backup og meta

Sanhi ng Aortic Aneurysm: Mga Dapat Mong Malaman

Sanhi ng Aortic Aneurysm: Mga Dapat Mong Malaman

Tumutukoy ang Aneurysm sa paghina ng artery na dahilan upang lumobo at pumutok ito. Ang Aortic aneurysms ay partikular na tumutukoy sa isang aneurysm sa aorta, o ang large artery sa puso. Kapag pumutok ito, nagdudulot ang aortic aneurysm ng mga seryosong problema sa kalusugan, o pagkamatay. Alamin pa ang mga sanhi ng aortic aneurysm dito.

Mga Sanhi ng Aortic Aneurysm

Maraming bagay ang nagdudulot ng aortic aneurysm. Narito ang ilan sa mga posibleng sanhi:

Atherosclerosis

Sa ngayon, ang atherosclerosis ang nangungunang sanhi ng aortic aneurysms. Responsable ito sa tinatayang 80% ng mga kaso. 

Tumutukoy ito sa kondisyon kung saan ang mga artery ay nagsisimulang tumigas na resulta ng pamumuo ng cholesterol at taba. Dahan-dahang nangyayari ang pamumuong ito, kaya’t karamihan sa mga pasyenteng may atherosclerosis at aortic aneurysm ay nasa edad 65 o higit pa.

Dagdag pa, nakapagpapataas din ng panganib na magkaroon ng atherosclerosis ang high blood pressure. Hindi naman bago para sa mga pasyenteng may atherosclerosis ang magkaroon ng high blood pressure. At ang pagkakaroon ng high blood pressure ay nakapagpapataas ng panganib ng aortic aneurysms.

Kapag may atherosclerosis ang pasyente, nagsisimulang masira ang estruktura ng apektadong mga ugat. Ito ang nagpapahina sa estruktura nito at naglalapit sa posibilidad ng paglobo o sa aneurysm. Kasabay ng high blood pressure, maaari itong magdulot ng lalong paglobo ng aneurysm at posibilidad na pagputok. Nakamamatay ito kung hindi agad magagamot.

Genetics

Hindi lang pangmatanda ang aortic aneurysm. Posible ring magkaroon nito ang mga nasa batang edad na may ilang mga genetic condition at makaranas din ng aneurysm. 

Ang mga taong may Marfan syndrome, isang kondisyong nagpapahina ng connective tissue sa katawan, ay mas malapit na magkaroon ng aneurysms.

Kabilang ang Ehlers-Danlos, Loeys-Dietz at Turner syndromes sa iba pang mga genetic condition na maaaring magdulot ng aortic aneurysm. Ang ganitong mga kondisyon ay may parehong epekto dahil pinahihina nito ang connective tissue sa katawan, na maaaring maging sanhi ng aortic aneurysms. Nagpapataas din ng panganib ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon ang family history ng aortic aneurysm.

Preexisting medical conditions

Ang iba pang medikal na kondisyon ay maaaring maging posibleng sanhi ng aortic aneurysm. Sa partikular, ang Takayasu arteritis at giant cell arteritis ay maaaring maglagay sa isang tao sa panganib ng aortic aneurysm.

Ang Takayatsu at giant cell arteritis ay mga naiibang kondisyon na nagdudulot ng pamamaga ng mga blood vessel. Ito ang nagpapahina ng aortic artery, na pwedeng mauwi sa aneurysm. Kailangang magsagawa ng pag-iingat ang mga taong may ganitong mga kondisyon upang mapababa ang panganib ng aneurysm. 

Mga problema sa balbula ng puso

Posible para sa mga taong may problema sa balbula ng puso ang magkaroon ng mataas na panganib ng aortic aneurysms. Sa partikular, ang mga taong ipinanganak na may bicuspid aortic valve (aortic valve na mayroon lamang 2 flaps) ay may mataas na panganib ng aortic aneurysms.

Paninigarilyo

Nakapagpapataas ng panganib ng aortic aneurysms ang paninigarilyo. Direktang may kaugnayan ang panganib nito sa bilang mga taong naninigarilyo at nababawasan sa mga taong kasunod na pagtigil sa paninigarilyo. Ito ay dahil direktang napipinsala ng paninigarilyo at ang mga kemikal nito ang mga blood vessel, kaya’t nagiging mahina ang mga ito at nagiging mas malapit sa pagkakaroon ng mga aneurysm.

sanhi ng aortic aneurysm

Maiiwasan ba ito?

Maaaring mahirap maiwasan ang aortic aneurysms nang bigla, lalo na para sa mga pasyenteng may genetic o preexisting condition. Gayunpaman, may mga bagay na maaaring gawin ang tao upang mapababa ang panganib nito. 

Narito ang ilan sa mga bagay na iyon:

Kumain ng masustansya at mag-ehersisyo

Ang pagkain ng masustansya at araw-araw na pag-eehersisyo ng hindi bababa sa 30 minuto ay makatutulong upang mapababa ang panganib ng aortic aneurysms. Magtuon sa pagkain ng masustansyang prutas at gulay, at subukang pababain ang pagkain ng karne, matatabang pagkain, processed food at asukal. 

Panatiling wasto ang timbang

Kapag obese ka o sobra ang timbang, nasa panganib ka ng pagkakaroon ng aortic aneurysms, atherosclerosis, at high blood. Ibig sabihin, kung mababa ang timbang mo at mapanatili mo ito rito, malaki ang maibababa ng panganib mo hindi lamang ng aortic aneurysms, kundi maging ng mga cardiovascular problem sa kabuoan.

Panatilihing mababa ang blood pressure

Kung mayroon ka nang high blood pressure, ang pinakamabuting gawin ay panatilihin itong mababa at nasa healthy range. Kung umiinom ka ng gamot, tiyaking naiinom mo ito nang regular at magsagawa ng mga positibong pagbabago sa pamumuhay upang gumanda ang iyong kalusugan. 

Huminto sa paninigarilyo

Isa rin sa pinakamagagandang paraan upang mapababa ang panganib ng aortic aneurysms ay ang paghinto sa paninigarilyo. Kung naninigarilyo ka, o kung naninigarilyo ang kaibigan o kasama mo sa bahay, pinakamabuting hikayatin silang huminto na sa lalong madaling panahon.

Regular na magpatingin sa doktor

Mahalaga ang regular na pagpapatingin sa doktor, lalo na’t walang agarang sintomas ang senyales ang aortic aneurysms. Matitingnan ng mga doktor ang kabuoan mong kalusugan at makapagrereseta ng gamot kung kinakailangan. 

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng puso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Aortic aneurysm – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/aortic-aneurysm/symptoms-causes/syc-20369472, Accessed January 7, 2021

Thoracic aortic aneurysm – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/thoracic-aortic-aneurysm/symptoms-causes/syc-20350188, Accessed January 7, 2021

Aortic Aneurysm | cdc.gov, https://www.cdc.gov/heartdisease/aortic_aneurysm.htm#:~:text=An%20aortic%20aneurysm%20is%20a,to%20leak%20in%20between%20them., Accessed January 7, 2021

Aortic Aneurysm Causes, Symptoms and Concerns | UW Health | Madison, WI, https://www.uwhealth.org/heart-cardiovascular/aortic-aneurysm-causes-symptoms-and-concerns/10971, Accessed January 7, 2021

Aortic Aneurysm: Symptoms & Treatment, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16742-aorta-aortic-aneurysm, Accessed January 7, 2021

Abdominal aortic aneurysm – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/abdominal-aortic-aneurysm/, Accessed January 7, 2021

Kasalukuyang Version

05/31/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Nagagamot Ba Ang Varicose Veins?

Ano Ang Buerger’s Disease? Bakit Ito Mapanganib Sa Mga Naninigarilyo?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement