backup og meta

Ano Ang Buerger’s Disease? Bakit Ito Mapanganib Sa Mga Naninigarilyo?

Ano Ang Buerger’s Disease? Bakit Ito Mapanganib Sa Mga Naninigarilyo?

Maaaring isipin na ang mga naninigarilyo ay may mahinang baga na sanhi ng mga sakit na kaugnay nito. Bagama’t ito ay totoo, may iba pang mga sakit na maaaring makaapekto sa kalusugan at kapakanan ng isang naninigarilyo. Isa sa mga bihirang sakit na ito ay ang Buerger’s disease. Alamin kung paano nakaaapekto ang kondisyong ito sa kalusugan, maging ang ilan sa mga gamot sa Buerger disease.

Isang bihirang sakit ang Buerger’s disease na pinakakaraniwan sa mga taong naninigarilyo. Ang mga kalalakihang nasa pagitan ng edad na 20s at 40s ay maaaring makaranas ng mga senyales at sintomas na humahantong sa sakit na ito. Sa mga may Buerger’s disease, maaaring mangyari ang pamamaga sa mga may maliliit at medium na laki ng arteries na makikita sa kamay, braso, paa, at binti. Nagpapahirap ang pamamagang ito sa pagdaloy ng dugo, na kadalasang nagreresulta sa pamumuo nito.

Isang maagang senyales ng sakit na ito ay ang pananakit na nagsisimula sa mga daliri at pagkatapos ay kumakalat sa iba’t ibang bahagi ng katawan, tulad ng mga braso at binti. Minsan ito ay tinutukoy bilang thromboangiitis obliterans.

Buerger’s Disease Vs. Raynaud’s Disease

Maaaring magdulot ng Raynaud’s disease ang Buerger’s disease (kilala rin bilang Raynaud’s phenomenon).

Ang Raynaud’s disease ay sakit kung saan ang mga ugat na daluyan ng dugo sa mga daliri sa paa at kamay ay nanghihina dahil sa sipon o stress. Magiging kulay puti o bughaw ang balat kung walang sapat na dugong dumadaloy sa mga ugat na daluyan ng dugo. Ngunit makalipas ang ilang minuto o oras, ito ay magiging kulay pula at kalaunan ay makaramdam ng pamamanhid.

Kumpara sa Raynaud’s disease, ang Buerger’s disease ay mas masakit, na may mas maraming mga sintomas.

Mga Sintomas Ng Buerger’s Disease

Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ay:

  • Pamamanhid sa mga kamay o paa
  • Pagbabago sa kulay ng mga kamay o paa (maaaring namumutla, mamula-mula, o maging kulay bughaw)
  • Masakit na bukas na sugat sa mga daliri o paa
  • Claudication (pananakit sa hita, guya o pigi sanhi ng hindi sapat na daloy ng dugo habang nag-eehersisyo)
  • Pamamaga ng ugat sa ilalim ng balat (dahil sa pamumuo ng dugo)
  • Malamig na kamay o paa

Maaari ding mapansin ang hindi kanais-nais na amoy sa mga apektadong bahagi sa paglipas ng oras.

Mga Komplikasyon Ng Buerger’s Disease

Bilang resulta ng Buerger’s disease, ang tissue ng balat sa mga daliri at paa ay maaaring magkaroon ng malubhang komplikasyon: gangrene. Ito ay sakit na nakamamatay at nangangailangan ng pagputol sa apektadong bahagi. Upang maiwasan itong mangyari, mahalaga ang gamot sa Buerger’s disease at ang paghinto sa paninigarilyo ay ang pinakamahalaga.

Pag-Diagnose Sa Buerger’s Disease

Bagama’t walang tiyak na mga sanhi ang Buerger’s disease, maaaring kailanganing sumailalim ng pasyete sa iba’t ibang tests upang makumpira ang pagkakaroon ng sakit o malaman ang ibang posibilidad na may mga katulad na senyales.

Pagsusuri Ng Dugo

Nakatutulong ang pagsusuri sa dugo upang maalis ang tyansa ng pagkakaroon ng iba pang mga karaniwang sakit na autoimmune tulad ng lupus o diabetes. Maaari ding tingnan ng mga doktor ang mga resulta ng pagsusuri upang malaman kung may iba mga mapapanganib na salik na maaaring isaalang-alang bago isagawa ang gamutan.

Allen’s Test

Ang Allen’s test ay paraan upang masuri ng mga doktor ang padaloy ng dugo ng isang tao mula sa arteries patungo sa mga kamay.

Upang gawin ang test na ito, kinakailangang higpitan ang kamao upang mawala ang dugo sa kamay. Pagkatapos nito, didiinan ng doktor ang arteries sa bawat gilid ng pulso ng kamay upang mawala ang natural na kulay ng mga kamay. Ang bilis ng pagbabalik ng kulay ng kamay ay maaaring senyales ng kalusugan ng arteries. Anomang mga problema o pagkaantala sa pagdaloy ng dugo sa kamay ay maaaring indikasyon ng problema. At ang tamang diagnosis ay maaaring humantong sa agarang paggamot sa sakit na Buerger.

Angiogram

Ito ay isang proseso kung saan sinusuri ng doktor ang kalagayan ng arteries. Ang CT o MRI scan ay maaaring isagawa upang gawin ang hindi invasive na angiography.

Gamot Sa Buerger Disease

Maaaring magmukahi ang doktor ng iba’t ibang gamot sa Buerger disease depende sa sitwasyon ng pasyente. Ngunit sa pangkalahatang, posibleng sabihin niyang ihinto ng pasyente ang paninigarilyo upang mabawasan ang mga mapapanganib na epekto at implikasyon nito.

Ang iba pang mga uri ng gamot sa Buerger disease ay ang mga sumusunod:

  • Mga gamot para sa pagpapabuti ng pagdaloy ng dugo
  • Intermittent na compress ng braso/binti
  • Operasyon sa spinal cord upang masolusyunan ang sakit
  • Pagputol ng tiyak na bahagi ng katawan

Key Takeaways

Ang pagtigil sa pagtatabako o anumang anyo ng paninigarilyo ay ang pinakamabisang gamot sa Buerger disease. Ang patuloy na paninigarilyo ay maaaring makapagpataas ng tyansa ng pagputol ng tiyak na bahagi ng katawan at iba pang komplikasyon sa kalusugan.
Tandaan, maaaring mahirap ihinto ang paninigarilyo, ngunit napakaraming pangmatagalang benepisyo nito para sa iyong kalusugan — at sa kalusugan ng iyong mga mahal sa buhay.

Matuto pa tungkol sa iba pang mga problema sa cardiovascular dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Buerger’s Disease, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21680-buergers-disease#management-and-treatment, Accessed September 20, 2021

Buerger’s Disease, https://rarediseases.org/rare-diseases/buergers-disease/, Accessed September 20, 2021

Buerger’s Disease, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/buergers-disease/diagnosis-treatment/drc-20350664, Accessed September 20, 2021

Buerger’s Disease, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/buergers-disease/symptoms-causes/syc-20350658, Accessed September 20, 2021

Buerger’s Disease, https://www.hopkinsvasculitis.org/types-vasculitis/buergers-disease/, Accessed September 20, 2021

Buergers Disease, https://www.vasculitis.org.uk/about-vasculitis/buergers-disease, Accessed September 20, 2021

 

Kasalukuyang Version

03/09/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Nagagamot Ba Ang Varicose Veins?

Bakit Bumabagsak Ang Bp Kapag Tumatayo? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement