backup og meta

7 Karaniwang Sakit Sa Gallbladder Na Pwede Mong Maranasan

7 Karaniwang Sakit Sa Gallbladder Na Pwede Mong Maranasan

Ang ating gallbladder ay isang mahalagang organ na matatagpuan malapit sa atay na may critical role sa’ting digestive system. Mayroon itong pangunahing tungkulin na mag-imbak at maglabas ng bile o apdo, isang fluid na nagmumula sa atay na tumutulong sa pag-break down ng mga taba sa ating small intestine.

Halimbawa, kapag kumakain tayo ng pagkain na naglalaman ng taba, ang ating gallbladder ay naglalabas ng bile sa maliit na bituka. Kung saan ito ay nakakatulong para i-emulsify ang mga taba at gawing mas madaling matunaw ang mga ito. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan bakit kailangan natin alagaan ang ating gallbladder.

Upang mas maalagaan ang ating gallbladder, mainam kung alamin natin ang mga karaniwang sakit sa gallbladder. Sapagkat ang pagkakaroon ng  sapat na kaalaman ay makakatulong para maagapan natin ang ating sakit at makapagsagawa agad ng konsultasyon sa doktor — at makahingi ng medikal na payo, diagnosis, at paggamot.

Kaya patuloy na basahin ang article na ito para malaman ang mga karaniwang sakit sa gallbladder.

7 Karaniwang Sakit Sa Gallbladder

Narito ang mga pinakakaraniwang sakit sa gallbladder na dapat mong malaman:

1. Kanser sa gallbladder

Isang bihirang kondisyon ang pagkakaroon ng kanser sa gallbladder. Gayunpaman ang uri ng kanser na ito ay malubha at matindi na nagsisimula sa mga cell ng gallbladder.

2. Gallstones

Ang mga bato sa apdo ay maliliit, matitigas na deposito na nabubuo sa gallbladder. Maaari silang magdulot ng pananakit, pamamaga, at iba pang sintomas.

3. Biliary colic

Itinuturing na ang biliary colic ay isang uri ng pananakit na maaaring maganap sa’yo kapag ang gallbladder ay kumukontra o contracts sa pag-a-attempt na itulak ang gallstone sa pamamagitan ng bile duct.

4. Cholecystitis

Tumutukoy ang cholecystitis sa pamamaga ng ating gallbladder. Maaari itong maging acute o chronic at kadalasang sanhi ng gallstones.

5. Gallbladder polyps

Ang gallbladder polyps ay mga paglaki sa loob ng gallbladder na kadalasang benign, ngunit may mga pagkakataon na maaaring maging cancerous ito.

6. Choledocholithiasis

Choledocholithiasis ang tawag sa pagkakaroon ng gallstones sa common bile duct, na maaaring magdulot ng mga bara at pamamaga.

7. Biliary dyskinesia

Ang biliary dyskinesia ay isang kondisyon na ang ating gallbladder ay hindi nagko-contract nang maayos — at hindi nito maalis masyado ang mga nilalaman nito na maaaring magdulot ng pananakit at discomfort

Bakit mahalaga na magpatingin sa doktor?

Maraming dahilan kung bakit kailangan mong ipatingin sa’yong doktor ang kondisyon ng iyong gallbladder — at narito ang mga sumusunod na dahilan: 

1. Maiwasan ang gallstones

Tandaan na ang gallstones ay ang mga tumigas na deposito ng iyong digestive fluid na maaaring mabuo sa gallbladder. Pwedeng magdulot ito ng pananakit, pamamaga, at iba pang komplikasyon na maaaring mangailangan ng operasyon.

2. Pagkakaroon at pagpo-promote ng healthy digestive system

Malaki ang gampanin ng gallbladder a sa proseso ng pagtunaw. Kaya naman, ang pagpapatingin sa doktor upang malaman kung malusog ba ang iyong gallbladder ay isang matalinong hakbang para matiyak ang wastong pagtunaw at pagsipsip ng mga sustansya.

3. Pag-iwas sa mga komplikasyon

Kung ang gallbladder ay namamaga o na-impeksyon, ito ay maaaring humantong sa mga seryosong komplikasyon gaya ng isang ruptured gallbladder. Ang kondisyong ito ay maaaring maging banta sa buhay at nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

4. Pagpapanatili ng pangkalahatang kalusugan

Ang malusog na gallbladder ay isang mahalagang bahagi ng overhealth at well-being. Kaya ang pag-aalaga mo sa iyong gallbladder ay maaaring makatulong na maiwasan ang mga problema sa pagtunaw.

Paalala ng doktor

Para protektahan at pangalagaan ang iyong gallbladder, mahalagang magkaroon ng healthy diet na mababa sa saturated fat at cholesterol, panatilihin ang malusog na timbang, regular na mag-ehersisyo, at iwasan ang paninigarilyo at sobrag pag-inom ng alak. Kung makaranas ka ng anumang sintomas tulad ng pananakit ng tiyan, pagduduwal, o pagsusuka sa loob ng mahabang panahon, mahalagang humingi kaagad ng medikal na atensyon.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Gallbladder Disease, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/gallbladder-disease Accessed May 25, 2023

Gallbladder Disease, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22976-gallbladder-disease Accessed May 25, 2023

Galled by the Gallbladder? Your Tiny, Hard-Working Digestive Organ, https://newsinhealth.nih.gov/2015/02/galled-gallbladder#:~:text=The%20gallbladder%20stores%20bile%2C%20a,injects%20into%20the%20digestive%20tract. Accessed May 25, 2023

Dieting and Gallstones, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/gallstones/dieting?dkrd=/health-information/weight-management/dieting-gallstones Accessed May 25, 2023

Gallstones, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/gallstones Accessed May 25, 2023

Cholecystitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cholecystitis/symptoms-causes/syc-20364867 Accessed May 25, 2023

Gallstones, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gallstones/diagnosis-treatment/drc-20354220 Accessed May 25, 2023

Gallbladder, https://my.clevelandclinic.org/health/body/21690-gallbladder Accessed May 25, 2023

 

Kasalukuyang Version

05/30/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang mga gamot para sa mayroong bato sa apdo?

Sanhi ng Gallstones: Bakit Nagkakaroon ng Gallstones ang mga Tao?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement