backup og meta

Ano Ang Mga Bagay Na Makapagpapataas Ng Panganib Ng Sakit Sa Puso?

Ano Ang Mga Bagay Na Makapagpapataas Ng Panganib Ng Sakit Sa Puso?

Ang mga pinakamahalagang salik pangkaugalian kaugnay ng sakit sa puso at stroke ay ang hindi malusog na diet, kawalan ng pisikal na gawain, paninigarilyo, at sobrang pag-inom ng alak. Ang mga ito na panganib ng sakit sa puso ay maaaring maging sanhi ng altapresyon, mataas na lebel ng sugar, mataas na lebel ng blood lipid, o pagiging overweight o obese. Anu-ano pa ang mga panganib ng sakit sa puso? Alamin sa artikulong ito.

Mga Panganib Ng Sakit Sa Puso: Mga Medikal Na Kondisyon

Ang altapresyon, mataas na lebel ng low-density lipoprotein (LDL) na cholesterol, diabetes, paninigarilyo at pagiging lantad sa usok ng sigarilyo, obesity, hindi malusog na diet, at kawalan ng pisikal na gawain ay ang mga mahahalagang panganib ng sakit sa puso at stroke. 

Altapresyon

Kung ang pressure ng dugo sa iyong arteries at sa iba pang mga ugat na daluyan ng mga dugo ay masyadong mataas, nangangahulugan ito ikaw ay may altapresyon. Kung hindi ito makokontrol, maaari nitong masira ang iyong puso. Maaari din nitong maapektuhan ang iba pang mahahalagang organs tulad ng bato at utak. Ang altapresyon ay isa rin sa mga pangunahing panganib ng sakit sa puso.

Ang tanging paraan upang malaman kung ikaw ay may altapresyon ay ang pagsukat nito sa pamamagitan ng sphygmomanometer. Maaaring mapababa ang pressure ng dugo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagbabago sa paraan ng pamumuhay o pag-inom ng gamot upang mapababa ang panganib ng sakit sa puso. Ang altapresyon ay kadalasang itinuturing na “silent killer” dahil kadalasan wala itong mga sintomas.

Mataas Na Lebel Ng Cholesterol

Ang cholesterol ay waxy, tila taba na molecule na pinoprodyus ng atay o matatagpuan sa ilang mga pagkain. Bagama’t ang atay ay nagpoprodyus ng sapat na dami nito na angkop sa ating pangangailangan, madalas itong nadaragdagan dahil tayo ay kumakain ng mga pagkaing nagtataglay ng cholesterol.

Kung kumukunsumo tayo ng mas maraming cholesterol kaysa sa kailangan ng ating katawan, ang mga karagdagang cholesterol ay maaaring mamuo sa walls ng ating arteries, kasama na ang nagsusuplay sa ating puso. Ito ay nagreresulta sa pagkitid ng artery at paghina ng daloy ng dugo sa puso, utak, bato, at iba pang organs.

Ang pagsusuri ng cholesterol ay ang tanging paraan upang malaman kung ikaw ay may mataas na lebel ng cholesterol. Maaaring magsagawa ng mabilis na pagsusuri ng dugo na tinatawag na “lipid profile” ang iyong doktor upang matukoy ang iyong high-density lipoprotein (mabuting cholesterol), low density lipoprotein (masamang cholesterol), at triglycerides.

Diabetes

Ang hormone insulin, na pinoprodyus ng pancreas, ay nakatutulong sa pagdala ng glucose mula sa pagkaing iyong kinain papunta sa cell ng katawan upang magkaroon ng lakas. Kung ikaw ay may diabetes, maaaring ang iyong katawan ay hindi nagpoprodyus ng sapat na dami ng insulin o hindi nito nagagamit ang sarili nitong insulin.

Ang sugar ay namumuo sa dugo na nagreresulta ng diabetes. Ang mga nakatatandang may diabetes ay maaaring mamatay dahil sa sakit sa puso kaysa sa mga nakatatandang wala nito. Kumonsulta sa iyong doktor upang malaman kung paano makontrol at maiwasan ang diabetes, maging ang iba pang mga panganib.

Obesity

Ang obesity, na tinatawag ding sobrang taba sa katawan, ay may kaugnayan sa mas mataas na lebel ng “masamang” cholesterol at triglycerides, at mababang lebel ng “mabuting” cholesterol. Maaari din itong maging sanhi ng altapresyon, diabetes, at sakit sa puso.

[embed-health-tool-bmi]

Metabolic Syndrome

Ang metabolic syndrome ay tumutukoy sa grupo ng mga kondisyong nangyayari nang magkakasabay. Ito ay nakapagpapataas din ng panganib ng sakit sa puso, type 2 diabetes, at stroke. Kabilang sa mga kondisyong ito ang sobrang taba sa katawan, mataas na lebel ng sugar, altapresyon, at hindi normal na lebel ng  triglycerides o cholesterol.

Iba Pang Mga Panganib Ng Sakit Sa Puso

Bukod sa mga nabanggit na mga medikal na kondisyon, mahalagang tandaan na importante rin ang paraan ng pamumuhay. Ang paninigarilyo, diet, dietary supplements, pag-inom ng alak, pisikal na gawain, at postmenopausal hormone therapy ay itinuturing ding mga panganib ng sakit sa puso.

Paano Nakaaapekto Ang Family History At Genetics?

Paano maaaring makaapekto ang family history at genetics sa panganib ng sakit sa puso? Ang heredity ay ang mekanismo kung saan ang genes ay ginagamit upang maipasa ang mga katangian mula sa isang henerasyon patungo sa kasunod. At ito ay maaaring may ilang epekto sa pagkakaroon ng altapresyon, sakit sa puso, at iba pang mga kaugnay na sakit.

Gayunpaman, maaari ding ang mga may family history ng sakit sa puso ay nagsasalo sa shared settings at iba pang mga salik na maaaring makapagpataas ng panganib ng mga ito. Ang mga salik na may kaugnayan sa genetics ay tiyak na bahagyang nakaaapekto sa pagkakaroon ng altapresyon, sakit sa puso, at iba pang mga kaugnay na sakit.

Kung ang mga masasamang gawi tulad ng paninigarilyo at hindi mabuting diet ay sumabay sa genetics, ang panganib ng sakit sa puso ay maaaring mas tumaas pa.

Mga Panganib Ng Sakit Sa Puso: Edad at Kasarian

Ang mga kalalakihan ay mas mataas na tyansang magkaroon ng coronary heart disease kaysa sa mga kababaihan. Gayundin, mas nagkakaroon din sila ng cardiovascular na sakit sa murang edad. Gayunpaman, ang stroke ay mas karaniwan sa mga nakatatanda at mas nakaaapekto sa mga kababaihan.

Ang sakit sa puso ay ang pinakasanhi ng kamatayan sa parehong mga kalalakihan at kababaihan. Ito ay maaaring mangyari anomang edad subalit mas maaaring maranasan habang tumatanda. Ang atake sa puso, strokes, coronary heart disease, at heart failure ay lubhang mas karaniwan sa mga matatandang nasa edad 65 pataas kaysa sa mga nakababata. Sa milyon-milyong mga nakatatanda, ang sakit sa puso ay ang pangunahing sanhi ng kanilang paghina, na dahilan upang malimitahan ang kanilang kakayahang gawin ang mga bagay-bagay at napabababa ang kalidad ng kanilang buhay.

Bagama’t ang pagtanda ay maaaring humantong sa mga pagbabago sa puso at mga ugat na daluyan ng dugo, ang normal na pagtanda ay hindi lubhang nakaaapekto sa tibok ng puso (bilang ng pagtibok ng puso kada minuto). Halimbawa, habang ikaw ay tumatanda, ang iyong puso ay hindi tumitibok nang mabilis tuwing nagsasagawa ng mga pisikal na gawain o kung nakararanas ng nakaka-stress na pangyayari kumpara noong ikaw ay mas bata pa.

Ang magandang balita ay may mga paraan upang maantala, mapababa, maiwasan, o mabaliktad ang panganib nito.

Mga Panganib Ng Sakit Sa Puso: Lahi At Etnisidad

Ang sakit sa puso ay ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga pinakapangunahing lahi at etnisidad sa United States, kabilang na ang African Americans, American Indians, at Alaska Natives. Para sa mga Asian Americans, Pacific Islanders, at Hispanics, ikalawa lamang ang sakit sa puso at una ay ang cancer.

Key Takeaways

Maaari mo bang makontrol ang panganib ng sakit sa puso? Maraming mga kaso ng sakit sa puso ang maaaring maiwasan, subalit karamihan ay hindi nalulunasan. Sa maraming mga kaso, maaaring makontrol ang sakit sa puso at makapamuhay nang mabuti; makipagtulungan sa iyong doktor. Ang ilang mga kondisyon sa puso, tulad ng arrhythmias at valve disorders, ay may reaksyon sa gamutan at hindi nangangailangan ng ibayong pagkontrol. Sa kabilang banda, ang coronary artery disease at heart failure ay mga malulubhang sakit na kailangang kontrolin habambuhay. Kumonsulta sa iyong doktor para sa pinakamainam na gamutan.

Matuto pa tungkol sa Sakit sa Puso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart Disease: Risk factors, https://www.cdc.gov/heartdisease/risk_factors.htm, Accessed September 1, 2022

National diabetes statistics report, https://www.cdc.gov/diabetes/pdfs/data/statistics/national-diabetes-statistics-report.pdf, Accessed September 1, 2022

Leading causes of death and numbers of deaths, by sex, race, and Hispanic origin: United States, 1980 and 2016, https://www.cdc.gov/nchs/data/hus/2017/019.pdf, Accessed September 1, 2022

What is heart disease, https://www.heartfoundation.org.au/bundles/your-heart/what-is-heart-disease, Accessed September 1, 2022

Heart disease, https://www.cdc.gov/heartdisease/index.htme, Accessed September 1, 2022

Metabolic syndrome, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/metabolic-syndrome/symptoms-causes/syc-20351916#:~:text=Metabolic%20syndrome%20is%20a%20cluster,abnormal%20cholesterol%20or%20triglyceride%20levels., Accessed on September 13, 2022

Kasalukuyang Version

10/28/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Lauren Labrador, MD, FPCP, DPCC

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano ang mga Posibleng Komplikasyon ng Rheumatic Heart Disease?

Pag-iwas sa Atake sa Puso: Mga Dapat at Hindi Dapat Kainin


Narebyung medikal ni

Lauren Labrador, MD, FPCP, DPCC

Cardiology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement