Ano ang mga sanhi ng paninikip ng dibdib o pananakit ng dibdib? Ito ang ilan sa mga tanong ng bawat indibidwal. Kaya naman, sa article na ito, tutuklasin natin ang mga posibleng dahilan ng pananakit ng dibdib. Kung saan may mga ilang kondisyon rin tayo na aalamin na maaaring humantong sa pananakit ng dibdib. Para malaman ang mga ito, patuloy na basahin ang article.
[embed-health-tool-bmr]
Paninikip Ng Dibdib: Ano Ang Sanhi?
Ang pananakit ng dibdib o paninikip ng dibdib ay maaaring lumitaw sa maraming anyo. Maaari itong maramdaman bilang isang malubhang pananakit sa dibdib o bilang isang di gaanong mapanakit sa paligid ng pangkalahatang bahagi ng dibdib. Ang sakit or paninikip ng dibdib maaaring iba-iba ang intensity o tindi.
Mayroong iba’t ibang mga kondisyon na maaaring maging sanhi ng pananakit ng dibdib. Magkakaroon ng mga kaso kapag ang sakit ay maglalakbay hanggang sa leeg at sa panga. Ang pinakamalubhang dahilan ay kinabibilangan ng puso at baga, na maaaring magdulot ng banta sa buhay.
Mga Sintomas Na Kaakibat Ng Paninikip Ng Dibdib
Kadalasan, ang pananakit ng dibdib ay sasamahan ng iba pang mga sintomas, na depende sa kung ano ang aktwal na nag-trigger. Kadalasan, ang mga sintomas ay hindi konektado sa puso. Ngunit ang mga doktor lamang ang maaaring matukoy ang eksaktong dahilan.
Ang paninikip ng dibdib ay karaniwang nauugnay sa mga problema sa puso at isa ito sa mga unang dahilan na iisipin ng mga tao. Sasabihin ng mga may problema sa puso na nakakaramdam sila ng kakulangan sa ginhawa sa bahagi ng dibdib, na hindi naman masakit.
Ang pananakit ng dibdib na konektado sa atake sa puso ay maaaring batay sa sumusunod na sintomas:
- Paninikip sa dibdib
- Mainit na pakiramdam sa gitna ng dibdib
- Matinding pananakit na tumatakip din sa leeg, panga, balikat, at braso
- Pinagpapawisan ng malamig
- Kinakapos na paghinga
- Pagkahilo
- Isang pangkalahatang pakiramdam ng kahinaan
Ang pananakit ng dibdib na konektado sa sakit sa puso ay maaaring sinamahan ng sumusunod na sintomas:
- Isang maasim na lasa sa iyong bibig
- Pakiramdam na parang nasusuka o naduduwal
- Ang sakit ay nagbabago ng tindi habang gumagalaw ka sa iyong katawan
- Nakakaramdam ka ng sakit kapag tinutulak mo ang iyong dibdib
- Hindi nababawasan ang tindi ng sakit ng dibdib
Ang ilan sa mga sintomas na ito ay maaaring sanhi ng mga problema sa tiyan.
Kaya, ano ang mga sanhi ng paninikip ng dibdib? Tulad ng nabanggit, maraming mga kondisyon na maaaring humantong sa pananakit ng dibdib. Karamihan sa mga kondisyong ito ay nangangailangan ng ilang uri ng medikal na atensyon.
Mga Sanhi Na May Kaugnayan Sa Puso
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pananakit ng dibdib na sanhi na kaugnay sa puso:
- Atake sa puso. Karaniwang iniisip ng mga tao ang mga atake sa puso kapag iniisip nila ang tungkol sa paninikip ng dibdib. Ang atake sa puso ay sanhi ng pagbara sa pagdaloy ng dugo sa puso o ang pagbara ng mga ugat sa puso, at ito ay nagdudulot ng matinding pananakit.
- Angina. Angina ay isang kondisyon na sanhi ng mahinang daloy ng dugo sa puso. Ang mahinang daloy ng dugo ay nagdudulot ng sakit. Maaaring nararamdaman ito pag gumagalaw, o may ginagawang mga activity na mabibigat
- Aortic dissection. Ang isa pang kondisyon na maaaring magdulot ng pananakit ng dibdib ay kilala bilang Aortic dissection. Ang kondisyong ito ay nakakaapekto sa arterya mula sa puso. Ang ibang tao maaaring makaramdam ng sakit sa dibdib na tumtugon hanggang likod at kinoconsider ito bilang medical emergency kung kaya’t dapat magpatingin kaagad kng ganito ang nararamdaman.
- Pericarditis. Ang pamamaga ng sac na nakapalibot sa puso na kilala bilang pericarditis ay maaaring magdulot ng pananakit sa bahagi ng dibdib. Ang sakit na pwede maramdaman nito ay sakit ng dibdib na mas lumalala pag gumagalaw.