backup og meta

Anu-ano ang mga Benepisyo ng Mangga sa Kalusugan?

Benepisyo ng mangga ay namamayagpag sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Patabi muna ang durian na kinikilalang hari ng mga prutas sa Pilipinas, dahil sa ibang bahagi ng mundo ang mangga ang may-ari ng titulong ito.

Ang mangga ay isa sa pinakasikat na prutas na mayaman sa nutrisyon. Ito ay may kakaibang lasa at halimuyak kung kaya paborito ito ng bata man o matanda. Maliban sa pagiging masarap, makatas, malaman at kamangha-manghang tropikal na lasa nito, ang mangga ay masustansya rin.

Alituntunin sa pagkain at benepisyo ng mangga

Ayon sa mga alituntunin ng Departamento ng Agrikultura ng Estados Unidos (USDA) ang mga nasa hustong gulang ay dapat kumain ng dalawang takal ng prutas bawat araw. Rekomendasyon naman ng American Heart Association (AHA) ang pagkain ng hanggang limang takal ng prutas bawat araw.

Dito pumapasok ang kahalagahan ng prutas tulad ng mangga, na pwedeng kainin sa maraming paraan. Ang mangga ay isang drupe, o prutas na bato. Nangangahulugan na mayroon itong malaking buto sa gitna. Ito ay katutubo sa India at Timog Silangang Asya, at nilinang ito ng mga tao sa loob ng mahigit 4,000 taon. Daan-daang uri ng mangga ang umiiral, bawat isa ay may sariling katangian, panlasa, hugis, sukat, at kulay. 

Benepisyo ng mangga sa ekonomiya

Ang India ang pinakamalaking prodyuser ng mangga sa mundo. Nagbibigay ito ng humigit-kumulang 20 milyong tonelada ng mangga taun-taon. Nag-ambag ang mga mangga ng humigit-kumulang 439 bilyong Indian rupees sa ekonomiya ng India noong 2019. Mas mababa ang halagang ito kaysa sa kabuuang halaga ng nakaraang taon, subalit hindi maikakaila na malaki ang kontribusyon ng mangga sa ekonomiya ng India.

Ang Indian Mango ay kilala na sa buong mundo noong 2007. Nagsimula ito matapos pinahintulutan ng India  ang pamumuhunan Harley Davidson kapalit ng pagtanggal ng 18 taong gulang na pagbabawal sa pagpasok ng mga mangga sa Estados Unidos. Kabilang sa mga nangungunang prodyuser ng mangga sa bansa ang Uttar Pradesh, Andhra Pradesh at Karnataka. Ang India ang pinanggagalingan ng higit sa 40 porsyento ng mga mangga sa mundo. Ito  ay iniluluwas sa UAE, Bangladesh, UK, Saudi Arabia, at Nepal.

Benepisyo ng mangga sa kalusugan

Kalusugan ng puso

Ang mangga ay nagbibigay suporta sa puso. Ito ay isang mahusay na mapagkukunan ng magnesium at potassium, na parehong konektado sa mas mababang presyon ng dugo at regular na pulso. Higit pa rito, ang mangga ay pinagmumulan ng compound na mangiferin. Ayon sa mga naunang pag-aaral, maaari nitong mabawasan ang pamamaga ng puso.

Ang mangiferin ay isang antioxidant na nilalaman ng hilaw na mangga. Ito ay nagbabalanse ng triglycerides, mga antas ng kolesterol, at mga antas ng fatty acid, kaya binabawasan nito ang panganib ng mga sakit sa puso. 

Ang mga nutrisyon na taglay ng mangga ay nakakatulong sa pagpapanatili ng isang malusog na daloy ng dugo. Ang mga sustansyang ito na ito ay tumutulong sa upang makapagpahinga ang mga daluyan ng dugo, ito ay nagreresulta sa mas mababang antas ng presyon ng dugo.

Benepisyo ng mangga sa panunaw

Makakatulong ang mangga na patatagin ang iyong digestive system o ang panunaw. Nag-aalok sila ng parehong amylase at dietary fiber. Ang mangga ay makakatulong upang maiwasan ang paninigas ng dumi. Ang amylase naman ay maaaring makatulong sa pagtunaw ng iba pang mga pagkain sa iyong tiyan. Samantala, ang dietary fiber o hibla sa mangga ay maaaring maging mas mabisa laban sa constipation o hirap sa pagdumi.

Natuklasan ng mga siyentipiko sa Texas A&M University na ang kombinasyon ng polyphenols at fiber sa mangga ay epektibo sa pagtanggal ng constipation. Ito ay isang talamak na kondisyon ng pagtunaw na nakakaapekto sa tinatayang 20 porsyento ng mga Amerikano. Apektado rin nito ang mga Pilipino. 

Benepisyo ng mangga na folate para sa buntis

Ayon sa FDA, ang mga mangga at prutas ay ligtas kainin habang ikaw ay buntis.

Siyempre, dapat kang laging kumukunsulta sa iyong doktor tungkol sa kung aling mga pagkain ang dapat at hindi dapat kainin sa buong pagbubuntis mo.

Bukod sa ligtas ang mangga na kainin habang ikaw ay buntis, naglalaman din ito ng maraming sustansya na kapaki-pakinabang sa iyo. Magandang source ng folate, isang mahalagang prenatal vitamin, ang isang ¾ cup takal ng mangga. Ang mga babaeng hindi nakakakuha ng sapat na folate ay nasa panganib na magkaroon ng mga sanggol na may mga neural tube defects, tulad ng spina bifida. Ang kakulangan ng folate ay maaari ring magpataas ng posibilidad na magkaroon ng isang sanggol na wala pa sa panahon o may mababang timbang.

Vitamin C

Isa sa mga benepisyo ng mangga ay ang taglay nitong mataas na sustansya, kaakibat ng mababang calories. Mayaman ito sa vitamin C na tumutulong sa:

  • Pagtaas ng resistensya
  • Pag-absorb ng iron sa katawan
  • Pagtubo ng cells

Nagbibigay ng halos 67 porsyento ng pang araw-araw na halaga para sa Vitamin C ang isang tasang mangga.

Ang isang tasa ng mangga ay nagtataglay ng mas kaunti pa sa 100 calories. Mayroon din itong napakababang calorie density. Ibig sabihin ibig sabihin ay kakaunti ang calories nito para sa dami ng pagkain na binibigay nito. Gayunpaman, tandaan na may 510 calories at may mas mataas na calorie density ang pinatuyong mangga.

Key Takeaway

Syempre, masarap ang mangga at maaaring tangkilikin sa iba’t-ibang paraan tulad ng salsa, salad at smoothies. Subalit tandaan na hindi ito isang lunas para sa lahat ng sakit. Upang makamtan ang benepisyo ng mangga, kailangang isabay ito sa isang balanseng diyeta.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.webmd.com/diet/health-benefits-mango#:~:text=They%20are%20a%20great%20source,reduce%20inflammation%20of%20the%20heart.&text=Mangos%20can%20help%20stabilize%20your%20digestive%20system.

https://www.mango.org/mango-nutrition/

https://www.medicalnewstoday.com/articles/275921

https://www.narayanahealth.org/blog/health-benefits-of-raw-mango/

Kasalukuyang Version

10/17/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement