system

Maaari ding hilingin ng doktor ang iba pang test bukod sa mga nabanggit upang masuri ang gastroenteritis.

Treatment

Sa ilang mga kaso, hindi nangangailangan ng medical treatment ang acute gastroenteritis na may moderate dehydration. Mawawala ito nang hindi na kailangan ng gamutan. Ang pinakamainam na gawin ay kontrolin ang iyong kinakain at uminom ng maraming tubig o fluids.

Makatutulong ang pananatili sa bland diet upang gumaling nang mas mabilis. Dapat ding kumain ng mga pagkaing mababa sa acid, fats, at fiber. Inirerekomenda ang chicken breast at karneng walang taba. Kung magsuka ka, pwede kang kumain ng sabaw ng manok.

Para sa ilang tao, kailangan ng gamutan para sa gastroenteritis. Ang gamutan at paggaling ay nakadepende sa sanhi ng gastroenteritis. Halimbawa, ang gastroenteritis na sanhi ng h.pylori infection ay maaaring mangailangan ng ilang rounds ng antibiotics na tatagal ng ilang linggo.

Kabilang sa iba pang karaniwang gamutan ang:

  • Paggamit ng antacids na makatutulong i-neutralize ang stomach acid.
  • Makatutulong ang proton pump inhibitors sa pagpapababa ng produksyon ng stomach acids
  • Nakababawas ng stomach acid ang H2 antagonists.

Ang tanging pagkakataong kailangang gamitan ng antibiotics ang gastroenteritis ay kapag mayroon kang bacterial infection.

Hindi banta sa buhay ang moderate dehydration na dala ng acute gastroenteritis, at ang pag-inom ng fluids ay makapagpapabago ng epekto nito. Gayunpaman, kung ang gastroenteritis ay nagdudulot ng matinding dehydration, saka pa lamang ito mangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Key Takeaways

Hindi banta sa buhay ang acute gastroenteritis na may moderate dehydration, ngunit pinakamainam na kumonsulta sa doktor kung maranasan ang mga sintomas nito. Totoo ito lalo na kung bata ang nakararanas nito.

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng digestive dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dehydration: Symptoms and causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dehydration/symptoms-causes/syc-20354086, Accessed January 10, 2020

Gastroenteritis, https://medlineplus.gov/gastroenteritis.html, Accessed January 10, 2020

Colds and Coughs in Adults: Managing Viral Infections, https://intermountainhealthcare.org/ckr-ext/Dcmnt?ncid=522811857, Accessed January 10, 2020

Management of Bile Reflux, ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3745208/, Accessed January 10, 2020

Kidney failure, https://www.kidneyfund.org/kidney-disease/kidney-failure/, Accessed January 10, 2020

 

Kasalukuyang Version

11/11/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Mga Uri Ng Gastroenteritis: Ano Ang Pinagkaiba Ng Viral Sa Bacterial Gastroenteritis?

Ano ang dapat kainin at dapat iwasan kapag masakit ang tiyan?


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement