backup og meta

Anu-ano ang mga Komplikasyon ng Constipation?

Anu-ano ang mga Komplikasyon ng Constipation?

Ang ilang mga tao ay nagkakaroon ng minor na kaso ng constipation paminsan-minsan, ngunit ang malalang komplikasyon ay hindi dapat binabalewala. Kung hindi magagamot, maaari itong maging sanhi ng seryosong isyu. Narito ang mga dapat mong malaman sa pangmatagalan na komplikasyon ng constipation at kung paano ito maiiwasan.

Ano ang Long-Term na Constipation?

Ang constipation ay termino na karaniwang may kahulugan na tatlo o mas kaunting pagdumi kada linggo at karaniwan na nahihirapan kung susubukang dumumi. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng hirap sa pagdumi ng ilang mga araw, ngunit hindi ito magiging alalahanin kung ang pagdumi ay bumalik sa regular na schedule. 

Ang malalang constipation ay kung ang isang tao ay nararanasan ang constipation ng ilang mga linggo o mas mahaba pa. Maaaring maranasan ng isang tao ang hindi madalas na pagdumi, o hindi pagdumi.

Kung ito ang kaso, mainam na humingi ng medikal na atensyon upang maiwasan ang long-term na komplikasyon sa constipation.

komplikasyon ng constipation

Maaaring Sanhi ng Long-Term na Komplikasyon ng Constipation

Ang minor na kaso ng constipation ay maaaring hindi maging sanhi ng alalahanin. Gayunpaman, ang malala at hindi nagagamot na constipation ay maaaring humantong sa maraming mga problema.

Ang ilan sa mga potensyal na komplikasyon ay kabilang ang:

Almoranas

Ang almoranas ay malaki at namamagang ugat na nabubuo sa loob at labas ng puwetan. Ito ay sobrang hindi komportable o masakit at maaaring humantong sa pagdurugo ng puwet. Karamihan ng mga tao ay ipinanganak na may almoranas, ngunit tsaka lamang nagiging abala ang mga ito kung lumaki at namaga.

Maaaring sanhi ng maraming bagay ang almoranas, ngunit nangyayari ito kung ang mga ugat ay namaga at nagkaroon ng nakaiiritang sintomas. Ang karaniwang sanhi ay ang pagpilit ng pagdumi, na normal na nangyayari habang may malalang constipation.

Ang pagpilit ay maaaring maging sanhi ng paglabas ng dugo sa vessels, na sanhi ng almoranas. Gayundin, ang pagpilit sa pagdumi ay maaaring magpalaki ng veins at maging sanhi ng pamamaga.

Anal Fissures

Ang anal fissures  ay maliit na hiwa sa lining ng puwet na tinatawag na mucosa. Ito ay normal na nangyayari sa pagdaan ng malaki o matigas na dumi, ibig sabihin nangyayari ito kung ikaw ay may malalang constipation.

Ang anal fissures ay karaniwang humahantong sa pagdurugo at masakit na pagdumi, kasama ang spasms at anal sphincter.

Rectal Prolapse

Ang rectal prolapse ay nangyayari kung ang pinakamababang bahagi ng malaking bitura (ang rectum) ay dumikit sa anus, na inilalabas ang tipikal na posisyon nito. Ang kondisyon na ito ay iba-iba sa pagiging malala, mula sa minor drop sa dulo ng puwet hanggang sa buong rectum palabas sa anus.

Maaaring maging sanhi ng rectal prolapse ang malalang constipation. Sa malalang constipation, maaaring mahirapan ang isang tao sa pag-ire upang ilabas ang dumi, na magiging sanhi ng rectum upang gumalaw.

Fecal Impaction

Ang fecal impaction ay kung ang matigas at malaking tao ay nananatili sa rectum o colon. Sa tipikal, ito ay nangyayari kung ang isang tao ay nahihirapan na umire at ilabas ang dumi. Ito ay karaniwang sintomas sa mga taong may malalang constipation.

Natural na may dumi na nagagawa ang iyong katawan at ngunit magiging sanhi ito ng pagdami kung ang nakaraang dumi ay hindi nawala sa katawan, na nagiging sanhi ng fecal impaction.

Ito ay napaka seryosong komplikasyon ng constipation dahil lahat ng dumi, bacteria, at iba pa ay nananatili sa katawan. Kung nararanasan ito, mahalaga na magpagamot sa mga medikal na propesyonal agad.

Paano Maiiwasan ang Komplikasyon ng Constipation

Maraming mga lunas sa lifestyle upang maiwasan ang constipation at ang long-term na komplikasyon nito. Ilan sa mga mainam na bagay na maaari mong masubukan ay kabilang ang mga sumusunod:

komplikasyon ng constipation

Pagbutihin ang Diet

Ang mga pagkaing mayaman sa dietary fiber ay maaaring makaiwas sa constipation dahil makatutulong ito magpalaki at magparami ng dumi, habang pinapalambot ito. Nakatutulong upang madaling mailabas ang dumi dahil sa pagpapalambot at pagdami nito.

Ang pagkakaroon ng maraming fiber sa iyong diet ay mainam upang maiwasan ang constipation. Ilan sa mga pagkain na maaari mong subukan ay ang whole grain bran at cereals, mga gulay, prutas, beans at iba pa.

Subukan na iwasan ang mga pagkaing mababa sa dietary fiber. Ang mga pagkain na tulad ng karne, dairy, at processed foods ay mababa sa fiber na maaaring maging sanhi o maaaring magpalala ng malalang constipation. Kung pinili mo ang mga pagkain na ito paminsan-minsan, mainam na magdagdag ng maraming masustansyang pagkain na mayaman sa fiber sa iyong diet.

Ang pag-inom ng maraming fluids, lalo na ang tubig ay mainam din. Ang fluids ay makatutulong na makaiwas sa pagiging tuyo ng dumi. Maaaring mangyari ang malalang constipation kung ang dumi ay tuyot dahil mahirap ito ilabas.

Sumunod sa Schedule ng pagdumi

Kung posible, subukan na magkaroon ng regular na schedule para sa pagdumi. Maaari kang pumunta sa banyo sa parehong oras kada araw, partikular na matapos ang pagdumi.

Karagdagan, pumunta sa banyo kung nakakaramdam na dapat na talagang pumunta sa banyo. Ang pagsasawalang bahala ng pagdumi ay maaaring magpatuyot at magpatigas ng dumi, na potensyal na magiging sanhi ng long-term na komplikasyon ng constipation.

Mahalagang Tandaan

Maaaring hindi kanais-nais ang malalang constipation, at maaari itong humantong sa maraming iba pang komplikasyon. Tandaan ang tips sa itaas upang iwasan ang constipation, at humingi ng medikal na atensyon sa unang senyales ng seryosong komplikasyon ng constipation.

Matuto pa tungkol sa paggamot at pag-manage ng constipation dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Constipation – Symptoms and causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/constipation/symptoms-causes/syc-20354253

Accessed July 20, 2021

Hemorrhoids Treatments, Symptoms, Causes https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15120-hemorrhoids

Accessed July 20, 2021

Anal fissure – Symptoms and causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anal-fissure/symptoms-causes/syc-20351424

Accessed July 20, 2021

Rectal Prolapse – Treatment, Diagnoses, Causes and Symptoms https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14615-rectal-prolapse

Accessed July 20, 2021

Constipation: Causes and Prevention Tips

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/constipation-causes-and-prevention-tips

Accessed July 20, 2021

Kasalukuyang Version

03/18/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Sanhi ng Constipation, Anu-ano ang mga Ito? Alamin Dito!

Bakit Minsan Nakararanas ng Constipation Pagkatapos ng Diarrhea?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement