backup og meta

Ano ang mga Posibleng Komplikasyon ng Rheumatic Heart Disease?

Ano ang mga Posibleng Komplikasyon ng Rheumatic Heart Disease?

Ang rheumatic heart disease (RHD) ay nade-develop kapag ang acute rheumatic fever (ARF) ay nagdulot ng permanenteng pagkakapilat at pinsala sa mga balbula ng puso. Ang mga balbula ng puso ay tumutulong na itulak ang dugo sa mga chamber ng puso at sa iba pang bahagi ng katawan. Gayunpaman, ang mga balbulang nasira ng RHD ay maaaring maging sanhi ng pagdaan ng dugo sa maling direksyon at makaapekto sa sistema ng sirkulasyon. Ang puso na hindi epektibong makapagbomba ng dugo ay maaaring humantong sa hindi magandang prognosis at komplikasyon ng rheumatic heart disease.

Ano ang mga posibleng prognosis at komplikasyon ng rheumatic heart disease? 

Ang mga komplikasyon ng RHD ay marami. Ngunit karamihan sa mga ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng wastong pangangalaga at medikal na atensyon.

Narito ang ilang sintomas at komplikasyon ng rheumatic heart disease na dapat mong bantayan.

Heart failure

Ang pagkaka-peklat at nasirang mga balbula na lubhang makitid o tumatagas ay nagpapahirap sa puso na mag-pump ng sapat na dugo para sa buong katawan. Kung ang puso ay hindi gumagana nang maayos, maaari itong humantong sa pagbuild-up ng mga likido sa baga at katawan. Ang fluid build-up na ito ay maaaring magdulot ng kahirapan sa paghinga, pamamaga ng tiyan, binti at bukung-bukong, at panghihina at madaling pagkapagod.

Mahalaga ang agarang paggamot upang maiwasan ang paglala ng mga sintomas ng komplikasyon ng rheumatic heart disease. At maiwasan ang kapansanan o kamatayan. Ito ay isa sa mga nakapipinsalang prognosis at komplikasyon ng rheumatic heart disease. Nangangailangan ito ng agarang medikal na atensyon.

Stroke

Nangyayari ang stroke kapag ang isang bahagi ng utak ay hindi nakakatanggap ng sapat na suplay ng dugo. Mayroong dalawang paraan na maaaring mangyari ang stroke:   

  • Hemorrhagic stroke. Pumutok ang blood vessel
  • Ischemic stroke. Ang namuong dugo ay humaharang sa isang daluyan ng dugo.

Mayroong mas mataas na panganib sa ischemic stroke sa mga taong may RHD. Ito ay dahil ang blood clots na nabubuo sa puso ay maaaring makagambala sa daloy ng dugo sa mga bahagi ng utak. Ang stroke ay isa sa mga prognosis at komplikasyon ng rheumatic heart disease na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng gamot. Ang mga taong may RHD ay maaaring resetahan ng blood thinners upang mabawasan ang kanilang pagkakataong magkaroon ng stroke.

Arrhythmia

Ang atrial fibrillation (AF), isang abnormal na ritmo ng puso, ay uri ng arrhythmia kung saan nanginginig ang atria sa halip na tumitibok. Maaaring magdulot ng mga pagbabago sa hugis ng puso ang pinsala sa mga balbula. Kaya naman ang mga taong may RHD ay may mas mataas na panganib ng AF. 

Ang AF ay naiuugnay sa iba pang hindi kanais-nais na prognosis at mga komplikasyon ng rheumatic heart disease. Maaari itong magdulot ng kakapusan sa paghinga pati na rin ang palpitations, at humantong sa pagpalya ng puso. Maaaring tumaas ang panganib ng stroke dahil sa AF.

Bacterial Endocarditis

Ang Infective Endocarditis (IE) ay bacterial infection ng inner lining ng puso, kadalasan sa heart valve. Ang IE ay mas malamang na mangyari sa mga peklat o nasirang mga balbula dahil sa RHD.

Maaaring magdulot ng lagnat ang IE at nagpapahirap sa puso na magbomba ng dugo nang mahusay. Maaaring maging mahirap ang pag-diagnose ng IE dahil hindi ito tumutugon nang maayos sa paggamot sa antibiotic.

Mahalagang bahagi ng pamamahala ng RHD ang pagpapababa sa panganib nito. Sa kabutihang-palad, ang IE ay isa sa mga prognosis at komplikasyon ng rheumatic heart disease na maiiwasan sa pamamagitan ng pagsunod sa mabuting dental hygiene. Ang bibig ay madalas kung saan ang IE-causing bacteria ay pumapasok sa katawan. Ang pagsasagawa ng mahusay na dental hygiene  ay maaaring makabawas sa panganib.

Mga komplikasyon ng RHD sa pagbubuntis at panganganak

Ang mga buntis ay may mas mataas na risk na magkaroon ng poor prognosis at komplikasyon ng rheumatic heart disease.

Ang mga buntis na may RHD at nasa labor ay may mas mataas na pagkakataong magkasakit at ang kanilang buhay ay nasa panganib. Kapag ang isang babae ay buntis o nasa labor, ang puso niya ay kailangang magtrabaho ng mas higit pa upang makayanan ang mga pagbabago sa katawan. Ang isang pusong apektado ng RHD ay maaaring magkaroon ng problema sa pag-adjust sa mga pagbabagong ito, at humantong sa pagpalya ng puso.

Maaaring mahirap matukoy kung ang isang babae ay nakakaranas ng rheumatic heart disease complications, sintomas ng heart failure, o nasa stage pa lang siya ng late pregnancy. Kung ang pagpalya ng puso ay hindi ginagamot, maaari itong humantong sa pagbagsak ng cardiovascular o kamatayan.

Ang mga babaeng sumasailalim sa heart valve surgery at ang mga may metal heart valves ay nasa panganib ng matinding pagdurugo. Ito ay dahil sa blood-thinning medications na maaaring ireseta sa panahon ng pagbubuntis. Ang mga gamot na ito ay maaari ring makaapekto sa pag-unlad ng hindi pa isinisilang na bata. Pinakamabuting kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa mga ito kung ikaw ay buntis.    

Paano magagamot ang poor prognosis at komplikasyon ng rheumatic heart disease?

Karamihan sa mga kaso, ang pinsala sa mga balbula ng puso ay hindi maaaring i-reverse. Ang mga paggamot ay inirereseta upang maiwasan ang madagdagan ang pinsala sa mga balbula ng puso. At ma-manage ang mga sintomas ng komplikasyon ng rheumatic heart disease. 

Para sa heart failure. Diuretics ang mga gamot para maiwasan ang pagpalya ng puso. Ang mga ito ay nag-uudyok sa mga bato na gumawa ng mas maraming ihi upang makatulong sa pag-flush at bawasan ang dami ng likido sa katawan. Ang mga diuretic na gamot ay kadalasang tableta. Pero ang ilang mga pasyente ay maaaring kailangang pumunta sa ospital upang matanggap ang gamot sa pamamagitan ng intravenous drip.

Para sa arrhythmia. Mayroong ilang mga gamot na magagamit na nakakatulong na panatilihin ang tibok ng puso sa normal na bilis at ritmo. 

Anticoagulation medications. Ang anticoagulation medications o blood-thinning medication, ay nakakabawas ng tyansang magkaroon ng pamumuo ng dugo sa puso ng mga taong may RHD. 

Operasyon sa puso. Maaaring kailanganin ang operasyon sa puso sa ilang mga kaso ng advanced RHD kung sa tingin ng doktor ay kailangang ayusin ang mga balbula na nasira bilang resulta ng RHD.

Pamumuhay na may komplikasyon ng rheumatic heart disease

Normal na mag-worry o mag-alala pagkatapos ma-diagnose na may RHD. Lalo na ang pag-alam at pag-unawa sa posibleng prognosis at komplikasyon ng rheumatic heart disease. Gayunpaman, salamat sa advancement ng science at medisina. Maraming paraan upang matagumpay na pamahalaan ang RHD at maiwasan ang paglala ng mga sintomas. Kumunsulta sa iyong doktor para sa posibleng paggamot at anumang iba pang alalahanin na maaaring mayroon ka tungkol sa kalusugan ng iyong puso at pangkalahatang kondisyon.     

Matuto pa tungkol sa rheumatic heart disease, dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Complications of RHD https://rhdaction.org/what-rhd/complications-rhd Accessed August 10, 2020

Rheumatic Heart Disease https://www.heartandstroke.ca/heart/conditions/rheumatic-heart-disease Accessed August 10, 2020

Rheumatic Heart Disease https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=85&ContentID=P00239 Accessed August 10, 2020

Rheumatic Fever https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/rheumatic-fever/symptoms-causes/syc-20354588 Accessed August 10, 2020

Rheumatic Heart Disease https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/rheumatic-heart-disease Accessed August 10, 2020

Kasalukuyang Version

05/03/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang mga Senyales ng Atake sa Puso?

Pag-iwas sa Atake sa Puso: Mga Dapat at Hindi Dapat Kainin


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement