Isang surgical procedure ang pagtanggal ng gallbladder o cholecystectomy. Kung saan inaalis ng surgeon ang gallbladder ng isang tao. Medyo karaniwan ang mga tuntunin ng risk na sangkot dito, maging ang mismong procedure na ito. Sinasabi rin na napakaunti lamang ng mga komplikasyong taglay ng opersayon.
Dagdag pa rito, maaaring makatulong sa pagbibigay ng peace of mind sa tao ang pag-aaral ng higit pa tungkol sa cholecystectomy. Kung saan, pwedeng maging tulay ito sa paghahanda para sa procedure. Lalo na kung sakaling kailanganin mo ang pamamaraang ito.
Ano ang gallbladder?
Isang organ na nag-iimbak ng apdo na ginawa ng atay ang gallbladder. Kapag kumakain tayo ng pagkain, inilalabas ng gallbladder ang apdo na ito sa bituka upang tumulong sa panunaw. Sa partikular, tinutulungan tayo ng gallbladder na matunaw ang mga matatabang pagkain.
Gumaganap ng isang mahalagang papel sa digestion ang gallbladder. Subalit, hindi ito ganap na kinakailangan. Dahil nagagawa pa ring i-digest nang walang anumang problema ang pagkain na kanilang kinakain ng mga taong wala ng gallbladder.
Kadalasan, wala ring anumang malubhang epekto sa pangkalatahang kalusugan ang pagtanggal ng gallbladder ang mga taong sumasailalim sa cholecystectomy.
Pagkatapos ng procedure, maaaring makaranas ng pag-utot, pagtatae, o paninigas ng dumi ang mga pasyente. Ito’y kadalasang nagaganap dahil ang katawan ay nag-a-adjust pa rin sa panunaw nang wala ang gallbladder. Ngunit sa paglipas ng panahon, nawawala din at humuhupa ang mga sintomas na ito.
Sa napakabihirang mga kaso, posibleng aksidenteng mapinsala ng surgeon ang mga bituka. Ngunit ito’y isang napakabihirang pangyayari lamang — at kahit sinumang competent surgeon ay pwedeng gawin ang operasyong ito nang walang anumang problema.
Kailan kinakailangan gawin ang pagtanggal ng gallbladder?
Kapag nagkaroon ka ng gallstones, ito ang pangunahing dahilan para sumailalim ka sa cholecystectomy. Gayunpaman, depende pa rin ito sa laki at kasalukuyang mga sintomas. Bagama’t maaari kang sumailalim sa ibang mga pamamaraan o uminom ng gamot upang masira o matunaw ang mga bato sa apdo. Mayroon pa ring mataas na pagkakataon na ang mga bato ay tumubo muli. Kaya ang ganap na pagtanggal ng gallbladder ang pinakamahusay na paraan para harapin ito.
Kung mayroon kang inflamed o infected na gallbladder, pwedeng magrekomenda ang doktor ng cholecystectomy upang ganap na malutas ang problema.
Paano ginagawa ang pagtanggal ng gallbladder?
Pinakakaraniwang paraan ng pag-alis ng gallbladder ang laparoscopic cholecystectomy. Sinasabi na ganap itong ligtas, at karaniwang nakakauwi din sa parehong araw ng procedure ang mga pasyente. Kadalasan rin gumagaling nang mas mabilis ang pasyente sa pamamaraang ito.
Narito ang step-by-step process:
- Nagbibigay ng general anesthesia ang isang anesthesiologist para patulugin ang pasyente.
- Gumagawa ng apat na maliliit na paghiwa sa tiyan ang surgeon at nagpapasok ng isang tubo na may kamera sa isa sa mga paghiwa.
- Pagkatapos, naglalagay ang surgeon ng mga instrumentong pang-opera na ginagamit para alisin ang gallbladder sa pamamagitan ng iba pang mga paghiwa.
- Ginagamit ng surgeon ang mga instrumentong ito upang alisin ang gallbladder at para itali ang anumang blood vessels o daluyan ng dugo.
- Tinatahi ng surgeon ang mga hiwa. At pagkatapos nito, maaari nang magpaggaling ang pasyente.
Sa ilang sitwasyon, pwedeng hindi maging posible ang laparoscopic cholecystectomy. Sinasabi na sa mga kasong ganito, ang isang open cholecystectomy ang magiging mas mahusay na opsyon.
Narito ang step-by-step process:
- Nagbibigay ng general anesthesia ang anesthesiologist upang patulugin ang pasyente.
- Gumagawa ang surgeon ng isang solong, mas malaking hiwa sa gitna ng tiyan, o malapit sa kanang bahagi ng ribcage.
- Hinihiwalay at inaalis ng surgeon ang gallbladder mula sa nakapaligid na tisyu at mga organ.
- Nakatali ang mga daluyan ng dugo, at inilalabas ang gallbladder.
- Tatahiin ng surgeon ang mga hiwa, at pagkatapos ay dadalhin ng mga nars ang pasyente sa kanilang silid sa ospital.
Sa mga tuntunin ng kaligtasan, mababa ang panganib at ligtas ang parehong procedures. Sinasabi rin na nagdudulot din ito ng napakakaunting side effects. Gayunpaman, nagbibigay-daan para sa isang mas mabilis na paggaling ang laparoscopic cholecystectomy, kumpara sa open cholecystectomy. Pwedeng magkaroon din ng mas maraming scarring o pilat sa open cholecystectomy. Sapagkat, nangangailangan ito ng mas malaking paghiwa na gagawin.
Tandaan na sa mga tuntunin ng paggaling, ang mga pasyente na sumasailalim sa laparoscopic cholecystectomy ay karaniwang nakababalik sa trabaho sa loob ng ilang araw. Para naman sa isang open cholecystectomy, maaaring tumagal nang humigit-kumulang isang linggo bago ganap na gumaling ang pasyente.
Key Takeaways
Karaniwang procedure ang pagtanggal ng gallbladder at mayroon lamang napakaliit na panganib ang pamamaraang ito. Ang mga pasyente na sumasailalim sa ganitong uri ng operasyon ay kadalasang gumagaling sa loob ng isang araw. At karaniwang hindi nakakaranas ng anumang nakakapinsalang epekto pagkatapos ng procedure. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa iyong operasyon. Huwag mag-atubiling talakayin ito sa’yong doktor. Dapat nilang gabayan ka sa proseso at bigyan ka ng kasiguraduhan.
Matuto pa tungkol sa Digestive Health dito.