backup og meta

Ano ang Respiratory Depression o Mabagal na Paghinga?

Ano ang Respiratory Depression o Mabagal na Paghinga?

ano ang respiratory depression

Sa ngayon, ang mataas na bilang ng mga tao na sumasailalim sa hirap sa paghinga ay hindi na maitatanggi. Bagaman ang mga tao ay mabilis na akalain na ito ay COVID-19 na sintomas lalo na ngayong panahon na ito, maaari din itong ibang mga komplikasyon sa baga tulad ng respiratory depression. Gayunpaman, hindi lahat ng mga tao ay may ideya sa syndrome na ito. Alamin ano ang respiratory depression.

Ano ang Respiratory Depression?

Ang “respiratory depression” o “respiratory distress” ay tumutukoy sa kondisyon at problema tungkol sa kapasidad ng paghinga ng isang tao. Ang tiyak na uri nito ay kilala na Acute Distress Syndrome (ARDS).

Kahit na ito ay acute, ito ay kondisyon na may banta sa buhay kung saan ang mga baga ay hindi kayang makapagbigay ng sapat na oxygen sa mahalagang organs ng katawan. Ilan sa mga kaso ay dahil sa injury o infection sa bahagi ng baga na nagbibigay ng mas maraming banta at trauma paglipas ng panahon.

Dahil dito, ang ilang mga pasyente na diagnosed ng ARDS na naka-confine sa ospital ay nakararanas ng ibang mga sakit at komplikasyon na may kaugnay sa harang ng daanan ng hangin.

Ang tubig sa pinakamaliit na blood arteries sa mga baga ay nagsisimula na tumulo sa maliliit na air sacs (alveoli). Ito ang daanan kung saan ang pagpapalitan ng oxygen ay nangyayari sa maagang stage ng ARDS. Mula rito, ang paghinga ay mas mahirap kung ang mga baga ay lumiit at tumigas.

Nangyayari ang hypoxemia kung ang lebel ng oxygen sa dugo ay nabawasan at nauubusan ng oxygen ang katawan. Ito ay karaniwang humahantong sa pinsala sa utak at ibang bahagi ng tissue, maging ang organ failure.

Senyales at Sintomas ng Respiratory Depression

Ang mga pasyenteng mayroong ARDS ay mayroong tendensiya na huminga ng mas mabagal kaysa sa pangkaraniwan dahil hinahabol nila ang kakapusan sa paghinga. Ito ay hahantong sa pakiramdam ng discomfort at distress habang ginagawa ito.

Ilan sa mga kilalang senyales at sintomas na maaaring makita ay nakalista sa ibaba:

Mabilis na paghinga

Ang bilis ng paghinga kada minuto ay maaaring maagang konsiderasyon na tumutukoy sa hirap ng paghinga ng tao o kawalan ng kakayahan na magkaroon ng sapat na lebel ng oxygen.

Pagbabago ng kulay

Kung ang isang tao ay hindi nakakukuha ng sapat na oxygen, ang maputla o kulay blue na kulay ay makikita sa paligid ng kanyang bibig, sa loob ng mga labi, o sa mga kuko sa kamay.

Retractions

Isang paraan na mapapansin ay ang paraan ng dibdib na malubog sa ibaba ng leeg o sa ilalim ng buto sa dibdib o pareho. Ito ay nagpapakita ng pagtatangka na kumuha ng mas maraming hangin.

Nose flaring

Habang humihinga, ang opening ng ilong ay maaaring lumaki ng malawak, na senyales na ang tao ay nahihirapan na huminga.

Pagpapawis

Maliban sa mga pawis, ang balat ay makakaramdam ng clammy at cool. Ito ay normal na mararanasan kung humihinga ng mas mabilis kaysa sa normal.

Wheezing (maingay na paghinga)

Kada hinga ay maaaring mag-produce ng masikip, pito, o melodic na tunog, na nagpapakita na ang daanan ng hangin ay mas masikip, na mas nagpapahirap ng paghinga.

Pagbabago sa posisyon ng katawan

Ang isang tao ay maaaring biglaang magbago ng posisyon ng katawan upang huminga ng mas malalim. Ang ilan ay maaaring subukan na humilig pasulong o nakatagilid ang kanilang ulo pataas o maging patalikod.

Mga Sanhi at Ibang Salik ng Respiratory Depression

Mayroong ilang mga bilang ng sanhi na maaaring kaugnay ng ARDS ngunit ang ilan na mahalagang mabanggit ay:

  • Malapit na malunod na pangyayari
  • Acute pancreatitis
  • COVID-19
  • Overdose sa gamot
  • Pagsinghot ng toxic substances
  • Pneumonia
  • Reactions sa blood transfusions
  • Sepsis
  • Malalang influenza
  • Trauma mula sa karanasan ng upper extremity injuries (hal. ulo, dibdib, mga baga)

Diagnosis

Kung inaakalang mayroong respiratory depression, ang doktor ay maaaring magsagawa ng ilang tests at pagsusuri upang matukoy ang kondisyon. Ito ay upang maalis din ang mga alternatibong posibilidad na mayroon sa mga sirkumstansya.

  • Masinsinang pisikal na eksaminasyon
  • Series ng blood tests
  • CT-scan
  • Chest X-ray
  • Echocardiogram

Mahalagang Tandaan

Tulad ng kaso ng COVID-19, ang ARDS ay hindi kaagad nalulunasan. Kailangan ng mahabang panahon at effort upang mag-recover mula sa diagnosis. Ito ay higit na mahalaga upang panatilihin na malakas ang iyong mga baga at maging immune sa kahit na anong uri ng respiratory na sakit na maaaring humantong sa hindi maipaliwanag na distress.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Respiratory dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acute Respiratory Distress Syndrome, https://www.nhs.uk/conditions/acute-respiratory-distress-syndrome/ Accessed September 9, 2021

Acute Respiratory Distress Syndrome (ARDS), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15283-acute-respiratory-distress-syndrome-ards Accessed September 9, 2021

Acute Respiratory Distress Syndrome, https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/acute-respiratory-distress-syndrome Accessed September 9, 2021

Signs of Respiratory Distress, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/signs-of-respiratory-distress Accessed September 9, 2021

Respiratory Distress, https://www.nationwidechildrens.org/conditions/respiratory-distress Accessed September 9, 2021

Acute Respiratory Distress Syndrome (ARDS), https://www.lung.org/lung-health-diseases/lung-disease-lookup/ards Accessed September 9, 202

Kasalukuyang Version

06/13/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Dapat Gawin sa Bronchitis ng Buntis?

Hindi Gumagaling Na Ubo, Ano Ang Posibleng Sanhi? Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement