Maghahanap ka ng magandang bitamina para sa baga lalo na kapag hindi masyadong maganda ang iyong pakiramdam. Minsan ang akala mong pagod lang ay maaaring maging isang ganap na sipon na makakaantala sa iyong mga gawain. Mag-iiwan ito ng mga katanungan kung paano nga kaya mapapanatiling malakas ang iyong baga upang maiwasan ang mga sakit na ito.
Isa sa mga dapat iwasang sakit na nauugnay sa baga ay ang acute respiratory tract infections (ARTIs). Ito ay kadalasang sanhi ng virus o bacteria na humahadlang sa normal na paghinga. Kabilang sa mga sintomas nito ay:
- Congestion
- Sipon
- Ubo
- Namamagang lalamunan
- Pananakit ng kalamnan
- Pagkapagod
Bakit kailangang humanap ng magandang bitamina para sa baga?
Ang baga, na bahagi ng iyong respiratory system, ay patuloy na kumikilos upang mapanatili kang buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng oxygen sa katawan at pagpapalabas ng carbon dioxide. Kapag nakompromiso ang iyong baga, makakaapekto ito sa iyong pangkalahatang kalusugan. Kung kaya, dapat panatilihing malusog ang iyong baga.
Sa kasamaang palad, maraming mga kadahilanan ang maaaring makapinsala sa kalusugan ng baga tulad ng:
- Polusyon sa hangin
- Paninigarilyo
- Pulmonya,
- Hika
- COVID-19
- chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
Ayon sa mga eksperto mapapanatiling malusog ang baga sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa vitamins at minerals.
Pagkain may magandang bitamina para sa baga
Egg yolks
Ang pula ng itlog ay mayaman sa Vitamin D na nakakatulong mapanatili ang kalusugan ng baga. Kilala ito sa pagpapanatili ng malakas na buto ngunit lumalabas na nagpoprotekta rin pala ito laban sa mga mikrobyo na nakakaapekto sa respiratory system.
Ang dalawang pangunahing anyo ng Vitamin D ay ang Vitamin D2 at Vitamin D3. Hindi natural na ginagawa ito ng katawan ngunit matatagpuan ang vitamin na ito sa mga pagkain tulad ng mga pula ng itlog, Ang egg yolk mula sa isang malaking itlog ay naglalaman ng 37 IU ng bitamina D, o 5% ng DV.
Citrus
Ang Citrus na mga prutas tulad ng kiwi, oranges, lemon at grapefruit ay mayaman sa Vitamin C na magandang vitamin para sa baga. Ang isang grapefruit ay nagbibigay ng humigit-kumulang 56 mg ng Vitamin C samantalang ang mga citrus fruit juice ay naglalaman ng mas mataas na halaga ng Vitamin C. May humigit kumulang 125 mg ng Vitamin C ang isang 225 mg na baso ng orange juice.
Maraming mga pag-aaral ang nagpapakita na ang Vitamin C ay maaaring magbawas ng mga reaksyon sa inflammatory response. Maari din nitong bawasang ang tsansan na magkaroon ng exercise-induced bronchospasm. Ang Vitamin C ay gumaganap bilang isang anti-inflammatory agent upang mabawasan ang pagpapaliit ng mga daanan ng hangin sa bronchospasm na dulot ng ehersisyo at pagkapagod.
Atay
Ang atay ay nagtataglay ng Vitamin B12 na isang magandang bitamina para sa baga.
Bilang isang magandang bitamina para sa respiratory system, ang Vitamin B12 ay makakatulong sa katawan na makagawa ng malusog na red blood cells. Ang kakulangan ng Vitamin B12 ay nakakabawas ng mga red blood cells na sanhi ng anemia.Ang taong may anemia ay madaling mapagod at hirap sa paghinga.
Ipinakita ng ilang pag-aaral na ang sapat na antas ng Vitamin B12 sa dugo ay maaaring magpabuti ng mga problema sa paghinga. Maaari din nitong bawasan ang panganib ng kanser sa baga.
Beets
Ang matingkad na pulang kulay ng beetroot ay nagtataglay ng compounds na maaaring magpalakas sa baga.Ito ay mayaman sa nitrates na makakabenepisyo sa baga. Tinutulungan ng nitrates na makapag-relax ang blood vessels, magbawas ng blood pressure at mapadami ang oxygen sa katawan.
Lentils at black beans
Ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay nagtataglay ng mga magandang bitamina para sa baga. Ang mga lentils, black beans at peas ay mataas sa fiber, na maganda para sa iyong mga baga. Iminumungkahi ng pananaliksik na ang mga taong kumakain ng mas maraming fiber ay may mga baga na mas gumagana kaysa sa mga hindi kumakain ng maraming hibla.
Chia seeds, quinoa, peras, at broccoli
Ang mga pagkaing may mataas na fiber ay nakakapag protekta sa baga. Maaari nitong mabawasan ang panganib ng dami ng namamatay mula sa mga sakit na nauugnay sa baga. Ang mga antioxidant na matatagpuan sa buong butil tulad ng flavonoids at Vitamin E ay nagtataguyod din ng kalusugan ng baga at nagpoprotekta laban sa cellular damage.
Leafy Green Vegetables
Ang mga gulay na tulad ng Swiss chard, at spinach ay may magandang bitamina para sa baga. Maaari nitong pababain ang panganib ng pagkakaroon ng lung cancer. May isang pag-aaral na nagsasabing ang Chinese greens ay may benepisyo para dito dahil ito ay mayaman sa antioxidant na carotenoids.
[embed-health-tool-bmi]