Noong 2018, ang pneumonia ay nagdulot ng humigit-kumulang 56,800 na pagkamatay, na naging dahilan para ito ay makabilang sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa. Gayunpaman, sa kabila ng napakalaking bilang ng mga kaso, ang mga karaniwang uri ng pneumonia ay madaling maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. Mayroong ilang uri ng pneumococcal vaccine Philippines na makukuha mula sa iyong doktor o lokal na health center.
Mga Uri ng Pneumococcal Vaccine Philippines
Kasalukuyan, mayroong tatlong uri ng pneumococcal vaccine Philippines. Ang tatlong ito ay ang pneumococcal conjugate vaccines PCV7, PCV10, at PCV13. Isa pang uri ay ang pneumococcal polysaccharide vaccine, PPSV23. Ang mga pagkakaiba sa pagitan ng bawat bakuna ay nakadetalye sa ibaba.
Pneumococcal 7-Valent Conjugate Vaccine (PCV7)
Ito ang unang pneumococcal conjugate vaccine na lisensyadong gamitin. Pinagsasama ng mga pneumococcal conjugate vaccine ang mga bahagi ng asukal mula sa kapsula ng Streptococcus pneumoniae bacteria at ang diphtheria CRM197 protein.
Ang PCV7 vaccine ay nagbibigay ng proteksyon laban sa mga serotype (o strain) ng S. pneumoniae: 4, 6B, 9V, 14, 18C, 19F, at 23F. Ang mga serotype na ito ay karaniwang nagiging sanhi ng mga pneumococcal infection tulad ng pneumonia at acute otitis media.
Ito ay ginagamit lang para sa mga pediatric patients. Sa ngayon, ang bakunang ito na-enhance na upang makagawa ng PCV13 vaccine at magbigay ng expanded coverage laban sa higit pang mga serotype.
Pneumococcal 10-Valent Conjugate Vaccine (PCV10)
Ang PCV10 vaccine naman ay nagpoprotekta laban sa 10 serotypes ng S. pneumoniae na karaniwang nagdudulot ng mga impeksyon gaya ng pneumonia at otitis media. Kabilang sa mga serotype na sakop ang: 1, 4, 5, 6B, 7F, 9V, 14, 18C, 19F, at 23F.
Ito ay isa sa mga bakunang ginagamit ng Department of Health (DOH) na kabilang sa Expanded Program on Immunization (EPI) para sa mga bata.
Pneumococcal 13-Valent Conjugate Vaccine (PCV13)
Ang PCV13 vaccine ay naghahandog ng proteksyon laban sa parehong mga serotype gaya ng PCV10 at dagdag na saklaw laban sa S. pneumoniae serotypes 3, 6A, at 19A.
Sa kasalukuyan, ang bakunang ito ang pinaka-inirerekomenda upang maiwasan ang mga pneumococcal infection sa mga bata, simula sa edad na 6 na linggo. Ito rin ang bakunang ibinibigay sa mga sumusunod:
- Nasa hustong gulang na may mga malalang sakit.
- Nakompromiso ang kaligtasan sa sakit.
- Nanganganib magkaroon ng pneumococcal infection.
Simula noong 2014, nagpalit na ang DOH mula sa pagbibigay ng PCV10 patungong PCV13. Ito ay sa kadahilanang mas cost-effective at nagbibigay ng coverage laban sa serotype 19A6.
Pneumococcal Polysaccharide Vaccine (PPSV23)
Ang PPSV23 ay isa pang bakuna na nagbibigay proteksyon laban sa iba’t ibang serotype ng S. pneumoniae. Saklaw nito ang mga serotype na: 1, 2, 3, 4, 5, 6B, 7F, 8, 9N, 9V, 10A, 11A, 12F, 14, 15B, 17F, 18C, 19F, 19A, 20, 22F, 23F at 33F.
Iba ang PPSV23 vaccine formulation mula sa ibang mga PCV vaccines. Hindi nito pinagsasama ang bacterial capsule sugars sa diphtheria CRM197 protein. Kung wala ang protein carrier na ito, walang immune memory, hindi katulad sa mga bakuna sa PCV8. Samakatuwid, habang nagbibigay ang PPSV23 ng saklaw laban sa higit pang mga serotype, hindi ito nag-aalok ng panghabambuhay na proteksyon.
Sino ang Kwalipikado Para sa Pneumococcal Vaccine Philippines?
Sa isang perpektong mundo, lahat ay dapat mabakunahan laban sa mga pneumococcal infefction at iba pang maaaring iwasang sakit. Bilang bahagi ng mga childhood vaccination schedules, parehong lokal at internasyonal, ang PCV ay lubos na inirerekomenda. Sa Pilipinas, kasalukuyang ginagamit ang PCV13 para sa regular na pagbabakuna.
Mga Batang Walang Pang 2 Taon
Bilang bahagi ng routine vaccination, ang PCV13 ay ibinibigay sa 4 na doses. Kwalipikado na ang mga para sa mga PCV vaccine simula sa edad na 6 na linggo, bagaman sa pangkalahatan ang unang dose ay ibinibigay sa 2 buwang gulang. Ang mga sumusunod na doses ay ibinibigay sa 4 na buwan, 6 na buwan, at pagkatapos ay sa 12-15 na buwan.
Mga Bata at Matatanda (6 hanggang 64 taong gulang)
Para sa mga bata at matatanda sa pagitan ng 6 at 64 taong gulang na hindi pa nakatanggap ng PCV vaccine, maaaring magbigay ng isang dose. Ang grupong ito ay dapat tumanggap ng bakuna kung mayroon silang cochlear implants, cerebrospinal fluid (CSF) leaks, asplenia, o compromised immunity.
Ang PPSV23 vaccine ay maaaring ibigay bilang karagdagan sa bakuna sa PCV13 sa mga matatanda at bata na higit sa 2 taong gulang. Ngunit hindi ito maaaring ibigay sa mga batang wala pang 2 taong gulang dahil hindi sila magkakaroon ng mabisang immune response.
Mga Matatanda (Edad 65 pataas)
Noong 2019, ang Advisory Committee on Immunization Practices (ACIP) ay nagsaad na ang PCV13 ay maaaring ibigay sa mga 65 taong gulang at mas matanda na walang mga immunocompromising conditions, CSF leaks, o cochlear implants.
Sa updated guideline na ito, lahat ng higit sa 65 taong gulang ay dapat makakuha ng isang dose ng PPSV23, anuman ang mga naunang nabanggit na kondisyon. Kung unang ibinigay ang PCV13, dapat silang maghintay ng hindi bababa sa 1 taon bago matanggap ang PPSV23.
Makipag-usap sa iyong doktor para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa available na pneumococcal vaccine Philippines at kung paano ibinibigay ang mga ito sa mga karapat-dapat na pasyente.
Mahalagang Mensahe
Sa kabuuan, ang sinumang gustong protektahan ang kanilang sarili mula sa mga pneumococcal infefction ay dapat magpabakuna. Mayroong ilang iba’t ibang uri ng pneumococcal vaccine Philippines na maaaring pagpilian para ipaturok.
Kung maaari, lahat ng batang wala pang 2 taong gulang ay dapat kumpletuhin ang kanilang PCV vaccination. Pagkatapos nito, ang malulusog na bata at matatanda ay hindi na kailangang tumanggap ng booster dose maliban kung mayroon silang alinman sa mga sumusunod na kondisyon:
- Cochlear implants
- Cerebrospinal fluid (CSF) leaks
- Chronic disease (tulad ng chronic kidney, heart, o liver disease; diabetes)
- Immunocompromised state (tulad ng mga mayroong HIV infection, asplenia)
- Malakas na paginom ng alkohol o paggamit ng tobako
Makipag-usap sa iyong doktor upang malaman kung may panganib para sa pneumococcal infection at kung ikaw ay karapat-dapat na mabakunahan ng isa sa mga bakunang ito.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pneumonia dito.