Ang pneumococcal infections tulad ng pneumonia at ear infections ay karaniwan. Bagaman ang mga infections na ito ay hindi masyadong karaniwan kaysa sa sipon at flu, maaari itong magresulta sa nakamamatay na komplikasyon. Para sa proteksyon ang pneumococcal conjugate vaccine. Basahin upang malaman ano ang pneumococcal conjugate vaccine at paano ito pumoprotekta sa mga bata, matanda, at sa pangkalahatan.
Sino ang Maaaring Makakuha ng Pneumococcal Conjugate Vaccine?
Sa pangkalahatan, ang pneumococcal conjugate vaccine ay kailangan para sa lahat ng seniors na edad 65 pataas. Ito ay kailangan din ng mga taong at-risk sa exposure. Halimbawa ng mga ito ay mga pasyente sa ospital o residents sa mga nursing homes. Karagdagan, ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay nirekomenda ang lahat ng mga bata na mas bata sa 2 taong gulang na magpabakuna ng pneumococcal vaccine. Sa katunayan, ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ay isinama ang PCV sa Expanded Program on Immunization (EPI).
Nakalimutan na magpabakuna? Kontakin ang iyong doktor o pediatrician upang magtakda ng appointment.
Taliwas sa kilalang paniniwala, ang mga bakuna ay hindi lamang para sa mga sanggol at matatanda. Maging ang mga adolescents at adults ay kailangan din ng regular na pagbisita sa kanilang doktor upang tingnan kung anong bakuna ang available para sa kanila.
Karagdagan, ang mga tao na may mahinang resistensya o mga tao na may tiyak na medikal na kondisyon ay kailangan na ma-immunized. Kabilang dito ang mga pasyente na may HIV/AIDS, cancer, mga taong gumagamit ng immunosuppressants, at mga taong edad 65 o mas matanda na may banta ng exposure (hal. health care workers).
Bilang mabilis na gabay, narito ang general vaccination schedules para sa kada grupo ng edad:
Vaccination Schedules para sa Pneumococcal Conjugate Vaccine
Infants at Toddlers (6 na linggo hanggang 15 buwang gulang)
- Unang dose sa edad na 2 buwan (maaaring mas bata hanggang 6 na linggo)
- Ikalawang dose ay nasa ika-4 na buwang gulang.
- Ikatlong dose ay nasa ika-6 na buwang gulang.
- Ikaapat na dose ay sa edad na 12-15 na buwan (o nasa 3 buwan matapos ang ikatlong dose)
Schedule para sa mga hindi pa nababakunahang bata (7 buwan hanggang 5 taong gulang):
- Kung ang unang dose ay nasa edad na 7 hanggang 11 buwang gulang: 3 doses ang kailangan. Ibigay ang unang dose at ikalawang dose sa pagitan ng 4 na linggo. Ibigay ang pangatlong dose matapos ang 2 buwan.
- Kung ang unang dose ay nasa edad na 1 hanggang mas bata sa 2 taong gulang: 2 doses ang kailangan. Ibigay ang una at ikalawang dose na may 2 buwang pagitan.
- Kailangan lang ng isang dose kung ang unang dose ay nasa edad na 2 hanggang 5 taong gulang
Mga bata (6 hanggang 17 taong gulang):
- Isang dose lamang ang kailangan para sa mga bata sa pangkat ng edad na ito. Kung nakatanggap na sila ng bakuna, maghintay ng 8 linggo (2 buwan) bago ibigay ang dose na ito.
- Ang pneumococcal conjugate vaccination ay hindi routine para sa pangkat ng edad na ito. Gayunpaman, hinihikayat para sa mga immunocompromised na bata o may mga malalang sakit.
Adults (18 hanggang 64 taong gulang):
- Ang pneumococcal conjugate vaccination ay hindi routine para sa mga malulusog na indibidwal sa grupong ito.
- Ang mga immunocompromised na adults at ang mga taong may malalang kondisyon (tulad ng sakit sa puso, sakit sa baga, o diabetes) ay kailangan na mabakunahan.
- Para sa mga karapat-dapat bakunahan na adults, isang dose ng pneumococcal conjugate vaccine ay hindi ibinibigay na routine. Sa mga tiyak na kaso, ang PPSV23 na bakuna ay maaaring ibigay makalipas ang higit 8 linggo matapos matanggap ang pneumococcal conjugate vaccine.
Pakiusap na tandaan na ang vaccination schedule na inilagay ay buod lamang na rekomendasyon mula sa CDC. Alalahanin na magtakda ng appointment sa iyong doktor o pediatrician upang tingnan ang iyong eligibility para sa bakunang ito.
Pag-unawa sa Bisa ng Pneumococcal Conjugate Vaccine Bilang Nakaiiwas sa Pneumococcal Infections
Ngayon na alam na natin sino ang mga karapat-dapat para sa pneumococcal conjugate vaccine at kailan dapat magpabakuna, oras na upang pag-usapan paano ito nagbibigay ng benepisyo.
Upang simulan, ang pneumococcal infections ay mga sakit na sanhi ng bacteria Streptococcus pneumoniae. Bagaman ang pneumonia ang kadalasan na naiisip, ang gram-positive bacteria ay maaaring maging sanhi ng inner ear infections (otitis media), sepsis, at meningitis. Tulad ng ibang bacterial infections, mayroong antibiotics na mabibili upang gamutin ang ganitong infections kung nangyari. Sa kasamaang palad, ang S. pneumoniae ay mas nagiging resistant sa mga gamot, at ang bakuna at pag-iwas nito ang pinakamainam na option
Ang pneumococcal conjugate vaccine ay naglalaman ng special sugar molecules na tinatawag na polysaccharides mula sa iba’t ibang serotypes ng S. pneumoniae. Ang pneumococcal conjugate vaccine ay pumoprotekta laban sa 13 na pinaka karaniwang serotypes. Ito ay isang purified material mula sa capsule o coating ng bacteria. Kaya’t hindi ito naglalaman ng aktuwal na bacteria o infectious material. Ang polysaccharide molecules ay ipinapares sa carrier protein, na nagreresulta ng conjugated vaccine.
Sa loob ng katawan, ang bakuna ay gumagana sa pamamagitan ng pag-activate ng white blood cells na tinatawag na T cells. Ang protein-polysaccharide compound ay ina-activate ang T cells na binibigyan ng senyales ang iba pang uri ng immune cell na kilala sa tawag na B cells. Ang B cells ay responsable para sa pagpo-produce ng antibodies (IgM at IgD). At ang memory B cells na mahalaga para sa mahabang panahon na resistensya. Tumutulong ang antibodies sa immune system upang mabilis na matukoy at maatake ang infectious pathogens, tulad ng S. pneumoniae, kung na-expose sa taong mayroon nito.
Pagiging Mabisa ng Bakuna
Matapos makakuha ng bakuna, kailangan ng ilang mga linggo bago magkaroon ng antibodies ang iyong katawan laban sa pneumococcal infections. Kaya’t mahalaga na iwasan ang exposure at close contact sa mga infected na indibidwal sa mga oras na ito. Tungkol sa bisa, ang pneumococcal conjugate vaccine ay may 100% na epektibo sa pag-iwas ng invasive pneumococcal infections sa mga sanggol na binibigyan ng 4 na doses simula sa edad na 4 na buwang gulang.
Base sa resulta ng Community-Acquired Pneumonia Immunization Trial in Adults (CAPiTA) na nasa edad na 65 na taong gulang pataas, ang PCV ay 75% na epektibo laban sa invasive pneumococcal diseases. Karagdagan, ang bakuna ay may 45% na bisa laban sa non-invasive pneumococcal pneumonia.
Sa kasalukuyan, ang Advisory Committee on Immunization Practices (ACIP) ay hindi na inirerekomenda ang routine sa paggamit ng PCV. Sa halip, kinakailangan ng pagbabahagian ng desisyon kung ang PCV ba ay kinakailangan na ibigay kasama ng PPSV23.
Key Takeaways
Bilang buod, ang pneumococcal conjugate vaccine o PCV ay mahalaga para sa mga sanggol. At inirerekomenda rin ito para sa mga senior citizens. Gayunpaman, ang mga tao sa kahit na anong edad na may mahinang resistensya o malalang sakit ay maaari ding makinabang mula sa PCV.
Kausapin ang doktor ngayong araw upang matukoy kung ikaw ba ay karapat-dapat para sa bakunang ito at magtakda ng appointment.