Ang pagkakaroon ng mga halatang ugat sa katawan lalo sa binti ay maaaring normal lamang. Ngunit kapag ang iyong ugat ay namamaga at naging malalaki maaaring maging mapanganib ito. Kung saan ang ganitong kondisyon ay tinatawag na varicose veins na madalas makita sa mga binti ng mga indibidwal.
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit sa binti madalas magkaroon ng varicose ang isang tao ay dahil sa madalas pagtayo at paglalakad ng tao na nagpapataas ng pressure sa veins ng ibabang bahagi ng katawan ng isang indibidwal. Ang pagkakaroon ng varicose ay isang malaking discomfort na nakakaapekto sa kalusugan ng isang tao, kaya naman ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa kung ano ang varicose veins ay isang mahusay na hakbang para hindi ka magupang maiwasan ang kondisyon na ito.
Narito ang mga dapat mo pang malaman tungkol sa kondisyon na ito.
Ano Ang Varicose Veins?
Ano ang varicose veins? Ito ay ang mga namamagang blood vessels na makikita sa ilalim ng ating mga balat. Kapag ang iyong veins walls ay mahina at ang iyong valves ay hindi gumagana nang tama, ang dugo ay nagba-back up sa vein. Ito ang nagiging dahilan ng kulay asul o lila na mga ugat na makikita sa iyong mga paa, binti, o sa kahit saang bahagi ng iyong katawan.
Bagamat hindi naman seryosong medikal na kondisyon ang varicose maraming tao pa rin ang hindi nagiging komportable at nahihiya sa pagkakaroon nito. Madaling makita ang mga varicose sa katawan — at hindi ito kaaya-aya para sa kanila.
Maaaring magdulot ng pananakit ng katawan ang varicose at humantong sa mga malulubhang problema.
Anu-Ano Ang Mga Risk Factor Sa Pagdebelop Ng Varicose?
Kahit sino ay maaaring magkaroon ng varicose veins, at narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng varicose ang isang indibidwal:
- Edad — Dahil sa aging process na nararanasan ng isang tao, ang vein walls at valves ay hindi na gaanong gumagana ng maayos katulad ng dati. Kaya naman nawawalan ang veins ng elasticity at nagiging “stiff”.
- Kasarian — Pinapayagan ng female hormones ang walls ng veins para ma-stretch. Kaya naman ang mga taong buntis, nagte-take ng birth control pill, o nasa menopausal stage ay nasa mataas na risk sa pagkakaroon ng varicose veins dahil sa pagbabago sa kanilang hormone levels.
- Family history — Maaaring mamana ang kondisyon na ito.
- Lifestyle — Ang pag-upo at pagtayo ng matagal ay nagpapababa ng sirkulasyon. Kaya ipinapayo ang regular na paggalaw kahit ikaw ay nakatayo o nakaupo.
- Paggamit ng tobacco — Ang mga taong gumagamit ng tobacco products at kadalasang nakakapagdebelop ng varicose veins.
- Pagkakaroon ng labis na timbang — Ang sobra-sobrang timbang ay nakapaglalagay ng pressure sa blood vessels ng isang tao na nagiging dahilan kung bakit nagkaka-varicose ang isang indibidwal.
- Overall health — Ang pagkakaroon ng mga medikal na kondisyon gaya ng malubhang constipation at tumor ay nakapagbibigay ng mataas na pressure sa veins ng isang tao.
[embed-health-tool-bmi]
Paano Ginagamot Ang Varicose Veins?
Maaaring kasangkot ang self-care measures sa paggamot ng varicose vein. Nakatutulong din ang mga procedure na ginagawa lamang ng isang health care provider upang gamutin ang varicose veins.
Para malaman ang mga hakbang sa pangangalaga sa sarili sa paggamot ng varicose, ipinapayo ang pagpapakonsulta sa doktor.
Paano Maiiwasan Ang Varicose Veins?
Ang pagpapaunlad ng blood flow at muscle tone ay maaaring makatulong upang mabawasan ang pagdebelop ng varicose veins sa katawan. At bukod dito narito pa ang ilang mga bagay na pwede mong subukan upang maiwasan ito:
- Pag-iwas sa pagsusuot ng matataas na heels lalo na kung hindi naman kinakailangan
- Pagpapalit ng posisyon sa pag-upo at pagtayo ng regular
- Pagkonsumo ng mga pagkain na may mataas na fiber at pagsasagawa ng low-salt diet
- Pag-eehersisyo
- Pagtaas ng iyong legs kapag ikaw ay hihiga o uupo
- Pagpapanatili ng iyong malusog na timbang
Key Takeaways
Sa oras na makaranas ng labis na discomfort dahil sa varicose veins, ipinapayo na magpatingin na sa doktor. Siya ang makakatulong upang matukoy ang tunay na problema sa kalusugan at magbigay ng wastong payo.
Matuto pa tungkol sa Iba Pang Cardiovascular Issues dito.