Ang valsalva maneuver ay isang simpleng breathing technique at may maraming benepisyo sa kalusugan. Ito ay may napatunayang siyentipikong mga benepisyo sa medisina. Ang teknik ng paghinga, kapag ginawa nang tama, ay nakakatulong na gawing normal ang tibok ng puso at blood pressure.Alamin dito kung ano ang valsalva maneuver.
Karaniwang inirerekomenda ito sa mga indibidwal na may mga isyu tulad ng biglaang pagbabago sa tibok ng puso o nakakaranas ng airplane ear. Ito ay maaaring gawin anumang oras kahit saan. Para magawa ito kailangan mo lamang punan ang iyong bibig ng hangin at pigilin ang paghinga. Pagkatapos ay harangan ang iyong ilong gamit ang iyong mga daliri at huminga. Ang simpleng ehersisyo na ito ay nakakatulong upang makontrol ang iyong mga tibok ng puso.
Ang Valsalva maneuver breathing technique ay ipinangalan kay Antonio Maria Valsalva, isang Italian physician noong ika-17 siglo. Pangunahing interes ni Valsalva ang tainga ng tao. Tinukoy niya ang Eustachian tube at ang maneuver upang suriin ang pagiging bukas at ang paggamit nito upang maglabas ng likido mula sa gitnang tainga.
Ano ang mga gamit ng Valsalva maneuver
Ano ang Valsalva maneuver? Maraming benepisyo ang Valsalva maneuver. Maaaring irekomenda ng iyong doktor na gawin mo ang teknik na ito ng paghinga para sa dalawang dahilan. Ito ay upang ayusin ang heart rate at blood pressure.
Ano ang Valsalva maneuver: Upang gamutin ang abnormal na tibok ng puso
Ang valsalva maneuver ay karaniwang inirerekomenda sa mga pasyenteng may supraventricular tachycardia (SVT). Isa itong malawak na termino na ginagamit upang tukuyin ang mga kondisyon kung saan mayroon kang abnormal na tibok ng puso. Ang karaniwang sintomas ng SVT ay palpitations ng puso. Hindi lahat ng pasyenteng may SVT ay nakakaranas ng mga sintomas. Ang pagsasanay ng Valsalva maneuver kapag naranasan mo ang mga sintomas ay nakakatulong na maibalik ang normal na tibok ng puso. Maaaring kailanganin mong ulitin ang proseso ng dalawa hanggang tatlong beses para sa mga epektibong resulta.
Ano ang Valsalva maneuver: Upang gamutin ang baradong tainga
Nakatutulong ang breathing technique upang gamutin ang bara sa Eustachian tube sa iyong gitnang tainga. Nakatutulong din ito na magamot ang airplane ear.
Ang airplane ear ay kondisyon kung saan nakakaranas ka ng pananakit o pagsisikip sa mga tainga, sa panahon ng pag-take-off at paglapag ng mga eroplano. Nangyayari ito dahil sa biglaang pagbabago sa altitude at pressure ng hangin. Ang Valsalva maneuver ay nakakatulong upang mapawi ang sakit at pagsisikip sa pamamagitan ng paglalagay ng pressure sa Eustachian tube.
Upang makita ang pinsala sa cervical spine
Ang teknik sa paghinga ay nakakatulong din na matukoy kung mayroon kang pinsala sa cervical spine. Ito ay unti-unting naglalagay ng pressure sa gulugod o spine. Kung mayroon kang anumang pinsala maaari kang makaranas ng tindi ng sakit sa napinsalang bahagi.
Habang nag-i-scuba diving
Ito ay non-medical use ng Valsalva maneuver. Ang breathing technique ay ginagamit ng mga scuba diver dahil nakakatulong ito upang buksan ang Eustachian tube na may banayad na pressure at balansehin ang pressure sa gitnang tainga.
Habang nagbubuhat ng heavy weights
Ginagamit ito ng mga weightlifter habang nagbubuhat sila ng heavy weights. Ang pamamaraan ay nakakatulong upang magbigay ng enerhiya at balanse sa dibdib.
Paano ginagawa ang Valsalva maneuver?
Paano ginagawa ang Valsalva maneuver? Ito ay simple at kailangan mo lang sundin ang apat na hakbang na ito.
- Umupo sa komportableng posisyon at mag-relax.
- Huminga ng malalim, punan ang iyong bibig ng hangin, at isara ang iyong bibig.
- Ngayon isara ang iyong ilong gamit ang iyong mga daliri.
- Subukang huminga o mag-breathe out na may pressure o umire.
Gawin ang maneuver nang hindi bababa sa 15 segundo.
Kung ito ay hindi epektibo, magpahinga ng dalawang minuto at ulitin.
Phases ng Valsalva maneuver
Mayroong apat na phase ng Valsalva maneuver. Ang mga ito ay:
Phase 1 – Sa unang yugto, habang humihinga ka gamit ang mga saradong daanan ng hangin ay may pagtaas sa presyon ng dugo. Walang epekto sa rate ng puso. Ito ang simula ng teknik ng paghinga, kapag huminga ka gamit ang mga saradong daanan ng hangin ito ay nagpapataas ng presyon sa dibdib. Pinipilit ng presyon na ito ang dugo palabas ng respiratory system papunta sa kaliwang atrium.
Phase 2 – Sa ikalawang yugto, mayroong pagbaba sa dami ng dugo na ibinobomba ng iyong puso. Ang pagbaba na ito ay nangyayari dahil sa sobrang pressure sa chest cavity na nagpapahirap sa dugo na bumalik sa dibdib mula sa iba pang bahagi ng katawan kabilang ang puso. Upang balansehin ito, ang mga daluyan ng dugo ay kumikitid at ito ay nagreresulta sa pagtaas ng blood pressure. Ang pagtaas ng blood pressure ay constant hanggang sa matapos ang breathing technique.
Phase 3 – Ang ikatlong yugto ay nangyayari kapag ipinagpatuloy mo ang iyong normal na paghinga. Sa yugtong ito, ang iyong blood pressure ay bumababa nang saglit.
Phase 4 – Sa ikaapat na yugto, ang daloy ng dugo at rate ng puso ay bumabalik sa normal.
Mga Babala
- Isang pangunahing side effect ng Valsalva maneuver ay maaari itong maging sanhi ng hypotension. Dahil habang ginagawa ito maaari kang makaranas ng matinding pagbaba ng blood pressure, maaaring mawalan ng malay.
- Kahit na sinasabing ang Valsalva maneuver ay gumagamot sa abnormal heart rate, hindi ito dapat gamitin upang gamutin ang lahat ng uri ng mga karamdaman sa puso. Ito ay maaaring magdulot ng ilang malubhang epekto kung hindi naisasagawa nang maayos.
- Iwasan ito kung mayroon kang hypertension. Ang exercise na ito ay maaaring magpataas ng panganib mo ng heart attack o stroke.
- Iwasan din ito kung mayroon kang anumang mga isyu sa mga mata o nagkaroon ng anumang operasyon sa mata. Ito ay maaaring magbigay ng stress sa mga mata.
- Humingi ng tulong medikal kung nakakaranas ka ng supraventricular tachycardia (SVT) at hindi bumubuti ang pakiramdam mo sa pamamaraang ito. Kahit sa mga seryosong kaso, kapag nahihirapang huminga o matinding pananakit ng dibdib, ipinapayo na agad na humingi ng medikal na tulong.
- Gawin ito nang may pag-iingat kung mayroon kang damaged eardrum o may history ng mga sakit sa tainga. Dahil ang ehersisyo ay nangangailangan ng paghinga na may pressure. Maaari itong magpalala sa iyong kondisyon.
- Ano ang Valsalva maneuver? Kahit na ito ay may mga napatunayang benepisyo, dapat muna itong gawin na may gabay ng healthcare professional. Kung alam mo kung paano ito gawin nang tama, makatutulong ito sa iyo na gamutin ang abnormal heart rate sa ligtas na paraan.
- Kung may history ng abnormal heart rate pero hindi inirerekomenda ng iyong doktor ang ehersisyo, tanungin siya kung ito ay angkop para sa iyo. Tanungin din kung mayroong anumang potential side effects na maaari maranasan.
- Kung mayroon kang anumang kasalukuyang medical condition, kausapin ang iyong doktor bago isagawa ang breathing exercise.
[embed-health-tool-bmi]