backup og meta

Bakuna para sa Pneumonia, Bakit nga ba Mahalaga?

Bakuna para sa Pneumonia, Bakit nga ba Mahalaga?

Ang mga bata at mga matatanda ang madaling kapitan ng mga komplikasyon mula sa malubhang sakit, kasama na rito ang pneumococcal infections katulad ng strep pneumonia. Ang pag-aaral ng mga sanhi ng pneumococcal infections, paano ito kumakalat, mga sintomas at paano ito maiiwasan ay makatutulong sa atin na gawin ang mga hakbang upang mabawasan ang mga panganib na maidudulot nito sa ating pamilya. Ano ang mga bakuna para sa pneumonia?

Ito ang mga kailangan mong malaman:

Ano ang Pneumococcal Infections? Strep Pneumonia at iba pa

Ang Streptococcus pneumonia ay isang bacteria na responsable sa pneumococcal infections. Kabilang ang mild infections sa pneumococcal infections tulad ng otitis media o infection sa tainga, at sinusitis. Ito rin ay nagiging sanhi ng mas malala o nakamamatay na karamdaman tulad ng septicemia, meningitis, at pneumonia.

Sino ang nasa panganib ng Pneumococcal Infections?

Hindi lahat ay mayroong parehong panganib sa pneumococcal infections. Partikular, ang may mahinang immune system ay higit na nasa panganib para sa mga infections tulad ng strep pneumonia.

Gayunpaman, mahalagang malaman na kahit ang mga malusog na tao ay maaari pa ring mahawaan. Narito ang listahan ng mga maaaring nasa panganib ng pneumococcal infections:

  • Nasa edad 65 pataas
  • Mga bata at sanggol, bagaman ang bakuna ay makatutulong na makabawas sa peligro sa mga bata.
  • Taong mayroong chronic asthma at iba pang respiratory diseases
  • Mga pasyenteng mayroong chronic kidney disease, diabetes, cancer, HIV, at iba pang sakit na nakapagpapahina ng immune system
  • Caregivers o mga taong nangangalaga sa mga miyembro na bahagi ng populasyong nasa panganib
  • Naninigarilyo, o mga naninirahan kasama ang naninigarilyo
  • Mga may problema sa pag-inom
  • Ang mga viral infections ay nagpapataas ng peligro sa secondary pneumococcal infection.

Kung ikaw o sino man sa iyong mahal sa buhay ay nasa panganib ng pneumococcal infections, mainam kung susundan ang mga hakbang sa pag-iingat sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Mga Uri ng Pneumonia

Ang Pneumonia ay isang sakit na nagdudulot ng pamamaga sa baga ng isang tao. Bacteria ang pinaka karaniwang sanhi ng pneumonia ng infection na kilala sa tawag na Streptococcus pneumoniae, gayunpaman ang pneumonia ay maaaring dulot ng pathogens. Ang Strep Pneumonia ay tumutukoy sa mga infection na dulot ng S. pneumoniae.

Bago natin alamin ang bakuna para sa pneumonia, narito ang ilang mga pneumonia, pinangkat ayon sa uri nito:

Hospital- Acquired Pneumonia

Mula sa pangalan nito, ang hospital-acquired pneumonia ay pneumonia na nakuha ng isang pasyente sa pamamalagi sa ospital. Mga pasyenteng may malubhang sakit, o mga nangangailangan ng ventilator o breathing machine, sila ay may mataas na posibilidad sa pagkakaroon ng hospital-acquired pneumonia.

Community-Acquired Pneumonia

Ang community-acquired pneumonia ay tumutukoy sa pneumonia na nagmula sa labas ng ospital. Ito ang pinaka karaniwang paraan para mahawaan ng pulmonya ang isang tao, dahil ang pulmonya ay isang nakahahawang sakit.

Bacterial Pneumonia

Pinaka karaniwang uri ng pneumonia ang Bacterial pneumonia. Ito ay karaniwang sanhi ng Streptococcus pneumoniae, bagaman ito rin ay maaaring dulot ng iba pang uri ng bacteria. Ang S. Pneumoniae ay nagdudulot ng strep pneumoniae

Viral Pneumonia

Ang Viral pneumonia ay pneumonia na dulot ng viral infection. Isa sa pinaka kilalang halimbawa nito ang Covid-19. Posible rin para sa isang tao ang maapektuhan ng parehong viral na pneumonia at bacterial na pneumonia sa parehong pagkakataon.

Kapag ito ay nangyari, karaniwan itong tinutukoy na pneumococcal coinfection.

Fungal Pneumonia

Kapag nalanghap ang fungal spores, maaari itong magdulot ng pneumonia. Ito ay nabubuo kung ang fungi ay naglalakbay sa daluyan ng dugo, kapag ito ay nakapunta sa baga ng tao ito ay maaaring magdulot ng infection.

Sa kaibahan sa iba pang uri ng pneumonia, ang fungal pneumonia ay karaniwang hindi nakahahawa. Ang lunas sa fungal pneumonia ay karaniwang kinakailangan na sumailalim sa anti-fungal therapy.

Ano ang mga sintomas na kailangan mong bantayan?

Pagdating sa pneumonia, narito ang ilang mahahalagang sintomas na kailangan mong bantayan:

  • Pananakit ng ulo
  • Stiff Neck
  • Pananakit ng tainga at discharge
  • Pagiging sensitibo sa liwanag
  • Lagnat at panginginig
  • Ubo
  • Pananakit ng dibdib

Iba pang malubhang sintomas ng pneumococcal infections ay:

  • Pagkalito
  • Hindi masyadong pagiging alerto
  • Hirap sa paghinga
  • Malubhang pananakit ng tainga
  • Hindi nawawalang sakit ng ulo o patuloy na paglala ng pagsakit nito
  • Malamig at panlalambot ng balat
  • Kakapusan sa paghinga
  • Mabilis na tibok ng puso

Kung ikaw ay nakararanas ng alinmang sintomas sa mga nabanggit, huwag magdalawang isip na humingi ng medikal na atensyon sa lalong madaling panahon.

Iba pang tungkol sa Pneumonia

Isa sa mga karaniwang pneumococcal infections sa pneumonia ay tinatawag ding pneumococcal pneumonia. Sa kondisyong ito, ang Streptococcus pneumoniae bacterium ay humahawa sa air sacs sa loob ng baga ng tao. Kapag nangyari ito, ang labis na mucus at secretions ay maaaring humarang sa daluyan ng hangin at baga. Maaari itong humantong sa ubo, pagkakaroon ng plema at minsan ay kakapusan sa paghinga.

Kung ito’y hindi gagamutin, ang mga komplikasyon tulad ng septicemia ay maaari ding mangyari. Ito ay isang kondisyon kung saan ang bacterium ay mag-uumpisang makahawa sa daluyan ng dugo. Kalaunan ito ay maaaring humantong sa pagkamatay

Isa pang komplikasyong dapat mong malaman ay tungkol sa meningitis. Ito ay nangyayari kung ang bacterium, na mula sa baga ay makaaapekto na sa utak ng tao.

Ang septicemia at meningitis ay mga malubha at posibleng nakamamatay na kondisyon.

Paano maiiwasan ang Pneumococcal Infections tulad ng Strep Pneumonia?

Ano ang bakuna para sa pneumonia? Isa sa mahusay na paraan para maiwasan ang pneumococcal infection tulad ng strep pneumonia ay ang pagpapabakuna. Ang mga bata ay maaaring mangailangan ng 4 na doses ng pneumococcal conjugate na bakuna, depende sa rekomendasyon ng iyong doktor. Mainam na sundin ang schedule na ibinigay ng pediatrician.

Isa pang pagpipilian ay ang pagpapabakuna ng PPSV23. Kung sa proteksyon, parehong maihahambing ang mga bakunang ito. Ang pinaka pagkakaiba nito ay sa uri ng pneumococcal infections na kanilang pinoprotektahan, pati na rin ang disenyo mismo nito.

Ang mga taong immunocompromised, o nasa edad 65 pataas ay maaaring magpabakuna ng pneumococcal conjugate at PPSV23 para sa mas mainam na proteksyon.

Sa pangkalahatan, inirerekomenda ng doktor na magpabakuna ang mga kabilang sa populasyon ng mga nasa panganib. Bilang karagdagan, hindi masamang ideya para sa malulusog na matatanda ang magpabakuna dahil nagdaragdag ito ng proteksyon laban sa mga sakit at malubhang karamdaman.

Kung pinag-iisipan mong magpabakuna, mainam na kumausap ng doktor tungkol dito. Makapagbibigay sila ng mga impormasyon kakailanganin mo upang makagawa ng matalinong desisyon para sa iyong kalusugan.

Matuto pa ng iba pang impormasyon tungkol sa pneumonia rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Pneumococcal infections | NHS inform, nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/infections-and-poisoning/pneumococcal-infections, Accessed April 29, 2021

2 Symptoms and Complications of Pneumococcal Disease | CDC, cdc.gov/pneumococcal/about/symptoms-complications.html, Accessed April 29, 2021

3 Pneumococcal Disease – National Foundation for Infectious Diseases, nfid.org/infectious-diseases/pneumococcal/, Accessed April 29, 2021

4 Pneumonia | Johns Hopkins Medicine, hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/pneumonia, Accessed April 29, 2021

5 Pneumococcal Disease: Risk Factors for Clinicians | CDC, cdc.gov/pneumococcal/clinicians/risk-factors.html, Accessed April 29, 2021

6 Ask the Experts: Pneumococcal Vaccines (PCV13 and PPSV23), immunize.org/askexperts/experts_pneumococcal_vaccines.asp, Accessed April 29, 2021

7 WHO | Pneumococcal disease, who.int/ith/diseases/pneumococcal/en/, Accessed April 29, 2021

8 Factsheet about pneumococcal disease, ecdc.europa.eu/en/pneumococcal-disease/facts, Accessed April 29, 2021

 

Kasalukuyang Version

06/22/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Ika Villanueva Caperonce, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Tanong Tungkol Sa Pneumonia Vaccine: Karaniwang Mga Katanungan

Pulmonya Sa Pilipinas: Dapat Bang Ipag-Alala Ang Sakit Na Ito?


Narebyung medikal ni

Ika Villanueva Caperonce, MD

Infectious Disease · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement