backup og meta

Kaalaman Tungkol sa Asthma: Sanhi, Sintomas, at Paggamot

Kaalaman Tungkol sa Asthma: Sanhi, Sintomas, at Paggamot

Kaalaman Tungkol sa Asthma

Sa Pilipinas, ang asthma ang isa sa pinaka karaniwang sakit sa baga. Isa sa pinakamahalagang kaalaman tungkol sa asthma ay ang mga taong may ganitong kondisyon ay karaniwang nakararanas ng kakapusan sa paghinga, pagkahapo, at pag-ubo na kadalasan ay mahuni. 

Ang asthma ay pangmatagalang kondisyon na hindi basta-basta nalulunasan, ngunit maaaring makontrol ang sintomas nito sa pamamagitan ng naaayon na gamot at lunas.

Karaniwan, kapag humihinga, ang hangin ay pumapasok sa ilong, at dumadaan sa lalamunan, at bumababa sa mga baga ng walang harang at problema sa daloy ng dinadaaanan ng hangin. Kapag may asthma, nagkakaroon ng hirap sa paghinga dulot ng baga na namamaga, kumikipot, at nagkakaroon ng plema.

Ang plema ay nabubuo bilang tugon ng katawan sa triggers na maaaring makuha sa labas o dahil sa kaakibat na sakit. Ito ay nakapagbabara sa daanan ng hangin, na nagpapalala ng asthma.

Mga Uri ng Asthma

Maaaring magkaroon ng asthma ang lahat ng edad ng tao bagaman karaniwan ito sa pagkabata. Noong 2016, iniulat na 6 na milyon na mga bata sa Pilipinas ay diagnosed ng chronic respiratory disease.

Dalawang Uri Base sa Onset

  1. Childhood. Kilala rin sa tawag na pediatric asthma, ito ay isang uri ng asthma na nakikita bago mag-edad na 5 ang bata.
  2. Adult-onset. Ang asthma na ito ay nabubuo sa mga matatanda, sa edad na 20.

Senyales at Sintomas ng Asthma

Ang mga sintomas ng asthma ay maaaring nasa mild hanggang malala, at karaniwang nama-manage sa pamamagitan ng gamot (kadalasan inhalers).

Konsultahin ang iyong doktor para sa pinakamainam na gamot upang planuhin ang lunas sa iyong mga sintomas. Narito ang ilan sa mga kaalaman tungkol sa asthma na kailangan mong malaman.

Kabilang sa mga sintomas ang:

Ubo

Dahil sa plema na nabubuo ng namamagang daanan ng hangin, ang panlaban o lunas ng iyong sistema upang tanggalin ang plema na ito ay sa pamamagitan ng pag-ubo.

Kakapusan sa Paghinga

Maraming mga plema ang ginagawa ng daanan ng iyong hangin kung ikaw ay diagnosed ng asthma.

Dahil dito, ang plema ay nakaharang sa daanan ng hangin papuntang baga. Nahihirapan na huminga at nagiging sanhi ng kakapusan sa paghinga.

Sakit sa Dibdib

Dahil nababara ang daanan ng hangin papunta sa baga ng maraming plema, hirap ang hangin na pumasok at lumabas sa baga ng maayos. Ito ay isa sa dahilan kung bakit may paninikip at sakit sa dibdib. 

Isa pang dulot ng pananakit ng dibdib ang mapwersang gamit ng kalamnan na nakapaligid sa dibdib tuwing umuubo kapag may asthma.

Wheezing

Ang wheezing ay nangangahulugang tunog na parang huni ng ibon na nanggagaling sa iyong dibdib. Ito ay nangyayari kung ang hangin ay dumadaan sa mga maga at maplemang daanan ng hangin, katulad ng nangyayari sa asthma. 

Karaniwang Triggers

Isa sa pinakamahalagang kaalaman tungkol sa asthma ay kung ikaw ay diagnosed ng pangmatagalang kondisyon na ito, asahan mo ang atake na maaaring mag-iwan ng pakiramdam na hindi makahinga at malalang pag-ubo at/o kakapusan sa paghinga.

Iba-iba ang triggers ng pasyenteng may asthma, ngunit narito ang ilan sa pinakakaraniwang triggers para sa inyong kaalaman:

  • Allergens (sa indoors at outdoors)
  • Dumi o irritants na nasa hangin
  • Ilang mga gamot 
  • Stress
  • Kondisyon ng panahon
  • Pagkain
  • Ibang kondisyon sa bagaViral respiratory illnesses

Mga Banta

Ang mga nasa ibaba ang mga salik na nagpapataas sa posibilidad na magkaroon ng malalang sakit na asthma:

  • Exposure sa iba’t ibang triggers sa iyong trabaho
  • Exposure sa polusyon sa hangin
  • Walang proteksyon mula sa secondhand smoke
  • Paninigarilyo
  • May allergies, mapa- sa balat o allergic rhinitis
  • Lahi sa pamilya ng asthma 

Diagnosis

Ang proseso ng pag-diagnose kung ikaw ay may asthma ay sa pamamagitan ng pagsusuri ng iyong doktor. Matapos ito, may mga tests din upang malaman ang kapasidad ng iyong mga baga na kumuha ng hangin papasok at palabas sa iyong katawan.

Ang spirometry ay test upang i-check kung gaano karaming hangin ang kaya mong i-inhale at i-exhale. Ang peak flow meter ay isang portable device na tumutukoy kung gaano ka epektibo ang pag-exhale ng mga baga.

Lunas

Sa kasamaang palad, walang gamot upang malunasan ang asthma, ngunit may mga paraan upang ma-alleviate ang mga sintomas. Irereseta ng doktor ang pangmatagalang kontrol ng gamot para sa iyo upang hindi na madalas na maranasan ang pag-atake ng asthma.

Gayundin, siguraduhin na magdala ng inhalers (na naireseta ng doktor) palagi, para kung sakaling magka-sintomas o atakihin, ito ay available at magagamit agad upang makahinga nang maayos at maginhawaan.

Management Tips

Maraming mga bagay na kailangan mong gawin upang i-manage ang asthma, ngunit kailangan mong maghintay upang hindi masyadong makaranas ng ganitong sakit.

  • Laging bisitahin ang doktor.
  • Huwag kaligtaan gamitin ang gamot ng ayon sa naireseta at naibilin ng doktor.
  • Maging maingat sa mga bagay na maaaring mag-trigger ng atake at iwasan ang mga ito.
  • Matuto na i-manage at lunasan ang atake ng asthma nang mag-isa kung sakaling maranasan mo ito nang walang ibang maaaring tumulong.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Asthma Symptoms https://acaai.org/asthma/asthma-symptoms Accessed 11 May 2020

What Causes Asthma? https://acaai.org/asthma/asthma-101/what-causes-asthma Accessed 11 May 2020

Asthma https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/asthma/symptoms-causes/syc-20369653 Accessed 11 May 2020

Asthma https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/asthma/diagnosis-treatment/drc-20369660 Accessed 11 May 2020

Kasalukuyang Version

10/26/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Kristel Lagorza


Mga Kaugnay na Post

Nawawala At Bumabalik Ba Ang Asthma? Bakit Ito Nangyayari?

Bawal Kainin Ng May Hika: Ano-ano Ito?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement