backup og meta

Sakit sa Baga ng Hindi Naninigarilyo: Mga Uri at Sanhi

Sakit sa Baga ng Hindi Naninigarilyo: Mga Uri at Sanhi

sakit sa baga ng hindi naninigarilyo

Sa bawat tao na ang sakit ay sanhi ng paninigarilyo, mayroong 30 mga tao na namumuhay na may sakit na kaugnay nito. Ang paninigarilyo ay maaaring makapinsala ng buong cardiovascular system sa loob lamang ng ilang taon. Maaari itong maging sanhi ng maraming mga sakit tulad ng cancer sa baga at stroke, sakit sa puso at baga, at ilang mga nakamamatay na sakit. Ngunit hindi lamang mga naninigarilyo ang may banta ng pagkakaroon ng nakamamatay na sakit na sanhi ng paninigarilyo. Ang mga taong exposed sa usok ng sigarilyo ay may banta rin. Magbasa upang matutuhan ang tungkol sa sakit sa baga ng hindi naninigarilyo.

Paano Napipinsala ng Secondhand na Usok ang mga Hindi Naninigarilyo

sakit sa baga ng hindi naninigarilyo

Ang secondhand na usok ay ang exposure sa kombinasyon ng usok na mula sa sigarilyo at ang na-exhale na usok ng naninigarilyo. Walang bagay na risk-free na lebel ng exposure sa usok ng sigarilyo. Ang mga sakit sa baga ng hindi naninigarilyo at ibang kondisyon sa kalusugan ay maaaring epekto ng secondhand smoke, ang parehong mga sakit sa mga naninigarilyo ay minsan ay mas malala pa.

Sa mga hindi naninigarilyo, lalo na ang mga sanggol, bata, buntis, at mga matatanda sa kabuuan ay mas mataas ang banta sa palagiang exposure sa usok ng sigarilyo.

  • Ang mga sanggol at bata na exposed sa secondhand smoke ay may banta ng pagkakaroon ng maraming problema sa kalusugan kabilang ang mas madalas at malalang atake sa asthma, ang impeksyon sa tenga o respiratory infection at SIDS (Sudden Infant Death Syndrome).
  • Paninigarilyo habang buntis o exposed sa usok ng sigarilyo sa pang-araw-araw na maaaring humantong sa stillborns at pagkamatay ng sanggol.
  • Ang mga matanda na patuloy ang exposure sa usok ng sigarilyo habang nasa trabaho o bahay ay maaaring makaranas ng kanser sa baga, stroke, o coronary heart disease.

Kondisyon ng Kalusugan at Sakit sa Baga ng Hindi Naninigarilyo

Sa paglipas ng panahon, maraming mga banta sa kalusugan at mga sakit na kaugnay ng exposure sa secondhand na usok.

Epekto sa kalusugan sa mga bata:

  • Sintomas sa respiratory
  • Compromised lung function
  • Middle ear disease
  • Lower respiratory na sakit
  • Sudden Infant Death Syndrome

Epekto sa kalusugan ng mga matanda:

  • Sakit sa baga
  • Nasal irritation
  • Coronary heart disease
  • Epekto sa reproductive sa mga babae, tulad ng mababang timbang pagkapanganak
  • stroke

Nakaaapekto ang Secondhand Smoke sa Cardiovascular System

  • Ang exposure sa secondhand smoke ay nasa 25-30% na banta ng pagkakaroon ng sakit sa puso sa mga hindi naninigarilyo.
  • Ang mga hindi naninigarilyo ay maaaring magkaroon ng banta ng stroke sa 20-30%.
  • Maaaring humantong sa premature na pagkamatay ang exposure sa secondhand smoke dahil sa stroke o mga sakit sa puso.

Ang exposure sa secondhand smoke ay maaaring makaapekto rin sa dugo at blood vessels na maaaring humantong sa atake sa puso.

  • Kung pasukin ng usok ang iyong katawan, maaari itong makasagabal sa iyong vascular system kabilang ang iyong puso at dugo, na nagpapataas ng banta ng atake sa puso.
  • Maging ang maiksing exposure ay maaaring makapinsala sa iyong blood vessels, na nagiging sanhi ng platelet sa dugo na maging mas makapal. Ang mabilis na pagbabago na ito ay maaaring humantong sa atake sa puso at minsan ay maaaring ikamatay.

Maaaring Humantong sa Sakit sa Baga ng Hindi Naninigarilyo ang Exposure sa Usok ng Sigarilyo

Ang mga matanda na hindi kailanman humithit ng sigarilyo sa kanilang buhay ay may banta pa rin ng pagkakaroon ng kanser sa baga sa pagiging exposed lamang sa usok ng sigarilyo.

  • Ang patuloy na exposure ng hindi naninigarilyo sa secondhand smoke ay nasasagap ang dami ng kemikal at toxins na sanhi ng kanser sa baga ng mga naninigarilyo.
  • Maging ang maiksing exposure ng usok ng sigarilyo ay maaaring makapinsala sa cells na nakapagsisimula ng proseso ng paggalaw ng cancer.
  • Ang palaging exposure sa secondhand smoke sa bahay at sa trabaho ay nagpapataas ng banta ng kanser sa baga at pagkamatay dulot nito.
  • Tulad rin ng aktibong paninigarilyo, ang matagal na exposure na sa isang araw sa usok ng sigarilyo, ay mas mataas na banta ng pagkakaroon ng sakit sa baga ng hindi naninigarilyo.

sakit sa baga ng hindi naninigarilyo

Maaaring May Kaugnayan ang SIDS sa Secondhand Smoking

Ang SIDS o Sudden Infant Death Syndrome ay ang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa mga malulusog na sanggol. Ito ay biglaan at hindi inaakala, na walang kahit na anong hints ng problema sa kalusugan, literal na hindi maipaliwanag na pagkamatay ng sanggol sa kanilang unang taon. Gayunpaman, ang mga ebidensya ay nauugnay  sa SIDS sa secondhand smoking na nalikom sa maraming taon.

  • Ang mga babaeng naninigarilyo habang nagbubuntis ay maaaring mapataas ang banta ng SIDS sa kanilang mga anak.
  • Ang mga bagong silang na sanggol na exposed sa secondhand smoke ay mas mataas ang banta ng pagkakaroon ng SIDS
  • Mas makaapekto sa bahagi ng utak na nagkokontrol sa paghinga ang mga kemikal na matatagpuan sa usok ng sigarilyo.
  • Ang mga sanggol na namatay sa SIDS ay mas mataas ang dami ng nicotine na nakita sa kanilang baga kaysa sa mga sanggol na namatay sa ibang sanhi.

Sakit sa Baga ng Hindi Naninigarilyong mga Bata

Ang mga problema sa kalusugan na may kaugnay sa baga sa mga bata ay karaniwang iniuugnay sa secondhand smoking.

  • Ang mga batang ang mga magulang ay naninigarilyo ay nagkakaroon ng mas maliliit na baga kaysa sa mga normal na bata na hindi exposed sa nicotine na usok araw-araw. Mas maaari silang magkasakit nang mabilis kaysa sa normal. May banta rin sila na magkaroon ng bronchitis at pneumonia.
  • Ang pag-ubo at wheezing ay karaniwan sa mga bata na palaging exposed sa secondhand na usok.
  • Ang pang-araw-araw na exposure ng usok ng sigarilyo ay maaaring mag-trigger ng asthma. Maaaring makaranas ang bata ng labis at mas madalas na atake sa asthma. Sobrang mapanganib ng malalang atake sa asthma at minsan ay nakamamatay.
  • Ang mga batang namumuhay kasama ng naninigarilyo sa bahay ay karaniwang mayroong impeksyon sa tenga, mas maraming fluid sa mga tenga, at karaniwang kailangan na ma-drain sa pamamagitan ng ear tube surgeries.

Paano Mapoprotektahan ang Sarili mula sa Secondhand Smoke

Ang kaisa-isang paraan upang masiguro na mapoprotektahan ang sarili mula sa sakit sa baga ng hindi naninigarilyo ay magkaroon ng isang daang porsyento na walang usok na environment. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng:

Bilang matanda:

  • Kung ikaw ay nasa loob ng bahay, buksan ang mga bintana o propping fan sa pinto upang makatulong nang kaunti. Ngunit mayroon pa ring banta sa pagsinghot ng toxins mula sa usok kahit na mayroong maayos na bentilasyon. Mainam na hindi pahintulutan ang paninigarilyo sa loob ng kwarto.
  • Idistansya ang iyong sarili sa naninigarilyo. Mainam na lumayo mula sa taong naninigarilyo na nasa distansya na 9 na metro.
  • Magsuot ng mask o takpan ang iyong ilong at bibig kung bumabiyahe.
  • Huwag manatili sa lugar o lounge ng mga naninigarilyo.

Bilang isang buntis na nanay at matapos manganak:

  • Huwag manigarilyo o i-expose ang sarili sa secondhand smoke habang nagbubuntis.
  • Matapos na manganak, huwag hayaan na manigarilyo sa loob ng bahay o kahit na saan malapit sa sanggol.
  • Siguraduhin na mayroong maayos na bentilasyon sa kwarto ng sanggol at laging ilagay ang sanggol na nakatihaya habang natutulog.

Bilang mga magulang sa mga bata:

  • Iwasan ang usok ng sigarilyo kahit na saan sa loob ng iyong bahay o malapit sa iyong mga anak.
  • Huwag hayaan ang usok sa loob ng kotse kahit na bukas ang mga bintana.
  • Kailangan mong suriin ang paaralan ng iyong anak upang masiguro na tobacco-free
  • Kung kakain sa labas, siguraduhin na tignan kung mayroong polisiya na bawal manigarilyo.

Mahalagang Tandaan

Ang paninigarilyo ay pagpili. Bagaman maraming mga pag-iingat at babala na ibinigay sa mga taong lumipas, marami pa ring nahihirapan na ihinto ang paninigarilyo. Gayundin, ang pagtigil ay pagpili rin at journey ito na mas madali para sa iba. Ngunit mahalaga rin na malaman ang mga sakit sa baga ng hindi naninigarilyo. At mainam na panatilihin na malusog ang mga baga sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malusog na lifestyle.

Matuto pa tungkol sa pagpapanatili ng malusog na baga, rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Health Effects of Secondhand Smoke | CDC, https://www.cdc.gov/tobacco/data_statistics/fact_sheets/secondhand_smoke/health_effects/index.htm, Accessed July 17, 2021

Health Effects | Smoking & Tobacco Use | CDC, https://www.cdc.gov/tobacco/basic_information/health_effects/index.htm, Accessed July 17, 2021

9 of the Worst Diseases You Can Get from Secondhand Smoke | State of Tobacco Control, https://www.lung.org/research/sotc/by-the-numbers/9-diseases-secondhand-smoke, Accessed July 17, 2021

Secondhand Smoke (SHS) Facts | Smoking & Tobacco Use | CDC, https://www.cdc.gov/tobacco/data_statistics/fact_sheets/secondhand_smoke/general_facts/index.htm, Accessed July 17, 2021

Dangers of Secondhand Smoke: Risks and Prevention – Cleveland Clinic, https://www.cdc.gov/tobacco/data_statistics/fact_sheets/secondhand_smoke/general_facts/index.htm, Accessed July 17, 2021

Kasalukuyang Version

05/23/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Michael Henry Wanat

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Solusyon Sa Polusyon Sa Hangin Sa Loob Ng Bahay: Mga Dapat Iwasan

Hindi Gumagaling na Ubo: Paggamot at Pag-iwas sa Chronic na Ubo


Narebyung medikal ni

Michael Henry Wanat

Respiratory Therapy


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement