Ano ang mga uri ng sintomas ng pulmonya sa adults? Bago sagutin ang tanong na ito, mahalaga munang mabigyan ng kahulugan ang sakit.
Ang pulmonya ay isang sakit na naaapektuhan ang air sacs sa loob ng mga baga. Kung napuno ng tubig at dumi ang air sacs sa isa sa mga baga, maaaring makaranas ang pasyente ng ubo, lagnat, chills, at hirap sa paghinga. Ang mga sintomas ng pulmonya ay nasa mild hanggang severe, kaya’t kailangan na seryosohin ang sakit. Ang mga taong mahina ang resistensya, sanggol, at senior citizen ay sobrang vulnerable rito.
Patuloy na magbasa upang malaman ang tungkol sa mga senyales at sintomas ng pulmonya, maging ang paraan ng paggamot at pag-iwas dito.
Uri ng Sintomas ng Pulmonya sa Adults
Ang pulmonya ay maaaring ma-classify base sa kung saan nakuha ito ng pasyente. Halimbawa, ang community-acquired pneumonia at hospital acquired pneumonia ay sanhi ng iba’t ibang sets ng microorganisms. Maaari ding iuri ang sakit na causative agent, tulad ng bacteria, viruses, fungi, aspiration pneumonia, at iba pa.
Ang pinakakilala na history o senyales at sintomas ay ang aspiration pneumonia. Ito ay nangyayari kung ang isang tao ay nalanghap ang laway, pagkain o stomach acid o kung ang pagkain ay bumalik sa esophagus at napunta sa baga. Mula roon, maaaring maapektuhan ng bacteria ang baga, na nagreresulta sa infection. Maaaring kusang mawala ang aspiration pneumonia o humantong sa full-blown pneumonia.
Mahalaga na tandaan na ang pagkakaroon ng ubo at/o lagnat ay hindi nangangahulugan na mayroon ka nang pulmonya. Bagaman ang mga sintomas na ito ay madali lamang na matukoy, ito ay sakit na matutukoy lamang sa pamamagitan ng medikal na pagsusuri at laboratory tests.
Paano nagkakaiba ang mga uri ng sintomas ng pulmonya sa mga adults?
Kahit na anong uri, ang mga maagang sintomas ng pulmonya ay pareho ng flu:
- Ubo na may plema
- Lagnat
- Pagpapawis
- Chills
- Fatigue o panghihina
Ang mga sintomas na ito ay maaaring lumala sa pagpapatuloy ng sakit, na nagpo-produce ng ubo na hindi mawala, labis na pagsakit ng muscle, at kakapusan sa paghinga. Kasabay nito, ang temperatura ng katawan ay maaaring tumaas at maaaring maging blue ang mga labi at kuko.
Maaaring magresulta ng dagdag na sintomas ang viral pneumonia tulad ng:
- Labis na kakapusan ng paghinga
- Sakit sa ulo
- Sakit sa muscle
- Patuloy at pagiging malala ng pag-ubo
Karagdagan, ang mga bata na may viral pneumonia ay maaaring makaranas ng sintomas tulad ng sakit sa tiyan, pagtatae, pagsusuka, at pagkahilo. Maraming mga adults ang nag-ulat ng karaniwang sintomas tulad ng pagkahilo, pagkawala ng gana, at mas mababang temperatura kumpara sa normal. Para sa mga taong nasa edad 60s, maaaring kasama ng pulmonya ang labis na pagkalito.
Ang mga taong may asthma o sakit sa baga ay maaaring magkaroon ng malalang mga sintomas. Gayundin, ang mga sanggol at bagong silang ay maaaring makaranas ng infections.
Bacterial Pneumonia
Ang pinaka karaniwang porma ng sakit, ang bacterial pneumonia ay kinakailangan ng medikal na atensyon. Iba-iba ang sintomas nito mula sa iba’t ibang pasyente. Ilan sa mga senyales at sintomas ng bacterial pneumonia ay:
- Lagnat na umaabot ng 40 degrees celsius
- Palagiang pagpapawis
- Mabilis na paghinga
- Mga kuko at labi na nagiging blue dahil sa kawalan ng oxygen sa katawan
- Kompromiso sa mental na estado
Viral Pneumonia
Sa kabilang banda, ang viral pneumonia ay nade-develop sa loob ng dalawang araw hanggang sa isang linggo bago ito dahan-dahang lumala. Ang mga senyales at sintomas nito ay:
- Lagnat
- Sakit sa ulo
- Dry cough
- Shaking chills
- Fatigue
- Kawalan ng gana
- Sakit sa katawan
- Sakit sa muscle
- Pagkahina
- Sakit sa dibdib
- Pagiging blue ng mga labi
Nakakahawa ba ang Pulmonya?
Ang ilang porma ng pulmonya ay kumakalat, tao sa tao, sa pamamagitan ng respiratory droplets. Kung nalanghap mo o nagkaroon ng contact sa droplets at hinawakan ang mukha, maaari kang ma-infect.
Paano Ginagamot ang Pulmonya?
Kahit na nilulunasan, ang ilang mga indibidwal ay maaaring potensyal na makaranas ng nakamamatay na komplikasyon dahil sa pulmonya. Kung nagpatuloy ang kahit na anong sintomas, agad na humingi ng medikal na tulong. Mahalaga ito lalo na sa mga high-risk na grupo tulad ng mga sanggol at matatanda.
Upang i-diagnose ang sakit, magtatanong ang iyong doktor ng iyong medical history at magsasagawa ng iba’t ibang tests. Kabilang dito ang chest x-rays, blood tests, at sputum tests. Ang ibang mga test ay kabilang ang CT scan o bronchoscopy, depende sa banta at sa iyong edad. Kung ikaw ay diagnosed ng pulmonya, maaaring magreseta ang iyong doktor ng antibiotic na gamot.
Mahalaga na tandaan na mapanganib ang self-medication; sundin ang panuto ng doktor at inumin ang inireseta sa iyo.
Mahalagang Tandaan
Ang pneumonia ay isang karamdaman na hindi dapat isawalang bahala. Kung naranasan mo ang patuloy na senyales at sintomas ng pulmonya, konsultahin ang iyong doktor. Ngunit tandaan na ang pag-iwas ay mas mainam kaysa sa paggamot. Upang maiwasan ang pulmonya, siguraduhin na laging alagaan ang iyong sarili.
Matuto pa tungkol sa kalusugan ng respiratory system dito.